Opisyal na Awitin para sa Philippine Olympic Team sa RIO2016 nilikha; Hybrid Train ng DOST di raw pasado sa standards at ILO launched program versus illegal recruitment

sabay tayo SPONGE COLA

 

 

 

Isinagawa sa Kamuning Bakery kamakalawa ang paglulunsad ng opisyal na awitin alay para sa mga atletang lalahok sa Rio Olympics 2016. Ang nasabing awitin ay may titulong “sabay tayo” na nilikha nina Karylle at Yael Yuzon ng Sponge Cola at Frank Magalona.

Ang 2016 Summer Olympics ay magaganap sa August 5-221, 2016 sa Rio De Janeiro, Brazil at ayon sa mga lumikha ng awitin ay magsisilbing inspirasyon para sa 12 atleta na representante ng bansa sa nasabing aktibidad.

May partisipasyon rin ang UP Tugma sa nasabing awitin dahil wika ni Karylle ay nais nilang samahan ng kakaibang tunog etniko ang musikang sasaliw sa awitin.

Ginanap ang paglulunsad sa 77 taong gulang na pugon style bakery na isa ring SETUP adaptor ng DOST-NCR na pagmamay ari ng entreprenyur at kolumnistang si Wilson Lee Flores.

Panauhing pandangal rin ang dating MVP na naglalaro sa koponang Rain or Shine at naging miyembro rin ng Gilas Pilipinas na si Paul Lee na pamangkin naman ni Wilson. Kabilang rin sa mga dumalo ay si Mr. Marcelo S. Co na owner ng Hobe Bihon.

Wika ni Wilson, sa pamamagitan ng nasabing awitin ay mai inspire lumaban an gating mga atleta manalo man o matalo ay itinuturing pa ring panalo sila sa ating mga puso. Kasama rin sa pulong balitaan sina Mela Ubalde at Joanna Rance.

Ang kamuning bakery ang isa sa mga bantog na venue ngayon ng mga forums at press conferences na dinadaluhan ng mga local at dayuhang personalidad sa pulitika at diplomatic corps di lang sa natatangi nitong ambiance kundi pati sa linamnam at sarap ng mga tinapay na nabibili rito.///Michael N. Balaguer





danny mangahas kapihan

 

 

 

 

 

 

 

HYBRID TRAIN NG DOST NA IPAPA ADAPT DA PNR HINDI RAW PASADO SA STANDARDS

HINDI raw pasado sa international standards ang pangunahing proyektong itutulong ngayon ng Department of Science and Technology na Hybrid Train at ipapa adapt sa Philippine National railways upang matugunan ang suliranin ng bayan sa kakulangan ng transportasyon.

Ayon sa isang japanese consultant na si Dr. Bert Hashimoto sa panayam ng www.diaryongtagalog.net nitong nakaraang sabado sa kanilang isinagawang pulong balitaan sinabi niyang may mga international standards na namamahala sa mga pagtatayo ng imprastruktura gaya ng tren at ang tungkol sa hybrid train nga ng DOST na iniwan ng nakaraang administrasyon upang ituloy ngayon at i adapt ng PNR ay di nakapasa sa mga standards na iyon.

Sa  kabila nito ay ia dapt pa rin ng PNR at ng Davao Rail ang nasabing teknolohiya maaring ang nagdesisyon ay ang Pangulong Rodigo Roa Duterte mismo ayon kay Hashimoto. Kaugnay nito maaring kung di nga pumasa sa ibang mga pamantayan ang hybrid train ay tiyak na pasado naman ito sa mga safety standards dahil hindi naman lilikha ng teknolohiya ang DOST na hindi magiging ligtas para sa lahat. Ginanap ang pulong balitaan sa Kapihan sa Sulo ng Eurotel na pinangunahan ng  Mr. Danny Mangahas/// Michael Balaguer





ILO Launched Program versus Illegal Recruitment

The International Labour Organization (ILO) recently has launched another milestone in the defense of the rights of workers not only in the Philippines but in Asia. Leaders from the ILO, with the Philippines’ Department of Labor and Management formerly the Department of Labor and Employment graced the occasion along with stakeholders from the Labor Unions, Civil Society, labor Organizations, Media, Government and the Private and Public Sectors.

According to research, not just Filipinos but the common practice of foreign employers to their foreign workers is they are keeping their passports during their stay at work which is illegal, another practice is the long hours of work and less benefits.continuation on PAGGAWA page.///Abdul malik Bin Ismail