CBI sa mga magpu Pulis, kailangan para maiwasan ang Bugok na Itlog sa PNP; Medical Mission ng programa ni Joe Pineda sa Baraoain Elementary School matagumpay na natapos at mga nadakip na walang helmet na nagmo-motorsiklo, mga magnanakaw pala ng motorsiklo na nasakote ng PNP-Baliwag


 

Complete Background Investigation, iyan ang dapat gawin ng Philippine National Police kung gusto nila na magkaroon ng dekalidad na puwersang pulisya na propesyunal at maa asahan, hindi mga bantay salakay na gaya ng ibang miyembro ng PNP ngayon na tiwali ayon sa exclusive interview ng www.diaryongtagalog.net sa Vice President for Academic Affairs ng Philippine Public Safety College na si P/Supt. Amador Balaguer Navarozza.

Kamakailan ay nasangkot ang ilang opisyal ng pulis sa samut-saring kaso na hayagang sumisira sa imahe ng kanilang institusyon. Bagaman iilan lamang ang mga tiwali sa maraming matitinong miyembro ng PNP hindi maiwasang sila ang nagsisilbing salamin ng kabuuan.

Isang natatanging hakbang ang dapat gawin upang makatiyak na ang mga papasok sa institusyon g pagpu pulis ay tiyak na ang hangarin ay maglingkod sa bayan at sa kapwa at hindi umasa na paglabas nila ng pagsasanay ay may katiyakan lamang na magkakaroon ng trabaho.

Sa panayam kay Navarozza ng www.diaryongtagalog.net sa mga nais mag pulis dapat ay maraming iniimbestigahan ang PNP, una ay ang mga kaanak ng taong nais mag pulis kasunod ay ang mga taong nakapaligid sa kanya, mga kaibigan at mga dating kasama sa trabaho ngunit sa ngayon ay aminado ang PNP na hindi ito maaring gawin kasi maiko kompromiso ang trabaho ng intelligence network ng ahensya sapagkat imbes na gawin nila ang dapat nilang trabahuhin ay mauuwi lang sa pagi imbestiga ng mga magpu pulis ang kanilang mga oras na lubhang hindi produktibo.

Matatandaang naungkat ang suliranin sa recruitment ng mga pulis makaraang masangkot ang ilang sinasabing mga bugok na itlog ng PNP sa samut-saring krimen kamakailan kung saan ang mga nasangkot ay di lang mga pulis na may mababang ranggo o mga non commission officers kundi pati mga opisyales o career officers na may ranggong tinyente pataas.///Michael n balaguer

joe pineda event two

Samantala, nag conduct ng medical, dental, optical pati ang reflexlogy ang grupo ng broadcaster na si Joe Pineda sa Barasoain Memorial Elementary School kabalikat ang Principal ng paaralang si Mr. Felipe Dela Cruz, bukod sa grupo ng programang Talakayan ng bayan na ini ere sa DWAP 88.7 sa Malolos ay sinamahan rin ang grupo ni Pineda ng Pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng programang Kapitolyo sa Barangay.

Kabilang sa mga nakibahagi ay ilang mamamahayag gaya ng www.diaryongtagalog.net mga guro, magulang na miyembro ng General Parent Teachers Association na pinangungunahan rin ni Pineda, mga representante ng Guardians Brotherhood Association at mga civic groups na sumusuporta sa programa ng broadcaster.

Tinatayang nasa 1000 katao ang nakibahagi buhat sa ibat-ibang barangay na malapit sa nasabing lugar , nabatid na isa sa nagsilbing taga suporta rin ng nasabing programa ng broadcaster ay si Malolos City Mayor Christian Natividad ngunit di ito nakarating sa okasyon.

Ayon naman sa mga nakapanayam ng www.diaryongtagalog.net na mga nakapag avail sa nasabing medical mission, sinabi nilang malaking tulong ang mga ganitong aktibidad sa kanilang mga kinakapos sa panggastos sa pangangailangang medical at nawa anila ay marami pang mga kagaya nina Pineda at mga kaibigan sa pamamahayag na sa halip ay ibang programa at proyekto ang unahin ay mga kaugnay o katulad na mga programa ang isulong.///Michael balaguer

 

Kaugnay nito, kasalukuyan nang naghihimas ng malamig na selda ng Baliwag Municipal Jail ang dalawang suspek na nadakip dahil lang sa simpleng di pagsusuot ng helmet na sa kalaunan ay napag alamang mga magnanakaw pala ng motorsiklo at ang kanilang mga dalang motor ay kapwa ninakaw nila at naganap ang pagkakasakote nitong Ika-19 ng Oktubre, 2014 sa kahabaan ng Donya Remedios Trinidad Highway, Bgy. Pagala, Bayan ng Baliwag sa Bulacan.

Sa ulat na ipinarating ni PSINSP Diosdado Paragas Leal kay PSUPT Enrico Huelba Vargas sa Provincial Director ng PNP sa Bulacan Police Provincial Office sa Camp General Alejo Santos sa Malolos City na may petsang Ika-20 ng Oktubre 2014, inulat niyang dakong alas 6:00 nang gabi  ng Ika-19 ng Oktubre, 2014 nanag madakip nina P02 nastacio Canoza III at P01 Joel Ladores ang dalawang suspek sa isang karaniwang checkpoint at napansin ng mga operatibang walang mga helmet at lumabag sa RA 4136 at RA 10054 ang dalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina Abraham Soliman, 24 anyos, may asawa at residente ng Purok 2 Bgy San Roque San Rafael Bulacan at si Gerald San Andres, 30 anyos, binate at nakatira naman sa Purok 1 Bgy San Roque nang nasabi ring bayan.

Dahil walang maipakitang papeles na kanila ngang pag aari ang mga motorsiklong itim na Honda Wave 100 na may engine number na KWY00E029488 at chasis number na KWY00029482 at pulang Honda wave 100 rin na may engine number na KVR01E26678 at chasis number KVR01026676 ay inimpound ito sa istasyon ng pulis sa Baliwag.

Dakong alas 8:30 ng umaga nang makipag tulungan si Acting Chief of Police PSINSP Diosdado Paragas Leal sa Provincial Highway Patrol Team na nag follow up sa  Land Transportation Office sa Bgy Ulingao San Rafael kung talagang ang mga nadakip na suspek ang tunay na nag mamay ari nang nasabing mga motorsiklo at kanilang nabatid na ang isa sa mga motorsiklong impounded na Honda Wave 100 na kulay itima ay pagmamay ari ng isang Seferino Veneracion na taga Sto Cristo Candaba Pampanga ayon na rin sa LTO.

Sa kanilang patuloy na pag iimbestiga ay napag alaman rin na ninakaw ang nasabing motorsiklo  noong Ika 27 ng Agosto 2014 dakong alas 12:00 nang tanghali habang ito ay naka park sa isang waiting shed sa Maginao Elementary School, Donya Remedios Trinidad Highway Bgy Maginao bayan ng San Rafael sa Bulacan at ito ay naitala sa Blotter ng pulis sa nasabing bayan.

Nang mapag alaman mismo kay Ginoong Veneracion sa pamamagitan ng mga tangan niyang dokumento na tunay ngang ninakaw sa kanya ang nasabing motorsiklo, naghain nan g habla ang pulis sa mga suspek sa kasong paglabag sa RA 6539 o Anti Carnapping Law of 1972.///Michael n Balaguer

baliwag