,
QUEZON CITY, PILIPINAS- INIHAYAG sa mga dumalong miyembro ng pamamahayag ang mga accomplishments ng Department of Science and Technology (DOST) nitong nakaraang taong.
Ginanap ito sa regular na pulong balitaan ng kagawaran, ang “DOSTKusyon” sa lungsod na ito, pinangunahan ng Science and Technology information Institute (STII) ang pulong balitaan na dinaluhan ng mga opisyales ng kagawaran at kanilang inihayag ang accomplishments ng tanggapan sa nakaraang taon.
Mismong si DOST Secretary Prof. Fortunato T. dela Peña ang naglahad ng mga nagawa ng kagawaran nitong nakaraang taon gaya ng pagpapaigting ng mga resulta ng pagsasaliksik sa bahagi ng agrikultura gaya ng potensyal ng mga native chicken na unang naisa publiko ng Philippine Council for Agriculture Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD) at nitong nakaraang taon nga ay nakalikha ito ng tatlong tipo ng native chicken na ipinakilala sa Zamboanga, Bohol at Camarines Sur bukod pa sa breeding ng Philippine Native Duck na tinaguriang “itik Pinas” ang dalawa ay Itik Pinas Khaki at Itik Pinas Itim.
Bukod sa accomplishments sa bahagi ng agrikultura, nailahad rin ang ukol sa industriya gaya ng pagawaan ng granahe para magamit sa lumalakas na industriya pang manufacturing na bagaman nasa infancy pa ay sa tulong ng kagawaran ay halos umaangat na kasabay ang mga bagong inobasyon sa medisina at agrikultura gaya ng nuclear technology o ang introduksyon ng Cobalt 60.
Bukod kay Secretary Prof. Fortunato T. dela Peña, ilang opisyales din ng kagawaran ang dumalo kabilang sina Dr. Rowena Cristina L. Guevara, Undersecretary for Research and Development, Brenda L. Nazareth-Manzano, undersecretary for Regional Operations, Atty. Emanuel S. Galvez, Assistant Secretary for Finance and legal Affairs, Dr. Leah J. Buendia Assistant Secretary for International Cooperation, Dr. Carol M. Yorobe, DOST Undersecretary at Teodoro M. Gatchalian, Assistant Secretary for Administration, mga pinuno ng iba pang ahensya sa ilalim ng kagawaran gaya nina Dr. Vicente Malano ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), Dr. Renato Solidum ng Philippine Institute of Vulcanology and Seismology (PHIVOLCS) at Engr. Edgar Garcia ng Technology Applications and Promotions Institute (TAPI).///Michael N. Balaguer
PAGASA THE WEATHER AUTHORITY
QUEZON CITY, PILIPINAS- “KINUKUHA lang ng dating “Project NOAH” ang kanilang mga detalye ukol sa pagtaya ng panahon sa mga detalye ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)” kaya umano walang karapatan ang mga kawani nang natapos na proyekto na magyabang at ipilit na sila na lang ang dapat magsilbing awtoridad sa pagtaya ng panahon.
Ito humigit kumulang ang pananaw ng nakapanayam ng www.diaryongtagalog.net na kawani ng ahensya nang kagawaran ng agham na itinuturing na “the Only Weather Authority” sa bansa ayon sa itinatadhana ng mga umiiral na batas.
Bagaman ayaw magbigay ng pangalan ng aming source na nakapanayam ay kaisa din naman niya ang mga miyembro ng Philippine Weathermen Employees Association (PWEA) sa isinagawa nilang pulong balitaan kamakailan sa punong tanggapan ng PAGASA sa lungsod na ito.
Inuulit ng pamunuan ng PAGASA na hindi nila katunggali ang dating Project NOAH bagkus ay kaisa nila ito sa modernisasyon ng kanilang ahensya at dahil natapos na ito, isa na sila sa mga beneficiary ng proyekto kabilang ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology, (PHIVOLCS), Environmental Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (EMB-DENR), National Mapping and Resources Information Authority- Department of Environment and Natural Resources (NAMRIA-DENR), Advanced Science and Technology Institute (ASTI), National disaster risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa ilalim ng Office of the Civil Defense (OCD) ng Department of National Defense (DND) at Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ayon pa sa nakapanayam ng pahayagan sa nasabing pulong balitaan, ang NOAH o (Nationwide Operational Assessment of Hazards) ay isang proyektong mag simula at wakas, sa kabila nang nagtapos na ang proyekto at na extend na ito ay marapat lang na I-endorse na ito sa kani kanilang mga beneficiary na mga agencies at with regard sa PAGASA ay hindi tamang sabihin nang mga na displaced na kawani ng nasabing proyekto na sila na dapat ang humawak sa ahensya dahil kinokopyahan lang nila ito ng data at wala silang sariling data.
