Kongresista Pinasalamatan ng mga Beterano sa Pagsuporta; Kabayaran para sa TAD Arrears sa mga WW2 Beterano Ipinamamaghagi Na

veterans org represents

DALAWAMPUT isang pinuno ng mga organisasyon ng beterano ang nagprisenta ng pinag isang kapasyahan ng pagpapasalamat kay Representative Herminia B. Roman ng Unang Distrito ng Bataan, Tagapangulo ng House Committee on Veterans Affairs and Welfare para sa pagsuporta nito at pagsulong sa mga hinaing at adhikain ng mga Pilipinong Beterano at kanilang mga pamilya kasabay ng nakaraang Ika 41st Anibersaryo sa Philippine Veterans Affairs Office nitong Ika 24 ng Setyembre ng taong ito, 2013 sa lungsod Quezon, Camp Aguinaldo.

Si Roman ang pangunahing may akda ng Republic Act No. 9828 na lumikha sa Military Service Board sa 14th Congress na magre reveive at magre re evaluate sa mga nakabinbin na claim application para sa confirmation ng military services sa mga karapat-dapat na girilya upang maging eligible sila na makatanggap ng mga serbisyo at benepisyo para sa beterano.

Nang 15th Congress, sa ilalim ng pamumuno ni Roman, 20 measures ang nai refer sa Committee on Veterans Affairs and Welfare, 14 House Bills at  6 House Resolutions, lahat direkta at pangunahing may kaugnayan sa welfare of war veterans, veterans of military campaigns, military retirees, at ang mga nabubuhay pang mga maybahay at iba pang mga benepisyaryo.

May kabuuang walong eight measures ang naaprubahan  and/or nai adopt ng House at nai transmit sa Senado,kabilang na ang House Bill 4359, “An Act Providing for the Payment of the Total Administrative Disability (TAD) Pension to Senior Veterans of Wars and Military Campaigns;” HB 3696 – “An Act to Increase Old Age Pension from P5,000 to P10,000;” HB 229 – “An Act Increasing the Burial Assistance for Veterans from Ten Thousand Pesos (Php 10,000.00) to Twenty Thousand Pesos (Php 20,000.00), at iba pa.

Kabilang sa mga pinunong beterano na lumagda sa kapasyahan ay sina Col. Frisco F. San Juan, Sr., Supremo, Hunters – ROTC Guerilla Association, Inc.; Bgen Arnulfo D. Bañez (Ret), President, USAFIP-NL; Atty. Rafael E. Evangelista, National Commander, Defenders of Bataan & Corregidor; Col. Paterno V. Viloria (Ret), Ph.D., President, PEFTOK Veterans Association, Inc.; Justice Manuel R. Pamaran, President, Hunters – ROTC Guerilla Association, Inc.; Prof. Teodorico P. Calica, President, Philippine Veterans Legion; Cmdr. Ricardo B. Madayag, President, Magsaysay Veterans Legion; Col Loreto P. Asuncion (Ret), President, Association of Retired Military Officers/ Personnel For Unity and Reform Philippines, Inc.; Col. Juanito C. Recio (Ret); President, Gold Star Mothers and United Widows & Orphans Association of the Philippines; Cmdr. Roberto B. Gacayan, President , Confederation of Filipino Veterans; Cmdr. William G. Pasiwen; President, Fil-American Irregular Troops Veterans Legion, Col. Pablo O. Valdez PA (Ret), President, Eastern Luzon Guerilla Veterans Association; Orphans, Inc.; Cmdr. Francisco M. Aggabao, President, Disabled Veterans Association; Cmdr. Andres B. Torayno, Sr., President, United Disabled Veterans Association and Ms. Marietta Dp Gazo, President, Philippine Association of Soldier Widows, Parents.

Ang mga  post-war veterans na kasama ring lumagda ay sina Ltgen Raul S. Urgello (Ret), President, Kampilan Peacekeepers Association, Inc.; Col Cesar P. Pobre (Ret), Ph.D., MNSA, President, Cavaliers Association of Veterans, Inc.; Bgen Rosalino A. Alquiza (Ret), President, PMAAA Educational Foundation, Inc.; Bgen Rodrigo B. Gutang (Ret); President, Alliance for the Amelioration of Veterans and Former Policemen and Reservists, Inc.; Bgen Francisco D. Dumpit (Ret), President, The Last Watering Hole Association, Inc.; and Col. Simplicio F. Duque (Ret), President, AFP Retired Veterans Association.

Ayon sa kongresista na nabagbag ang damdamin sa pasasasalamat na iginawad sa kanya ng mga bayani ay nangakong maglilingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga legislative agenda sa Congress ukol sa beterano lalo ang mga panukalang batas na na magpapa taas ng kanilang pensyon at pagpapa expand ng kanilang healthcare benefits di lang para sa kanila misnmo kundi para rin sa kanilang mga dependents.

