24 Gov’t AGENCIES, 20 TRANSPORT GROUPS at mga COOP Sinusulong ang PUV MODERNIZATION
First time na nagkaisa ang public transportation system, government agencies, transport groups at mga cooperatives na isulong ang PUV Modernization.
Sa bilang na 24 government agencies, 20 transport groups at mga kooperatiba ay nagsama sama kamakailan sa programa ng pagsuporta na ginawa sa Camp Aguinaldo. Ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Nagpasalamat rin ang kalihim ng DOTr Arthur Tugade sa mga transport groups na tumulong sa pamahalaan sa halip na magwelga sa kalsada ang mga grupo; Federation of Jeepney Operators and Drivers Association (FEJODAP), 1-United Transport Koalisyon (1-UTAK), Alliance of Transport Operators d Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), Coalition of Operators, Drivers, Employees, Atbp. (CODE-X), at ACTO.
“Kung kami lang po, hindi namin kaya. Kailangan sama-sama ‘yung mga mananakay, operators, at drivers na makiisa sa magandang layunin ng programa. At kung mabigyang katuparan ang programang ito, pangako sa inyo, tuluy-tuloy ang dayalogo at pag-uusap. Kung may mga punto at bagay-bagay na dapat pag-usapan at baguhin, pag-uusapan natin ‘yan at babaguhin,” ayon kay Tugade
“Ang administrasyong ito, pabor sa anumang kabuhayan. Pero dapat lang, ang kabuhayan ay hindi kikitil ng buhay,” dagdag pa ni Tugade.
Samantalang hindi makukumpleto ang programa kung walang matibay na programang pangpinansyal para sa mga operators ng PUV kaya ang Landbank at Development Bank of the Philippines gayundin ang World Bank, Asian Development Bank, ay nag offer ng abot kayang pamamaraabn ng pagbabayad sa mababang interes.
Kaugnay nito ang Department of Trade and Industry (DTI) at Japan International Cooperation Agency (JICA) ay tutulong rin ayon kay kalihim Ramon Lopez na tututukan din ang mga lokal na gumagawa ng sasakyan at kaha nito na magkaroon ng moderno, ligtas, at eco friendly na sasakyan.(mj olvina-balaguer)
Seguridad sa lahat ng sakayan, iniiutos na paigtingin- DOTR Sec
Mandaluyong City, Pilipinas- “Let us be visible and vigilant in the service of country…para sa Pilipino at Inang Bayan,” ayon kay Secretary Tugade.
Inatasan ni Department of Transportation Secretary Arthur P. Tugade ang kanyang mga opisyales na paigtingin ang seguridad sa lahat ng sakayan sa bansa dahil ang pangunahing prayoridad ng kanyang pamumuno aniya ay ang kaligtasan ng mga mananakay.
Malaki umano ang panganagilangan na makita ang mga security personnel sa mga pasilidad gaya ng sakayan upang maging babala sa mga masamang elemento na maaring makapag biktima sa mga mananakay.
Bilang tugon, inatasan ni Undersecretary for Aviation Capt. Manuel Antonio “Skee” Tamayo ang mga aviation authorities upang makapagposte ng mga armado at umiikot na naka unipoirme at naka sibilyang guwardiya sa mga paliparan at iba pang sakayan samantala agad namang tumugon ang Manila International Airport (MIAA) General Manager Ed Monreal na isinagawa ang derektiba sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Complex.
“Let’s do this in all airports— parking, arrival, lobby, departure, check in, immigration, boarding, waiting and greeting areas. We must have roving organic and security personnel,” pahayag nang Sec Tugade.
Iginiit rin ng kalihaim ang pangangailangan sa mga security personnel na magkaroon ng buddy system sa kanilang mga pagroronda at dapat na walang paupo upo o aniya ay pabandying bandying sa trabaho.
Kaugnay nito ay muli niyang inatasan ang pagpapaigting ng seguridad sa mga pasilidad ng sakayan lalo sa banta ng mga terorista sa kasalukuyan na siyang namamayagpag ngayon sa Marawi na nagdulot ng pagdedeklara ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Batas Militar sa Mindanao
Matatandaang sa pamamagitan ng Department Order (D.O.) No. 2017-008 dated June 5, 2017 na naglalagay sa kontrol ng ng Philippine Coast Guard ang operasyon pangseguridad ng mga pantalan sa buong bansa.///Michael N. Balaguer
DOTr iginiit ang mahigpit na pagtalima sa kanilang proseso ng bidding
Maynila, Pilipinas- “The BAC should be an independent body from the Secretary. I will not allow anyone to discuss with me projects that are undergoing procurement. I will only be open to official discussions once the procurement process has been finalized, and complete documentation is already on my table. Maging strikto tayo sa pagsunod sa proseso para hindi tayo mabahiran ng korapsyon,” pahayag ni Secretary Tugade.
Iginiit ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa pamamagitan ng kanyang direktiba sa kanyang mga opisyales sa departamento pati sa mga interesadong partido na na sa lahat ng proyekto ng kagawaran ay mahigpit na pagtalima sa proseso ng procurement at hindi papayagan ang mga transaksyong hindi naa ayon sa itinatadhana ng batas.
Ipinaliwanag ng kalihim ang kanyang prinsipyong hindi pakikialam sa mga gawain ng Bids and Awards Committee.
Noong nakaraang Mayo ay inumpisahan ng kagawaran ang online live streaming ng mga proseso nang procurement sa lahat ng proyekto ng departamento upang isulong ang transparency, accountability at mabuting pamamahala.
Nang pasimulan ang nasabing programa ay may tinatayang 29 na proyekto kung saan 21 sa mga ito ang nasakop ng pre bidding conference habang 8 sa mga proyekto ang nasakop ng pagbubukas ng bids at ang online livestreaming ay maari din namang makita sa opisyal na facebook fanpage ng kagawaran.
Hinikayat ng kalihim ang mga mamamayan na bantayan ang mga bidding ng departamento at ang paraan ng procurement at iulat ang maanomalyang mga insidente ayon pa sa kalihim,“I am serious with my no-corruption campaign inside the DOTr. I encourage everyone to remain vigilant in our fight against the corruption. Isa man dito ang mahuli ko, lalagutin ko,”.///Michael N. Balaguer