industriya ng paputok at pailaw ng bulacan dapat iligtas at hindi patayin

DSC00662

Malolos City, Bulacan- Nararapat nga na iligtas sa halip na patayin ang industriya ng paputok at pailaw sa bansa lalo sa lalawigang ito kung saan tinagurian na nga na fireworks capital bunsod ng malimit sa 8 bayan nito bumibili ng mga paputok at pailaw ang marami nating kababayan sa tuwing sasapit ang bisperas ng Bagong taon.

Malaking hakbang na nga ang inabot ng teknolohiya ng fireworks at pyrotechnics na ginagamit ngayon sa bansa. Kapantay na halos ng mga mahuhusay na manufacturers ng Bulacan gaya ng Dragon Fireworks ang mga dayuhang brand kaya hindi nakapagtatakang magwagi sa Pinoy sa nakaraang Pyronale World Fireworks Championship.

Ang video ng mga magaganda at makukulay na paputok at pailaw ay naging viral sa youtube. Ginanap ang PWFC 2013 sa Berlin, Germany nuong Sept. 7, 2013 at tinalo rito ng Pilipinas ang mga bansang Russia, Spain, Norway, Finland, Netherlans, France at ang China, bansang naka imbento ng paputok at pailaw.

Ang nasabing pagwawagi ng bansa sa naturang kompetisyon ang siyang sinasabing naging saving grace ng lalawigan ng Bulacan kung saan tinaguriang Fireworks Capital ng Bansa. Ngunit sa halip na ikagalak at ipagmalaki ay tila nais pa ng pamahalaan na patayin ang industriya o I abolish.

Bahagi ng talumpati ni Bulacan Senior Board Member Michael Fermin kamakalawa sa Sangguniang Panlalawigan ng nasabing probinsya ukol sa kanyang damdamin sa kinahinatnan ng industriyang nagbigay ng trabaho sa maraming Bulakenyo. 10,000 ang pabrika ng paputok ang matatagpuan sa mga bayan ng Sta. Maria, Bocaue, Pandi, San Rafael, San Ildefonso, Norzagaray, Baliwag at Angat.

Nais ni Fermin ay regulasyon at proteksyon para sa industriya at hindi abolisyon. Tuwing bagong taon laging nababalita ang mga basabugan ng mga malalakas o iligal na paputok. Ayon sa kanya, ang mga ito ay karamihan na smuggled buhat China, gaya ng piccolo na hindi gawa sa bansa. (Mike Balaguer)