SSS at DICT lumagda sa MOA kaugnay ng Government Network Sharing
Ang Social Security System (SSS) at Department of Information and Communications Technology (DICT) ay pormal ng sinelyuhan ang pakikipag ugnayan sa tinatawag na government sharing network upang mapatatag at mas mabilis na serbisyo online. Kaugnay sa National Government Agencies (NGA) na nilagdaan Memorandum of Agreement ( MOA) nitong Hulyo 17.
Sa pamamagitan ng inter-agency partnership, Ang SSS Corporate Headquarters sa Diliman, Quezon City na magsisilbing point of presence (PoP) sa iba pang NGAs sa pasilidad na konektado na may mga kagamitan na mula sa DICT. Ang kasalukuyang proyekto ay makakatulong sa pensyon bunsod na mapalawak ang online data communication na may one gigabits per second (Gbps) connection access sa iGovPhil network.
Caption:
SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel Dooc at DICT Secretary Rodolfo A. Salalima (4th at 5th mula sa kaliwa) ginawa sa DICT Building Lungsod ng Quezon. Kabilang sa seremonya (mula sa kaliwa) SSS Senior Vice President for Information Technology Management Group Joel A. Layson, SSS SVP for Legal Services Division Atty. Voltaire P. Agas, SSS Commissioner Diana Pardo-Aguilar, DICT Undersecretary for Developmental and Innovations Denis F. Villorente, DICT Assistant Secretary and Chief of Staff Carlos Mayorico E. Caliwara at Atty. Rodolfo T. Cabatu Jr. (Mj Olvina- Balaguer, 09053611058, maryjaneolvina @gmail.com)
-30-
“Php 74 Milyon para sa calamity loan sa Marawi at Ormoc”- SSS
“Maari nang mag-apply ang mga kwalipikadong miyembro sa Calamity Loan Assistance Program (CLAP) simula ngayong araw na ito, Agosto 2, 2017” ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel Dooc.
Naglaan ang Social Security System (SSS) ng halos Php 74 na milyon para ipautang sa mga kasapi nitong naapektuhan ng kaguluhan sa Marawi City at ng lindol sa Ormoc, Leyte.
Sa inisyatibo ni SS Commission na pinamumunuan ni Amado Valdez ang calamity loan. Dahil nakita nilang malaki ang maitutulong nito sa mga miyembro na tugunan ang matinding pangangailangan dahil biktima ng kalamidad.
Batay sa datos ng SSS Member Loans Department, aabot sa 56,000 ang miyembro ng pension fund na apektado ng 6.5-magnitude na lindol sa Lungsod ng Ormoc, Leyte nitong nakalipas na Hulyo 10. Tinatayang halos 5,600 ang potensyal na mangungutang at may average monthly salary credit silang Php 10,000.
Gayundin, nasa 1,810 miyembro ang apektado ng kasalukuyang kaguluhan sa Marawi City, Lanao del Norte na may average monthly salary credit na P10,000.
“Maaaring mangutang ng hanggang P16,000 sa ilalim ng CLAP o di kaya’y batay sa kanilang average monthly salary credit at maaari nilang simulang bayaran ito makalipas ang tatlong buwan mula nang matanggap nila ang loan,” pahayag ni Dooc.
Ang calamity loan ay(1) lamang sa tatlong tulong na ibinibigay ng SSS sa oras ng kalamidad. Ang (2) ay ang paunang tatlong buwanang pensyon ng mga retirado at (3) ang mas mababang interes ng Direct House Repair and Improvement Loan Program.
Nilinaw ni Dooc na ang calamity loan ay bago at hiwalay na pautang sa regular na salary loan na inaalok ng pension fund. Dati, ang ipinapatupad ng SSS tuwing may kalamidad ay ang Salary Loan Early Renewal Program (SLERP) kung saan pinapayagang mag-renew ng salary loan ang mga miyembro kahit na hindi pa bayad ang 50 % ng naunang loan na isang polisiya sa salary loan renewal. Sa SLERP, iniaawas ang naunang salary loan.
Ang mga kwalipikadong aktibong miyembro lamang na maaaring mag-avail ng loan program ay kinakailangang may 36 buwanang kontribusyon. Kung saan ang (6) na buwan dito ay nakatala sa SSS sa huling (1) taon bago ang pagsumite ng aplikasyon.
Kabilang sa kondisyon dapat ay residente ng mga idineklarang calamity areas ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).
