KWF Lektura, Wikang Filipino at Pamamahayag
Maynila, Pilipinas- Pinangunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) kamakalawa ang isang pagtalakay kung saan ang naging tema ay ukol sa Wikang Filipino at ang pamamahayag, kanilang naging tagapanayam ay isang personalidad sa telebisyon.
Bahagi ng Lekturang Norberto L. Romualdez na isinagawa sa auditorium ng Court of Appeals nagsilbing tagapanayam ng KWF si G. Howie Severino ng GMA Network isang dokumentarista.
Tinalakay ni G. Severino o Horacio Gorospe Severino ang mga pinagdaraanan at balakid sa buhay ng isang working media sa telebisyon gaya niya at ang paggamit ng Wikang filipino sa kanyang trabaho.
Dinaluhan ang nasabing lektura ng ibat ibang sektor na may kinalaman sa pamamahayag pati ang mga tagapagdala ng impormasyon ng iba pang ahensya at kagawaran ng gobyerno kabilang ang mataas at mababang kapulungan ng kongreso.
Bukod kay National Artist at kapwa Chairman ng Pambansang komisyon ng Kultura at mga Sining (National Commission for Culture and the Arts) NCCA at Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na si Virgilio S. Almario ay naroon rin si Justice Remedios A. salazar-Fernando, Mahistrado sa Court of Appeals.
Kasama nila sina Roberto T. Añonuevo, Director General ng KWF at fulltime Commissioner ng KWF na si Dr. Purificacion G. Delima. Si Norberto L. romualdez ay isa sa mga bayani ng wika na nasilbing instrumental para sa pagtatatag ng Surian ng wiang Pambansa na klalaunan ay naging KWF, isang Mahistrado, Pulitiko at alagad rin ng sining.
Mahalaga ang wika sa pag unlad ng isang bansa at ang papel ng pamamahayag ay isang bahaging dapat na laging kaugnay sa wika at kultura.///Michael N. Balaguer
———————————————————
KWF, Pandaigdigang kongreso sa Wikang Filipino
Maynila, Pilipinas- bagaman kaalinsabay sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ang Agosto, pangunahin sa mga aktibidad sa buwang ito ay ang Pandaigdigang Kongreso sa Wikang Filipino na pangungunahan ng KWF.
Nabatid na isang mahalagang asignatura o masasabing isang disiplina ang pagaaral ng ating pambansang wika “ang Filipino” di lamang sa ating mga mag aaral sa bansa kundi pati rin sa mga dayuhan o mga taga ibayong dagat na nagtutungo pa sa ating bansa upang aralin ang wikang Filipino.
Tatakbo ang “Pandaigdigang Kongreso sa Araling Filpinas sa Wikang Filipino”, Pagbabalik, Pagbabantayog sa Filipino ngayong Ika 2 hanggang 4 ng Agosto 2017 na gaganapin sa Pambansang Museo sa lungsod na ito kung saan suportado ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), komisyon sa Wikang Filipino (KWF), Pambansang Museo, Philippine Studies Association, Filipinas Institute of Translation, Wika ng Kumtura at Agham Ink. At ng Unyon ng mga Manunulat ng Pilipinas.
Isang napakahalagang bagay ang wikang Filipino ngayon sa kabila ng globalisasyon at kahanga hanga para sa ating Filipino na kinakailangan aralin ng mga dayuhan ang ating wika bilang bahagi ng kanilang kurikulum sa paaralan di lamang sa relasyong diplomatiko ng ating mga bansa.///Michael Balaguer
Wikang filipino at midya
“paano pagtitiwalaan ang media na ang sinasabi namin ay totoo kung ang pamantayan natin ng wika ay malabnaw at pabaya” ayon kay howie severino.
Naging tagapanayam na nakaraan lekturang norberto l. romualdez si howie severino na iorganisa ng komisyon sa wikang filipino sa pangunguna ng tagapangulo nitong si national artist dr. virgilio s. almario o sa literatura ay higit na kilala bilang “rio alma”. Ginanap sa hukuman ng apelasyon o court of appeal awditoryum ermita, maynila nitong nagdaan hunyo 6, 2017.
Sa maraming naglipana na fake news ay binigyan din babala ang mga mamahayag na tiyakin ang kasiguraduhan ng mga balita. Upang hindi magbigay ng kalituhan mga tao lalo na sa onlayn midya ay malaking parte ang audience share.
Nabanggit din sa lektura ang kahalagahan ng teknolohiya upang mapabilis ang pagbabalita na maihahanay ang mainstream sa mga tradisyunal na paraan tulad ng telebisyon, radyo at mga diaryo. Ang makabagong paraan naman ay ang onlayn midya basta pag ingatan lang ang fake news na pinangalingan ng impormasyon.
Mahalaga ang pagpalawig ng wikang filipino ng magkaroon ng tamang pag ulat at paghatid ng balita. Dahil ang isa sa mahalagang kuwalipikasyon ay hindi lamang ang kahusayan sa pagsasalita ng inglis kung hindi paano mo maililiwat ng tama sa wikang filipino ang mga balita. (MJ Olvina- Balaguer)