DOLE Pinangunahan ang 3rd National Career Advocacy Congress;
PINANGUNAHAN ng Department of Labor and Employment ang 3rd National Career Advocacy Congress kung saan nai highlight ang mga kontribusyon ng mga Career Guidance Providers upang matupad ang pag angat na walang iwanan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng disente at produktibong trabaho, pahayag mismo ng Kalihim Rosalinda Dimapilis-Baldoz kamakailan.
Dagdag pa ng kalihim, may 400 na Career Guidance Advocates buhat sa 17 rehiyon ng bansa ang dumalo sa 3rd NCAC na ginanap sa Midas Hotel nitong Mayo 26-27 sa lungsod ng Pasay.
Dagdag pa ng kalihim, ipamamalas ng nasabing aktibidad kung paano maiimpluwensyahan ng ng Career Guidance ang sinasabing walang iwanang pagsulong sa pamamagitan ng paglikha ng de kalidad na trabaho sa layuning mabawasan ng bahagya ang kahirapan sa bansa.
Layunin ng aktibidad na na paigtingin ang career guidance advocacy kasabay ng kasalukuyang makabuluhang impormasyon buhat sa merkado ng paggawa sa pandaigdigan at pambansang konteksto kasabay ng mga bagong kaalamang ituturo sa mga guidance counselors at career advocates kaalinsabay sa mga bagong konsepto at istratehiya sa career guidance ngayong panahong ito.
Mithiin ng kongreso na kilalanin ang potensyal sa pag angat ng mga karera o kurso ukol sa guidance counseling, kilalanin ang mga papel ng mga stakeholders kasama ng pribadong sektor sa pagsulong ng career guidance./// Michael N. Balaguer///sundan sa PAGGAWA page.