MALABON CULINARY HERITAGE FOOD TRIP; 2 DAKIP DAHIL SA DROGA AT BARIL at IKA 7 at 8 MOST WANTED PERSON SA BULACAN LAGLAG

Inilunsad nitong Ika-14 ng Marso sa lungsod ng Malabon ang kanilang programang may layuning bigyan ng bagong mukha ang lungsod sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang mayamang culinary heritage nito sakay ang tricycle.

Pinangunahan mismo ni Malabon City Mayor Antolin “lenlen” A. Oreta III at asawang si Chef Melissa Oreta sa pamamagitan ng pagsakay sa unang tricycle ang tour sa anim na destinasyon kung saan ipinasyal ng LGU head ang mga miyembro ng media kabilang ang www.diaryongtagalog.net at DZRJ 810 Khz AM pati mga miyembro ng ibat-ibang government agencies gaya ng Bureau of Jail Management and Penology.

Ang programang may titulong “enjoy the flavors of Malabon Cuisine as you go through the Historical Streets of the city via a tricycle Tour”

Ang Malabon Food Trip ay nagpunta sa anim na lugar at nagsimulang magkita kita sa 400 year church na parokya ng San Bartolome na matatagpuan malapit sa City Hall ng Malabon.

Unang pinuntahan ay ang Lugaw Xperience kung saan sinasabing may pinakamasarap na lugaw sa Malabon, kasunod ay pinuntahan ang Hazel’s Puto kung saan kumain ang lahat ng kanilang maputing Puto Pao at malambot na puto at pagkatapos ay nananghalian sa Jamico’s Restaurant kung saan ang kanilang specialty ay sweet Crispy pata.

Pagkatapos mananghalian ay nagtuloy sa Dolor’s kakanin, ang orihinal na tahanan ng sapin sapin at ang tinungo ay ang mismong pagawaan nito, kasunod ay ang Nanay’s pansit malabon na kumpleto rekado at di mo na kailangang magdagdag ng kalamansi at ready to eat na habang ang huling pinuntahan ay ang Betsy’s Cake Center na pinagmamalaki ay ang kanilang masarap na soft broas at matatagpuan ito halos katapat ng San Bartolome Church di kalayuan sa City hall.

Nais ni Mayor Lenlen Oreta na makilala ang Malabon na isang heritage town na mayaman sa mga lumang bahay at makasaysayang mga kalsada pati makasaysayang mga lutuin at pagkain sa kabila nang maling pagkakakilala dito nuon na bahain at mahirap puntahan.

Sa panayam sa punong lungsod kanyang nabanggit na bagaman totoong binabaha pa rin ang Malabon, madali nang bumaba ang tubig at handa ang kanilang mga disaster managers sa mga mitigation and adaptation. Ayon naman sa misis ng alkalde sa tanong naming kung bakit tricycle ang ginamit na paraan upang ipakita ang mga magagandang lugar sa kanilang lungsod ay dahilan sa makikitid ang mga daan sa lungsod natutulungan pa ang mga tsuper na magkaroon ng dagdag kita sa pamamagitan ng turismo.///karugtong ay nasa TURISMO page.///michael balaguer

-30-

Arestado kamakalawa ng madaling araw ang isang lalaki bukod sa may dalang baril ay may dala pang mga droga sa Sitio Tumana, Barangay San Jose, bayan ng Baliwag sa lalawigan ng Bulacan.

Batay sa ulat na ipinarating sa Bulacan Police Provincial Director sa camp General Alejo Santos sa Malolos City ni Baliwag Police Chief of Police PSUPT Enrico Huelba Vargas kinilala ang mga suspek na sina Junel Acuna y Villegas, 30 anyos, may asawa at Christopher Juan y Valles, 26 taong gulang, binata at kapwa mga residente ng nasabing lugar.

Nabatid na dakong alas 2:15 ng madaling araw nitong Ika-13 ng Marso, 2015 sa karaniwang Check point at Oplan Sita sa nasabing lugar na pinangungunahan ng First maneuver Platoon PPSC Personnel at ng Baliwag Police at pinamumunuan ni PSI Diosdado Paragas Leal, sinita nila ang isang Honda Civic na may plakang ZNH314 para sa beripikasyon.

Sa pagkakataong iyon ay nakita ni PSI Leal na bumunot ng baril na Jericho ang suspek na si Acuna sa tangan nitong bag kaya napilitang arestuhin ng mga operatiba kung saan nakumpiska sa kanyang pag iingat ang isang transparent pack ng hinihinalang iligal na droga o shabu na may street value na humigit kumulang 1,500,000.00 Pesos at cash na halagang 37,780.00 pesos sa nasabi ring bag.

Sa pagpapatuloy ng kanilang inspeksyon sa sasakyan, aksidenteng nakita nina PSI Leal at P02 Darwin Cruz Marcelo ang isa pang suspek na si Juan na nasa passeger seat kung saan sa sahig ng sasakyan ay may isang Uzi pistol.

Kasama ng nasabing mga baril ay 5 magazine ng cal. 9 mm Uzi na may 83 live ammunition na kinumpiska sa harapan ng Barangay Chairman ng Barangay San Jose Rolando DC Rivera, Baliwag, representante ng DOJ na si Oliver Umpacan at Boy Cruz sa Media. Kabilang rin sa mga imbestigador sa nasabing kaso ay sina P03 Jesrael Yahwe A. Giron at P02 George Jay SJ Cruz.

Inihahandang sampahan ng paglabag sa RA 10591 at section 5 o Transportation of Dangerous Drug, section 11 o Possession of Dangerous Drug, at 12 o Paraphernalia for Dangerous Drug in Article II ng RA 9165 sa Bulacan Provincial Prosecutors Office sa Malolos City ang mga suspek. Kasalukuyang nakapiit sa Baliwag Police Station ang mga suspek.///mike balaguer

-30-

Naaresto ang itinuturing sa number 7 at 8 Most Wanted Person sa lalawigan ng Bulacan nitong December 21, 2014 sa pangunguna ng Baliwag Police Station DEU at Warrant Personnel, umaga sa Barangay Virgen Delas Flores, Baliwag, Bulacan.

Pinangunahan ni PSINSP Diosdadp p. Leal, PINSP Jerico L Redon at PINSP Christian C Reyes ang opersyon sa nasabing mga Most Wanted at nasakote sina Lancelot Caacbay y Torres, 30 anyos, binata at rank number 7 most wanted at si Charlot Caacbay y Torres alyas yayot, 30 anyos rin at ranked number 8 pawang mga residente ng nasabing lugar.

Ang dalawang suspek ay dinakip sa bias ng mandamyento de aresto sa salang carnapping o RA 6539 at may criminal case number  3668-M-2014 na inisyu ni Hon. Efren B. Tienzo, Presiding Judge ng Regional trial Court Branch 12 sa Malolos City at may piyansang 180,000 pesos bawat isa.

Kasalukuyang nakapiit ngayon sa Baliwag Municipal Jail ang dalawang kriminal.///abdulmalik mn balaguer