“Pinaaalalahanan po natin ang ating mga miyembro na nais mangutang na hindi po sila makaka-avail ng CLAP kung sila ay nag-avail ng Loan Restructuring Program noong nakaraang taon hanggang Abril ngayong taon at kung mayroon pa silang pagkakautang sa ilalim ng mga naunang CLAP,” ani ni Dooc.
Ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ay puwede rin mag- avail ng CLAP loan at maaaring bayaran ito sa loob ng (2) taon na hahatiin sa 24 monthly installments.
Kinakailangan na ang OFWs ay residente ng mga nasabing lugar na idineklarang nasa ilalim ng kalamidad upang maka-avail ng loan at dapat mag-isyu ng authorization letter sa kanyang kinatawan upang magsumite ng kanilang CLAP application.
Samantalang, ang mga pensyonado sa mga nabanggit na lugar ay maaaring mag-avail ng kanilang (3) buwan advance pensyon simula ngayon, Agosto 2 hanggang Oktubre 31, 2017.
“Upang mas mapadali at mapabilis ang pagtanggap ng mga aplikasyon, ipinatutupad ang “File Anywhere” na polisiya kaya lahat ng SSS branches ay maaaring tumanggap ng aplikasyon ng advance three-month pension,” sabi ni Dooc.
Tiniyak ng SSS na maipaaabot ang tulong sa mga apektadong miyembro ng lindol sa Ormoc City at giyera sa Marawi City. Malaking tulong ang pautang para sa mga miyembro upang makapagsimula silang muli. ( Mj Olvina- Balaguer, 09053611058, maryjaneolvina@gmail.com )
-30-
SSS at Actor Guild of the Philippines nagsanib puwersa sa ArtistaSSSya
“Ang sining ang pinakamataas na uri ng pagpapahayag ng isip at damdamin kaya dapat alagaan ang mga taong nasa pinilakang-tabing. Kailangan nating tiyakin na protektado sila sa hinaharap lalo na kapag sila ay nagretiro,” sabi ni SSS Commission Chairman Amado Valdez na nakaisip ng kasunduan sa pagitan ng SSS at KAPPT.
Nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Social Security System (SSS) at ang Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT) o Actors Guild of the Philippines nang nakaraan Biyernes.
Matitiyak na ng 1,600 manggagawa sa industriya ng pelikula at telebisyon ang kanilang kontribusyon sa SSS.
Ang kasunduan na tinaguriang “ArtistaSSSya” ay naglalayong sa compulsory coverage na magbayad ng kontribusyon ang mga self-employed na miyembro ng KAPPT na kinabibilangan ng mga sumusunod: mga aktor, aktres, mang-aawit, produser, mga personalidad sa entablado, commercial artists at stunt men.
Kasama rin sa nasabing lagdaan si SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc.
Kabilang sa kasunduan, ang pagtatalaga ng SSS ng Account Officer (AO) para sa on-site registration ng kwalipikadong miyembro ng KAPPT. Pangangasiwaan din ng AO ang lahat ng transaksyon na may kinalaman sa SSS tulad ng pagpoproseso ng registration forms, pagtanggap ng reports, application forms at ang enrollment sa Unified Multi-purpose Identification (UMID) Card.
“Nagpasya ang board na bayaran ang inisyal na SSS contribution ng unang 250 aktibong miyembro upang mahikayat silang sumali at masabi ng bawat isa sa amin na nakasandal na kami sa pader. Ang pagbibigay ng opisina sa amin ng SSS, na magsisilbing tahanan din ng mga artistang Pilipino, ay isang biyaya para sa amin,” ayon kay Imelda A. Papin, Pangulo ng KAPPT.
“Sa totoo lang, marami sa ating mga Pilipino ang umaasa sa sarili nating pamilya para sa social security. Panahon na upang baguhin ang ating nakagawian dahil maaaring limitado o ubos na ang pananalapi ng ating pamilya. Ngunit sa SSS, siguradong may maaasahan ka sa panahon ng pangangailangan. Kaya’t nagdiriwang tayo ngayon dahil naunawaan na natin ang kahalagahan ng SSS para sa ating seguridad,” saad ni Dooc.
Magsasagawa rin ng information seminars at magbibigay ng reference materials sa KAPPT. Gayundin, magkakaron ng orientation upang turuan ang mga miyembro ng KAPPT kung paano gamitin ang SSS online facility para personal na tingnan ang kani kanilang indibiwal records pati ang ibang paraan ng sistema ng pagbabayad sa SSS. ( Mj Olvina- Balaguer, 09053611058,maryjaneolvina@gmail.com