Kauna unahang LGBT na nagwaging barangay captain, sa Bulacan

 

Hagonoy, Bulacan-NAPAKARAMI na ng sector ng LGBT (Lesbians, Gays, Bisexual and Transgender) ngayon sa bansa at bagaman pagbibiro nila na di naman sila nanganganak ay parami sila ng parami, halos pinasok na nila ang lahat ng uri ng propesyon di lang pang pinilakang tabing kundi ngayon ay may nagwaging Punong Barangay sa bayan  partikular sa Bgy. Iba.

Ayon sa ulat, ang kaluluklok lang na kapitana ay kilalang matulungin at may malasakit sa kanyang mga kabarangay kaya ng kumandidato ito ay di nag atubili ang mga kabarangay na ipagkaloob ang boto nila at pagtitiwala sa kabila ng kanyang kasarian.

Si Barangay Captain Jhane dela Cruz ay isa lamang sa mga LGBT na maaring ituring na mahalagang bahagi ng lipunan. Kabilang sa mga LGBT na kilala sa ibat ibang propesyon ay sina Danton Remoto ng Ladlad Partylist, Boy Abunda, isang TV personality, ang mangaawit na si Aiza Seguerra atbp. (Jane Balaguer)