Nanawagan rin si Rep. Roman sa Philippine Veterans Bank na nagbibigay ng 20% ng kanilang net profits sa Board of Trustees ng Veterans of World War II (BTVWWII). Ayon sa kanya, tinitiyak ng RA 3518na ang sharemaipagkakaloob bilang ‘grants-in-aid’ sa mga beterano at kanilang mga dependents,para sa educational, social, charitable, at rehabilitation purposes,sa mga organization na gumagawa ng mga serbisyo para sa mag beterano, at iba pang mga gawaing makapagbibigay ng benepisyo sa mga beterano kaya ng bahagi ng salapi ayon sa kongresista ay maaring ilagak bilang PhilHealth coverageng mga beterano at kanilang mga dependents bilang pagsuporta na rin sa isinusulong ng pamahalaan na Universal Healthcare Law.(Michael balaguer)

veterans

Priceless Smile – Former Congressman, retired Col. Frisco F. San Juan, Sr., World War II veteran and Supremo of the Hunters – ROTC Guerrillas Association Inc. smiles as he receives his TAD pension arrears check worth P192,600.00 from Rep. Herminia B. Roman, Chairperson of the House Committee on Veterans Affairs & Welfare; Defense Undersecretary for Civil, Veterans and Reserve Affairs Eduardo G. Batac; and PVAO Administrator Ernesto G. Carolina on 24 September 2013 during the 41st Anniversary of Philippine Veterans

PINAYAGAN na ni President Benigno S. Aquino III ang pagpapalabas ng Php3.1 Billion upang bayaran ang Total Administrative Disability (TAD) pension arrearages ng mga 18,000 World War 2 veterans covering the period 1994 to 2002. Apat na  senior World War II veterans ang nakatanggap ng kanilang TAD Pension lump sum facsimile checks kasabay ng  41st Anniversary celebration ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) upang simulan ang bagbibigay ng TAD arrears sa mga otorisadong benepisyaryo. Ang apat na beterano ay sina Col. Vicente F. Alhambra, Sr. (97 years old), Col. Frisco F. San Juan, Sr. (90 years old), at Atty. Jaime L. Guerrero (93 years old) na nakatanggap ng Php 192, 600.00 bawat isa at retired MGen. Fortunato U. Abat (88 years old) na nakatanggap naman ng Php 168, 800.00 .

TAD Arrears Payment to WW2 Vets Released

 Grateful Expression – Leaders of 21 veterans organizations, on behalf of the Filipino Veterans Community, present a joint resolution expressing sincerest gratitude and appreciation to Bataan 2st District Rep. Herminia B. Roman, Chairperson of the Committee on Veterans Affairs and Welfare, for her invaluable contributions to the promotion of the welfare and upgrade of benefits of Filipino veterans and their families

Ang nasabing mga tseke ay natanggap ng mga beterano kay Rep. Herminia B. Roman of the 1st District of Bataan, Chairperson ng House Committee on Veterans Affairs and Welfare and Usec. Eduardo G. Batac, Undersecretary of Civil, Veterans and Reserve Affairs ng Department of National Defense,kasama si LtGen. Ernesto G. Carolina, PVAO Administrator.

Matatandaang mula nang isinabatas ang Republic Act No. 7696 authorizing the grant of additional TAD pension ng P1,700 in 1994 sa mga beterano aged 70 years old, nagsimulang magbayad ang pamahalaan ng buwanang TAD pension nitong 2010 sa WWII veterans na may edad 80 years old pataas. Kasunod ang partial payments ng TAD arrears para sa mga taong 2003 – 2009 ay isinagawa na may kabuuang P4.05 billion, bumaba ng P3.1 billion ang halaga ng mga di pa naibigay na  pension obligationsa mga war veterans sa mga taong 1994 to 2002.

Tiniyak ni Administrator Carolina ang mga World War II veteransna makakatanggap sila ng kanilang TAD arrearages mula sa kani-kanilang mga savings accounts kasama ng kanilang pension servicing banks di lalagpas ng October 2013. Binalaan rin niya ang mga beterano at mga pamilya nitong huwag makipag transaksyon sa mga fixers na niloloko ang mga beterano at sinasabing sila ang lumakad upang mai releaseang nasabing mga TAD arrears at nagde demand 50% sa mga matatanggap ng mga beterano.

Nagsilbing keynote speaker si Defense Secretary Voltaire T. Gazmin, represented by Usec. Batac sa PVAO’s 41st Anniversary, ay may temang, “Mahusay, Mabilis at Marangal na Serbisyo, Handog-Pasasalamat ng PVAO sa Beterano” at ang bahagi ng kanyang binasang talumpati ay  “The President, with a big heart for our veterans, had always affirmed the payment of this benefit (TAD) in due time. The release of TAD pension arrears, means two things: first, the economy has been performing quite well, with the President’s able stewardship. His anti-corruption platform of governance boosted investor confidence and enhanced the general economic climate of the country, paving the way for the generation of government incomes and revenues way high above the projected collection; and second, that the President wanted our World War II veterans to enjoy their long-awaited TAD pension lumpsum without further delay.” (Michael balaguer)