COMELEC sa Meycauayan, Aktibo; Life Ring Society, kaagapay ng Seafarers Sector at Joel Villanueva ng TESDA tatakbong Senador

comele meyc

 

Commission on Elections sa Meycauayan at Malolos Naging Aktibo sa Pagpaparehistro kahit Walang Pasok

Camalig, Meycauayan City-NAGING aktibo sa pagpaparehistro ng mga botante sa lungsod na ito ang Commission on Elections sa pangunguna nang kanilang Election Officer IV na si Ms. Blesilda R. Leonardo.

Sa panayam ng www.diaryongtagalog.net isang araw bago ang huling araw ng pagpapatala upang makaboto sa 2016, sinagot ni Ms. Leonardo ang samut-saring alegasyong ibinibintang sa kanila nang ilang mga residente na umano ay hanggang 200 tao lamang ang kanilang ina accommodate upang i-rehistro.

Ayon sa Election Officer, binibigyan nila ng konsiderasyon ang mga may kapansanan,  mga matatanda, mga buntis at ang mga nagpa tala online na magbaa biotrics na lamang. Dagdag pa niya ay halos umaabot rin ng 200+ ang registrants at kung minsan  maka una lang sa iba ay gumagawa ng ibat ibang mga raket o style ang mga ina o kababaihan may tangan na mga sanggol na ginagawa gaya nang modus na pagpapasa ng bata upang kaawaan at paunahin, pagpapanggap na buntis sa pamamagitan nang paglalagay ng unan.

Umaabot mula alas 8:00 ng umaga hanggaang halos alas 7:00 na nang gabi tumatagal ang pagpapatala. Dahil nakagawian nang Pilipino ang Last Minute sa mga ganitong sitwasyon naka depende pa rin sa desisyon ng En Banc sa COMELEC ang pagdedesisyon kung ie extend pa ang araw o hindi na, nabanggit rin ni Leonardo na pagkaaraan naman daw ng 2013 halala ay bukas na ang pagrerehistro kung bakit ngayon lang na itgitan naa saka naman maagkukumahog magpatala ang ibang botante.

Napag alamang naging aktibo sa Gitnang Luzon ang mga kawani ng Komisyon sa Halalan lalo ang mga kawani sa mga lungsod ng Meycauayan at Malolos lalo nuong kasagsagan ng Bagyong Lando kung saan ay non-working holiday dahil sa kalamidad. Ginanap nila ang pagpapatala sa mga malls sa kani-kanilang mga lungsod.

Sa muling pagtungo ng www.diaryongtagalog.net sa cityhall kung saan naroon ang Commission on Elections ay maaga pa na napakarami na ng mga taong nag aantay, may mga nag hysterical na at nakipagtalo sa mga election officers ang iba, tunay na mahilig sa last minutes ang mg Pinoy kaya sa huling araw ay mas marami ang nagparehistro ngunit generaly peaceful namang maituturing ang sitwasyon sa lugar at wala naman umanong mga naganap na untoward incidents sa kabila nang mas dumami ang bilang ng tao.

Kasama ang DZRJ 810 Khz AM sa Programang Yesterday, Today and Tomorrow, ni Ms. Mary Jane Olvina-Balaguer, R3CLMABC Unplugged ng DWAP 88.7 FM at pahayagang Diaryong Tagalog.///Michael Balaguer

 

life ring

 

Life Ring Society, kaagapay ng Seafarers Sector

Maynila, Pilipinas- KAAGAPAY nang sektor ng mga seafarers o mga seamen ang life ring society, isang non-government organization na may mga program at proyektong tumututok sa mga suliranin at kpaknan ng mga kababayan nating mandaragat.

Kamakalawa ay ginanap ang panunumpa ng kanilang mga  bagong halal na mga opisyales at  naroon nakibahagi ang www.diaryongtagalog.net, DZRJ 810 Khz AM at mga mamamahayag sa print and broadcast medium.

Kamakailan ay ginanap ang panunumpa sa tungkulin ng mga opisyales ng Life Ring Society kung saan ang mga ito ay nangakong pangangalagaan ang kapakanan ng mga mandaragat o seafarers.

Isang maritime nation ang Pilipinas at kagaya ng mga bansang kapuluan ay isang malaking bahagi sa mga malaking nakapagbibigay kontribusyon sa pambansang ekonomiya ay ang mga kinikita ng mga produkto at serbisyo mula sa dagat ngunit kakatwang ang mga nagtatrabaho sa dagat ang isa sa pinakamayaman at pinakamahirap na sector ng bansa.

Ang mga seamen o seafafers at mga large scale fishermen ay mga mayayaman habang ang karaniwang mga mangingisda at mga maliliit na mangingisda maging sa kanayunan o kalunsuran.

Dahil marami sa mga mandaragat ay mahihirap at ang lungsod ng Maynila ay may mga bahaging tabi nang dagat, isa sa mga pangunahing panauhing pandangal ng grupo ay si Manila Vice Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, isang actor aat pinakabatang konsehal na ngayon ay nanunungkulan bilang Pangalawang Punong Lungsod ng Maynila.

Kilalang laki sa kahirapan si Moreno na ang buhay ay isang bukas na aklat, nakatakda siyang tumakbo bilang Senador. Bahagi ng kanyang talumpati ay ang pagpapalakas ng loob sa mga mamamayan particular sa mga seafarers at mga bisitang dayuhan sa halaga ng pagtitiyaga at pagsisikap dahil kung siya naa mula sa kahirapan ay naka aahon, wika niya ay magagawa rin ito ng iba basta lumugar lamang sa tama at walang tinatapakan.

Isa rin sa mga bisita ay ang kongresistang si Neri Colmenares ng Bayan Muna na siyang nagasilbing inducting officer ng grupo, kabilang sa unang programa ng life ring society ay ang pagpo promote sa mixed martial arts bilang bahagi ng ehersisyo.///Michael balaguer

tesda joel

 

Quezon City, Pilipinas-Dumalo sa regular na Pandesal Forum sa lungsod Quezon si Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)Director General Secretary Joel Villanueva, ang buong akala ng ibang mga nakibahagi sa nasabing forum ay naroon lamang ito upang ihayag ang kanyang kandidatura bilang senador sa kampo ng daang matuwid ngunit bukod rito ay ipinamalas din nito ang kanyang husay sa paggawa ng kape.

Sa nasabing forum ay inihayag niya ang kanyang plataporma de gobyerno na umiinog sa mga letra ng TESDA, maraming naitanong kay Villanueva ukol sa trabaho at samut-saring isyu na nauugnay sa kanyang trabaho bilang datihang Director General ng TESDA dahil nagbitiw na ito nang magsumite ng kanyang Certificate of Candidacy bilang Senador sa Ticket ng Daang matuwid ni PNoy.///Michael Balaguer