Mga dalubhasa at competent ang mga weather experts na nasa PAGASA at hindi nila kailangan ang mga katulad nina Dr. Mahar Lagmay upang pamunuan ang PAGASA, tama na at sapat ang isang Dr. Vicente B. Malano, isang dalubaha sampu ng mga magagaling na weathermen ng PWEA.
Pahayag naman ng Department of Science and Technology Secretary Prof. Fortunato T. dela Peña sa kanyang official statement na may titulong “On the Status of Project NOAH” ang project NOAH ay isa sa mga R&D projects na pinondohan ng DOST bilang bahagi ng Disaster Risk Reduction R&D Program, nagsimula ito ng 2011 at natapos ng 2015 at na extend ng 2016 hanggang February ng 2017 at pagkatapos ay nakatakdang I-turn over sa PAGASA.
Dapat na maunawaan ayon kay Sec. dela Peña na ang bawat proyekto ay may simula at wakes at kung nais nilang magpatuloy ay magsumite na lang muli ng project proposal sa kagawaran at nai deliver naman ng proyekto ang dapat nitong I-deliver na resulta sa takdang panahon at oras na ipinangako nito.
Sa huli ayon pa sa mga nakapanayam ng pahayagan, binanggit nila ang kanilang mga himutok sa mga nanghuhusga sa kakayahan ng PAGASA patungkol sa pagtaya ng panahon, wala nang pakialam ang PAGASA o DOST man sa mga kawaning madi-displaced sa pagkawala ng proyekto at may mga iba pa namang mga ahensyang maaring mag absorb sa kanila kaya hindi dapat na “magpilit” silang “sumiksik” sa PAGASA kung di naman sila kayang I-accommodate lalo kung malayo ang diperensya ng compensation pacakage nila sa PAGASA kumpara sa tinatanggap nila sa Project NOAH kaya huwag na sanang magresort sa paninira.///Michael N. Balaguer, karagdagang istorya sa OPINYON page
LINDOL SA SURIGAO HINDI GAWA NG PAGMIMINA-PHIVOLCS
QUEZON CITY, PILIPINAS- TAHASANG pinabulaanan ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director Dr. Renato Solidum ang bali-balitang talamak na pagmimina sa lugar ang dahilan ng naganap na paglindol sa Surigao kamakailan.
Ito ang nilinaw ni Solidum nitong nakaraang pulong balitaan na inorganisa ng Department of Science and Technology sa lungsod na ito kung saan kanilang inihayag ang mga accomplishments ng kagawaran sa nakaraang taon.
Dagdag pa ng eksperto sa mga bulkan at lindol sa bansa, kahit ano umanong lakas ng pagsabog ang gawin ng mga minero sa ilalim ng lupa ay hindi matitinag ang mga tectonic plates para maka trigger ng pagyanig.
Maaring maapektuhan lang umano ang kapaligiran gaya ng mga slopes at watershed kung magkakaroon ng mga spills ng mga ginagamit na kemikal na makakasama sa kapaligiran at kung bubuhos ang ulan at magkakaroon ng landslides.
Nabatid na sa pahayag ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte nuong nagtalumpati siya sa Surigao pagkatapos ng lindol at habang dinadala nila ang tulong sa mga biktima ng pagyanig, sinabi niyang ang mga pagmimina sa lugar ang salarin kaya nagkaroon ng lindol samantala ayon sa mga siyentista ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) maaring makalikha ng pagyanig ang pagbubutas o pagmimina, pagpapasabog sa mga faultlines na ipinakita nila sa kanilang ginawang presentasyon kasabay ng isang pulong balitaan sa kanilang punong tanggapan.///Mary Jane Olvina-Balaguer, karagdagang istorya sa OPINYON page