Entrepreneurship, pagsabak ni Senator Bongbong Marcos at Kalagayan ng Laguna De Bay-Bokal DAVE ALMARINEZ at Dalawang Notorius Na Holdaper Huli Matapos Ang Dalawang Taon

Dapat na matutong maging negosyante ang mga mamamayan sa halip na umasa silang bibigyan nang trabaho ng gobyerno. Ito ang humigit kumulan bahagi ng ilang minutong taumpati ni Laguna First District Board Member Dave Almarinez nitong nakaraan pulong balitaan na ginanap sa Great Eastern Hotel Aberdeen Court sa lungsod ng Makati.

Ayon sa bokal ng Laguna halos hindi na aasa sa gobyerno ang mga mamamayan kung matututo silang maging entreprenyur o magnegosyo at kaya na nilang makatayo sa sarili nilang mga paa.

Tunay na bahagi ng isang matatag na sambayanan ang sector ng pagnenegosyo at sa ibayong dagat ay hinihikayat ang mga mamamayan na kung di makahanap ng trabaho ay mas makabubuting magnegosyo upang umasenso ito ang adbokasiya ng kinatawan ng unang distrito dahil siya mismo ay isang entreprenyur.

Mula sa pamilyang hindi pulitiko o hindi nagmana ng posisyon sa pamahalaan ayunin niyang bigyan ng klaman ang mga mamamayan na may mga lingkod bayan n gy niy na may totoong hangarin para magsilbi ng tapat sa bayan.

Sagot sa unang katanungang ibinato s kaanya ng www.diaryongtagalog.net ukol sa kung ano ang kanyang gagawin sakaling palaring maluklok bilang kinatawan sa kongreso ng kanyang distrito sa Laguna ukol sa usaping pang hanap-buhay at trabaho.

Sa kabilang dako nang maitanong naman ang tungkol sa partidong kinaa aniban, wika niyang siya ay tapat na kabilang sa Partido Nacionalista t pukol ng www.diaryongtagalog.net kung sino sa kanyang palagay ang kaniyang maaring suportahan, sa personal na kapasidad sa mga nababalitang lalaban bilang Pangalawng Pangulo na sina Senador Allan Peter Cayetano, Senador Gregorio Honsn at Senador Bongbong Marcos.

Nabatid kasi na sa tatlong miyembrong naturan ay sina Cayetano at Honasan ay naniniwala at magtutuloy ng tuwid na daan nang kasalukuyang administrasyon habang si Marcos ay may sariling plataporma.

Ayon kay Almarinez, nasa desisyon ng kanilang partido an naturang bagay at kung ano aniya ang mapagkasunduan ay yaon kanyang susuportahan bilang miyembro.

Kaugnay nito ay naitanong rin sa kanya ang kalagayan nang kalikasan sa kanilang lalawigan ang bantog na lawa ng laguna na alam namang apektado sa umiiral na pagbabago nang klima.

Sagot niya sa www.diaryongtagalog.net muli naka depende sa susunod na administrasyon ang mg ipapatupad naa polisiya o mga patakaaran kung itutuloy o hindi nag mga kasalukuyan at nabinbing mga programa at proyekto ng kasalukuyang administrasyon.

Isyu umano kasi ng policy ang kinkharap ng Laguna de bay ngayon ayon sa Bokal.///Michael Balaguer

——————————————————————————————————————————————

Matagumpay na naaresto matapos ang dalawang taon ang dalawang kilabot na holdaper sa Tondo Maynila na kinabibilangan ng isang menor de edad at ng bayaw nito.

Kinilala ni Police Community Precinct Commander PINSP Monico Aliado ang mga suspek na sina alyas Wewe, 16 anyos at bayaw nitong nagngangalang Julius, 20 anyos, taga Aroma Compound, Ditas Tondo at nahuli ang mga ito sa kanilang tirahan alas 9 ng umaga.

Base sa imbestigasyon, sa Road 10 Jacinto st. umaatake ang mga suspek tuwing gabi at mga nakasakay sa motorsiklo ang mga binibiktima.

Ayon sa bagong hepe ng PCP, may modus ang mga ito na itutulak ang mga motorsiklong nagmemenor sa naturang lugar na magreresulta sa pagkakatumba nito sakay ang mga biktima, at saka hoholdapin gamit ang kalibre 38.

Nasa pangangalaga ngayon ng Department of Social Welfare and Development ang menor de edad na suspek samantalang nasampahan ng kasong robbery ang bayaw nito. (DRYEN ZAMORA)