Regional Congress For Foster Care and Adaption Pinangunahan ng DSWD-NCR; Kapihang Wika ng KWF ginanap sa NCCA at PMES conducted at MASSCOM Cooperative for Broadcast Practitioners

dswd

 

 

MAITUTURING na isang dakilang kaugalian ang pagkupkop sa isang taong inabandona. Ang pag aampon ay di natural na kaugalian lalo ngayon na mas malaking bahagi ng ibang nasyon ang nasa mga edad na 40 pataas.

Samantalang sa mga bansang gaya ng Pilipinas na sinasabing may mga “batang” populasyon ay kailangan ng mga inabandona ang pamilyang magku pupkop sa kanila. May mga suliranin namang kaugnay ng pag aampon at isa ay an ukol sa human trafficking o trafficking against persons na karaniwang nauugnay sa mga dayuhan na nais umanong mag ampon ng mga batang Pinoy.

Suliranin rin ang Pedophilia na kalat na sa mundo lalo sa mga dayuhang puti at kailangan ang pangil ng  batas upang masawata ang nasabing masamang Gawain.

Sa isinagawang kauna unahang Regional Congress on Foster Care and Adaption na may temang “ A family for every child”  at pinangunahan ang palatuntunan ng pambungad na dasal ni Mr. Rene Perez ng Archdiocese of Manila. Kabilang sa mga dumalo ay ang mga LGU’s buhat sa Caloocan, Makati, Mandaluyong, Pateros, Valenzuela, Quezon City atbp.

Nagbigay ng kanyang pambungad na pagbati at pananalita si Regional Director of DSWD NCR Ms. Alicia S. Bonoan at kanyang ipinahayag ang ukol sa kahalagahan ng pag aampon at kung bakit mahalaga ang pagkakaroon ng pamilya ng isang bata.

Tinalakay naman ni Ma. Glenda M. Barla, Social Wefare Specialist on Children ukol sa Regional Situationer On Children Needing Alternative Parental Care, sinasabi niyang marami nang mga bata sa National Capital Region o Region 4a at maraming suliranin ang kinakaharap ng mga ito.

Malnutrisyon, child pregnancy, kahirapan, child labor, bullying displacement, armed conflict, drop-out rate, pornography, disability, neglect, abuse, expoitation, abandonment, cyber-crimes ang suliraning kinahkaharap ng mga bata sa National Capital Region.. /// jane balaguer (tunghayan sa PAGAWA page)

 DSC03829

 

Ginanap kamakailan ang Kapihang Wika na pinangunahan ng Komisyon ng Wikang Filipino na nag venue sa lobby ng National Commission for Culture and the Arts at tinalakay ang napakaramin mga isyu ukol sa ating pambansang wika, ang wikang Filipino at mga paggamit nitong pang araw-araw.

Nagsimula ang nasabing aktibidad nitong ika-30 ng Oktubre dakong alas 8 ng umaga sa pamamagitan ng isang mabilisan pag uulat ng paggamit ng wikang Filipino sa pamamahayag.

Kasunod nito ay ang pag uulat ukol sa wika ng seguridad sa kapaligiran sa presentasyon ni Dr. Purificacion G. Delima full time na kmisyuner ng KWF. Tinalakay niya ang maka agham na paggamit ng ating pambansang wika upang matutunang talastasin ang mga bagay-bagay ukol sa agham at teknolohiya lalo sa bahagi ng agham pang kapaligiran o maghawak at magmaneho ng disaster risk reduction.

DSC03777

 

 

Tinalakay rin ang ulat ukol sa silabus sa Filipino ng Kto 12 ni Direktor Heneral Roberto T. Anunuevo at kung paano ito naka a apekto sa pang araw-araw na pamumuhay ng karaniwang Filipino lalo ang mga mag aaral sa elementarya.

Sa huli ay tinalakay ukol sa mga tungkulin ng Komisyon ng Wikang Filipino sa Hinaharap. Sa kabila nang di nakarating si Tagapangulo Kgg. Virgilio Almario, Pambansang Alagad ng Sining at Tagapangulo ng Komisyon ng Wikang Filipino, ang nagsalita para sa kanya ay si Ginoong Mario Kilates.

Isang makabuluhan at kapakipakinabang na talakayan at usapan ang ukol sa wika na siyang dugong-buhay ng isang lahi at nasyon, wika nga ni Dr Rizal na “ang di magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda” kaya isang mahalagang topic ang wika sa nakaraang kapihan lalo ang paggamit nito sa bahagi ng agham.///michael balaguer

DSC03780

DSC03496

 

 

Initiatives from the Broadcasting field including members of the press spearheaded by director- journalist Leonardo Belen formed the MASSCOMM Cooperative with 15 incorporators. Part of the requirement is the Pre Membership Education Seminar (PMES) conducted recently by an authorized lecturer from the Cooperative Development Authority or any accredited lecturer.

Section Head from SIKAP BUHAY Entrepreneurship and Cooperative Office Randy Borromeo conducted the seminar. Part of the legality of the established MASSCOMM Cooperative is the application for accreditation on the Community Relations Office.

The Local Government Unit (LGU) of Quezon City also scheduled every 4th Tuesday of the month as Quezon City Cooperative Day for all inquiries and assistance on all coops in the area. “The MASSCOMM coop aimed at helping practitioners in the field of broadcast” says Leonardo “Nardz” Belen, Movie Director and Journalist.///Mary Jane E. Olvina-Balaguer (Publisher: www.diaryongtagalog.net )