Kap Berto Sembrano ng Bgy Camachin sa DRT Bulacan muling pinalad maging Kapitan


MULI na namang nailuklok bilang punong barangay sa isang matahimik at parehas na halalalan nitong nakaraang eleksyon si Roberto Sembrano o Kap Berto sa kanyang mga nasasakupan sa Barangay Camachin ng Donya Remedios Trinidad sa lalawigan ng Bulacan.

Masayang-masaya ang mga mamamayang kanyang nasasakupan dahilan sa kinalabasan ng nakaraang halalang pam barangay na ayon sa kanila ay lubhang napakagulo nuong unang paglaban ni Sembrano, bunsod na rin anila ng samut-saring estilong pinaggagagawa ng mga katunggali nito at kanilang mga taga suporta.

Nagging matahimik at parehas ayon sa maraming botanteng bumoboto sa nasabing paaralang pinagdausan ng botohan na hanggang matapos ang paghahalal at maiproklama itong muli bilang Punong Barangay, sa kanyang pahayag na naka video kuha ng www.diaryongtagalog.net isa sa mga mamamahayag na matyagang nagbantay sa nasabing paaralan upang matiyak ang pagkaparehas ng halalan, tiniyak ni Sembrano ang patuloy niyang pagseserbisyo sa kanyang mga nasasakupan, pasalamat sa mga bumoto sa kanya gayun din sa mga hindi at panawagan ng kapayapaan sa mga nakatunggali.

Nabatid na marami pang dapat isa ayos sa barangay ni Kap Berto gaya ng malaking bahagi nitong walang suplay ng kuryente, mahinang komunikasyon dahil sa walang mga cell sites at ang kawalan ng katuparan sa mga pangako ng Provincial Capitol ng Bulacan na Health Center sa kanilang lugar.

Ang mga bagong halal na opisyales ng Bgy Camachin ay sina Roberto Sembrano, Lowell Sembrano, Bernardo Javier, Patricia Luciano, Yolanda Baybay, Elizabeth Valencia,Ramon Santos at Antonio Felicia.

Ayon sa source ng pahayagang ito, may isang kawani ng barangay si Kap Berto na naaksidente at naputol ang binti dahil sa pagseserbisyo sa isa nilang may sakit na kababayan, dadalhin sa pagamutan ang pasyente kasama si Kap at ang kawaning ito nang maaksidente sila sa kabundukan dahil bukod saw ala pang ni Health Center ay napakalayo pa ng babagtasin para sa pinakamalapit na ospital kundi sa Baliwag o Malolos. (Michael Balaguer)

kap berto