DOTr lilipat sa Clark sa Biyernes
METRO MANILA — Handang handa na ang paglipat ng DOTr na magsisimula nitong Biyernes, Hulyo 28, 2017, na batch by batch na sistematikong at epektibong transisyon. Inaasahang makukumpleto ang paglipat sa katapusan ng 2017.
Bilang pangunahing ahensiya na namamahala ng sistemang pang- transportasyon at plano ng maibsan ng trapiko sa bansa ang Department of Transportation (DOTr) ay ililipat ang Central Office sa Clark, Pampanga, ang hakbang sa pagbuo ng National Government Center.
Ipinauna na ni DOTr Secretary Arthur P. Tugade ang suporta sa pagkakalikha ng National Government Center na itatayo sa Clark na magiging sentro ng mga ahensiya ng gobyerno. Ang programang BUILD BUILD BUILD ng administrasyon Duterte, Ang mga nasyonal na sentro ng gobyerno na bubuuin ay magsisilbing pasilidad para sa pagtutulungan at koordinasyon ng iba’t ibang sangay ng gobyerno sa pag pagpapatupad ng mga programa at serbisyo ng pamahalaan.
Ang paglipat ay makakatulong na mabawasan ang trapiko sa buong Metro Manila, mababawasan rin ang oras ng biyahe at gagaan ang pagbibiyahe na mapapabuti sa mga motorista, at magsusulong ng pag- unlad sa NCR.
Ayon sa pag- aaral na inilabas ng Japan International Cooperation Agency (JICA) nitong nakalipas na Setyembre 2014 ang trapiko sa buong Metro Manila sa Pilipinas ay nagkakahalaga ng humigit kumulang Php. 2.4 bilyon kada arae at kung hindi pagtutuunan ng pansin ito ay maaring umabot sa Php 3 bilyon kaya araw sa darating na 2030.
Kaugnay nito sa isinagawang dialogo sa mga empleyado ng DOTr para sa sistema ng paglipad tulad ng libreng shuttle na magdadala sa kanila sa Clark. Gayundin ang flexible time at apat na araw na trabaho sa isang linggo at ang pagkakaroon ng tamang presyo ng pagkain. Nasa usapin pa ang subsidized sa pabahay.
Samantalang, base sa pagtutuos ang paglipat ng DOTr ay makakadagdag sa savings dahil hindi na sila uupa sa Columbia Towers na tinatayang aabot sa Php 9.3 milyon kada taon saving sa overheads cost ng departamento. ( Mj Olvina- Balaguer, 09053611058, maryjaneolvina@gmail.com)
-30-
DOTr tiniyak na maayos ang trapiko sa Regalado sa Nobyembre 2017
QUEZON CITY — “Luluwag ang traffic sa Regalado simula sa Nobyemre iyan ang tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade lalo na sa trapiko sa Doña Carmen at Regalado St. sa Lungsod na ito sa ongoing construction ng MRT7 station columns.
“We ask for the public’s continuous understanding and patience as we are striving to complete the construction of MRT-7 by 2019. Ang mga nararanasan po nating abala sa kasalukuyan, lahat po yan ay pansamantala lamang. Pero pangmatagalang ginhawa naman ang masisiguro ko sa inyo sa oras na ito’y makumpleto,” dagdag pa ni Tugade.
Sa pagbisita at inspeksiyon sa progreso ng Build Build Build (BBB) sinigurado ni Kalihim Tugade sa konstruksiyon ng MRT-7 columns na matatapos sa Nobyembre. Sa mga lugar na nabanggit.
Binubuo ng 14 na istasyon, ang 22 km MRT7 rail transit system na magkokonekta sa North Avenue Quezon city at San Jose Del Monte City sa Bulacan. Kabilang sa mga kasalukuyang konstruksyon ng istasyon ay ang mga sumusunod; North Avenue, Quezon City Memorial Circle, University Avenue, Tandang Sora, Don Antonio, Batasan, Doña Carmen, Regalado, Mindanao Avenue, Quirino, Sacred Heart, Tala, and San Jose Del Monte.
Ang DOTr ay magbibigay ng technical support sa Quezon City LGU at National Housing Authority (NHA) na mag aayos at titiyak sa mga apektadong 160 pamilyang tinukoy ng NHA sa North Avenue at Quezon Memorial Circle istasyon.
Gayun pa man, ang relocation sites ay hinahandasa Tanay, Rizal at Bulacan sa mga kuwalipikadong apektadong pamilya. Ang ibang relokasyon naman ay ang programang balik probinsiya.
Inaasahang matatapos ang kabuuan ng MRT-7 sa 2019 na mapapakinabanggan ng tinatayang 420,000 pasahero araw- araw.
Mj Olvina- Balaguer, 09053611058, maryjaneolvina@gmail.com)