Señeres kampyon ng OFW’s tatakbong Pangulo wawakasan ang kontraktwalisasyon at DOTR8 Pinabayaan ang Northern Samar sa Promosyon

 

Its not fun sa mga taga  Lalawigan san Amihan nga Samar ang ginagawa ng Department of Tourism sa hindi pagtulong na i -promote ang mga magagandang tanawin ng  lalawigan. “It regretable that the DOT Region 8 not helping promoting tourist” Ayon Kay Cong. Emil L. Ong, 2nd District Representative, Northern Samar.

Sa buong Pilipinas dalawa lamang ang may pink beach isa na matatagpuan sa Northern Samar at ang isa ay sa Zamboanga Del Sur. Matatagpuan din sa naturang Tallest light house sa buong kapuluan ang Batag lighthouse sa Bgy. Marubay sa likod ng white beach nakaharap sa Pacific Ocean.

Mayroon din 78 Km na kalsada along coastal road stretching mula sa Bayan ng mga sumusunod: Laoang, Palapag, Mapanas, Gamay at Lapinig. Pinangalanan President Corazon Aquino National Highway na nag-uugnay sa Northern Samar at Eastern Samar.

Sa baba nito ay white beach kumpara sa French Riviera na nakaharap sa Atlantic na sa baba ay puro maliliit na bato o peeble. Sa nasabing daan ay may view deck din 1,000 feet na pinangalanan President Corazon Aquino view deck. Ipinahagi pa ng Kongresista sa panayam ng www.diaryongtagalog.net na may 12 feet na statue ni President Cory na golden bronze at hindi pa na unveil na matatagpuan sa Bayan ng Mapanas.

Natandaan pa ng Solon na taon 1987  siya Presidential Assistant ang kapatid niya na dating Kongresista si Jose “Jun” Ong na ngayon ay kasalukuyan Gobernador ng Lalawigan ay napagkalooban sila ng 180 milyon at sa loob ng isang taon natapos ang 72 km na ginawa ng engineering batallion at ng hindi mga contructor. Kinakasa rin ang 1st bikeathon sa lalawigan ngayon Oktubre. ///Mary Jane Olvina-Balaguer

——————————————————————————————————————————————

 

Kontraktwalisasyon ang numero unong suliranin ng mga manggagawa ngayon. Tinatayang karamihan sa mga nagtatrabaho ay di umaabot ng limang buwan ay inaalis na sa kanilang pinagtatrabahuhan dahil sa pag e expire ng kontrata at iilan lamang ang nare regular.

Ito ang ipinaglalaban ng OFW partylist representative at dating Ambassador na si Congressman Roy Seneres na ngayon ay nagdeklarang tatakbo bilang Pangulo ng bansa layon ay wakasan ang kontraktwalisasyon.

Sa panayam ng www.diaryongtagalog.net sa lingguhang People’s Media Forum na regular na ginaganap tuwing biyernes alas 10 hnggang alas dose nang tanghali sa Great Eastern Hotel Aberdeen Court sa Makati venue, sinagot ni Seneres na mga tanong ng media ukol sa isyu nang mga manggagawa hingil sa kontraktwalisasyon at inilatag niya ang mga solusyon ukol sa nasabing probema.

Sa nasabing panayam rin ay kanyang sinabi ang una niyaang gagawin sakaling palaring maluklok sa pinakamataas na puwesto sa bansa at iyon ay lumagda nang isang executive order upang tuluyan nang tuldukaan ang kontraktwalisasyon kun saan aniya ay nakikinabang lamang ang mga mayayamang kapitaista at hindi ang manggagawan pinoy.///Michael balaguer