PINANGUNAHAN ng Department of Health MIMAROPA sa pangunguna ni Dr. Eduardo C. Janairo ang pagdidis impekta at sanitasyon ng Oriental Mindoro Provincial Jail sa pakikipagtulungan ng Local Government Unit ng nasabing lalawigan sa pamumuno ni Gov. Alfonso Umali. Kabalikat ang Bureau Of Fire Protection at ang Bureau of Jail Management and Penology, sabi ng kanilang Provincial Jail Warden na si Maj. Delmo ginawa nila ang pakikipagtulungan sa kagawaran ng kalusugan upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga detenido. ayon sa DOH MIMAROPA bukod sa apat na mga natuklasan nung una na may HIV infection ay may 14 infected ng galis, 112 na may bulutong tubig, 52 na may pigsang dapa at 34 na may mga buni. Hindi dahil mga naka piit na sila ay kakaligtaan na ang kanilang kalusugan, wika nga ay ang kalusugan ay kayamanan sapagkat hindi naman mga convicted na kriminal ang mga nakapiit sa naturang kulungan bagkus ay mga nag aantay lamang ng sintensya, may mga karapatan pa rin silang dapat na isa alang alang.
-30-
2 INMATE POSITIBO SA HIV-DOH MIMAROPA
Calapan, Oriental Mindoro-DALAWANG inmate sa Oriental Mindoro Provincial Jail ang natuklasang positibo sa Human Immuno-deficiency Virus o HIV na siyang dahilan ng sakit na Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) sa isinagawa nilang mass creening na dapat ay para sa sakit na Tuberculosis.
Ayon sa panayam sa kanilang Provincial warden na si Retired Police Chief Inspector Romeo U. Delmo, lubos na pinasasalamatan nila ang pamunuan ng DOH MIMAROPA sa pangunguna ng Regional Director nito na si Dr. Eduardo C. Janairo dahil concern ito sa kalusugan ng mga detainees.
Pahayag ni Delmo, hindi naman mga hardened criminals ang mga naka piit sa kanilang kulungan bagkus ay mga pending pa ang mga kaso nito at nililitis pa sa mga korte.
Nabatid na 1st time na nagkaroon ng kaparehong aktibidad ang nasabing piitan sa tulong narin ng kanilang LGU sa pangunguna ni Gov. Alfonso V. Umali Jr. Sa 800 na mga inmates na ayon sa warden, kada araw may lumalayang mga dalawa at may mga pumapasok na mga 7 pababa ngunit nang ganapin ang nasabing aktibidad ay sinerbisyuhan ng DOH MIMAROPA ang 800 inmates kung saan 81 ang babae (may 7 tomboy na kanilang inihiwalay ng selda).
Ayon sa inisyal na screening ng DOH MIMAROPA ang dalawang nag positibo ay mga bagong piit lamang, at ang isa dito ay buhat sa Puerto Gallera, isang bakla at isang babaeng sinasabing nagbebenta ng panandaliang aliw.
Wika ni Delmo, ipapa ubaya niya sa DOH kung ano ang kahihinatnan ng dalawang infected, kung ihihiwalay ito o hindi.///michael n balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net
-30-
DOH MIMAROPA SA OMPJ NAG MASS SCREENING NG TB
Oriental Mindoro, MIMAROPA-HINDI pa mga convicted kaya kailangan pa ng kalinga ng gobyerno ang mga residente ng Oriental Mindoro Provincial Jail na kamakailan ay pinuntahan at binigyan ng mass screening para sa tuberculosis at HIV ng DOH MIMAROPA sa pakikipagtulungan ng Oriental Mindoro Provincial Government.
Sa patuloy na digmaan ng gobyerno kontra iligal na droga, di na nakakapagtaka na sa loob ng 800 na mga inmate sa OMPJ ang halos kalahati nito humigit kumulang ay may mga kasong may kaugnayan sa droga.
Bilang isang institusyon na nangangalaga sa seguridad ng mga tao sa labas ayon sa warden nito ay kailangan din naman na kalingain ang kalusugan ng mga nasa loob ng piitan dahil bukod sa di pa naman ito mga convicted ay mga tao rin ito kaya laking pasasalamat nila sa DOH MIMAROPA sa pagsasagawa ng naturang programa.
Wika ng pamunuan ay sa kabila ng maraming kakulangan sa serbisyo sa loob ng piitan ngunit nagagawan lang ng paraan ng gobyerno o ng pamunuan na punuan ang mga kakulangang ito sa tulong ng LGU at mga kagawaran ng pamahalaan gaya ng DOH MIMAROPA.
Ginawa niyang halimbawa ay ang budget sa pagkain na 45 peos lang isang tao na dapat umano ay nasa 60 pesos isa ngunit ito ay nasulusyunan nila sa pamamagitan ng maayos na financial management. 7 kaban ng bigas ang nauubos sa isang araw na kanilang isinasaing ayon sa warden. Bukod sa kalusugan ay nakikipagtulungan din sila sa Department of Education upang matulungan ang mga inmate na walang pinag aralan sa pamamagitan ng programang Alternative Learning System (ALS) at may tinulungan silang isang katutubong Mangyan, nabatid na isang taon na ang nasabing programa nuong July 28, 2017.
Wika pa nito ay laderized ang programa at maaring ma accellerate ang estudyante kung madali itong matuto, hahabulin ang edad dahil karamihan sa mga napiit lalo ang mga walang pinag aralan ay may mga edad na.
Sa huli, ang mga hardened at convicted criminal na napiit sa kanila ay ililipat nila sa Basud sa isang taon kung saan matatapos na ito, secured at makabagong piitan at may kapasidad na 100 selda.
Ang TB ayon sa warden wika niya sa kanyang pagkaka alam ay malimit nagmumula sa mga masisikip at maiinit na gaya ng preso kaya pasalamat siya sa DOH MIMAROPA dahil sa nasavbing aktibidad.///michael n balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net
-30-