Produkto ng Dingalan sa Aurora madali nang marating ng Gen. Nakar sa Quezon dahil sa tulay

DSC00852

Dingalan, Aurora- MADALI nang makapagbalik-balik ang mga tao at produkto mula Aurora patungong Quezon gaya ng bigas, niyog, gulay at iba pang serbisyong kapaki pakinabang sa mga residente ng dalawang lalawigang dati ay isa at ang Umiray Brigde nga na matatagpuan sa Bgy. Umiray ng bayang ito ang lunas sa suliranin ng mga residente na bigay ng pagtutulungan ng pamahalaang Pilipinas at Hapones na inirerepresenta ng embahada ng bansang Hapon at ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Panayam kay Aurora Governor Gerardo A Noveras sa video ng www.diaryongtagalog.net

 

Lubhang napakahirap raw nuon ang pagta transport ng mga produkto patungo sa kabilang lalawigan ayon kay Dingalan Mayor Zenaida Padiernos sa panayam ng pahayagan nitong turn over ceremony ng nasabing tulay na nagkakahalaga ng 350 milyung piso o 793 milyong yen ayon sa DAR, lubhang nakatulong din ang konstruksyon ng tulay sa mga residente na siya ring kinuhang mga manggagawa.

Panayam kay Mayor Padiernos sa video

Sa pagkagawa ng tulay, ang matamlay na barangay ng Umiray sa bahaging ito ng Aurora ay sumigla at tila dumami ang bilang ng mga tricycle upang maalwan nang madala ang mga serbisyo at produkto sa magkabilang dulo ng tulay batay sa panayam kay Bgy Umiray, Dingalan Bgy. Captain Juanito R. Borreo sa panayam ng www.diaryongtagalog.net (jane olvina-balaguer)