2nd Popularized Report on Implementation RPRH Law; Pagpapalakas ng turismo, patuloy na isinusulong sa Bulacan at Bulacan, nananatiling payapa at handa sa tuluy-tuloy na progreso

popcom

 

 

 

Isinagawa ang 2nd Popularized Report on the Implementation of the Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 na dinaluhan ng mga nagsilbi bilang Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan (Department of Heath).

Sa nasabing pag uulat ay inilahad ang kasalukuyan at nakaraang kalagayan ng responsableng pagmamagulang at reproductive health sa bansa na patuloy pa ring pinag uusapan at di pa lubusang naiimplimenta sa kabila nang may mga regulasyon nang itinatadhana ng batas.

Kabilang sa mga dumalo ay mga kalihim ng kagawaran ng kalusugan gaya nina Dr. Espernza Cabral at Dr. Janette Loreto-Garin. pinangunahan ng Commission on Population o POPCOM sa pangunguna ng Executive Director nito na si Juan Antonio Perez III na nag guest rin ng personal sa programang Yesterday, Today and Tomorrow (3:00-5:00 pm) linggo sa DZRJ 810 KHZ AM sa pakikipagtalakayan sa mga anchors nito na si Ms. Mary Jane “MJ’ Olvina-Balaguer at Jun Obrero.

Sa pag uulat maging sa interbyu sa radyo ng POPCOM nabanggit niyang tila paborable sa kanilang adbokasiya ang administrasyon ngayon ng Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pronouncement nitong tututukan ang family planning. ipinaliwanag ng mga kinaukulan ang kahalagahan ng reproductive health di lang sa kababaihan kundi pati sa ina at sanggol pati rin sa mga kalalakihan na kabilang sa LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender) at mga PLHIV (People Living with HIV).

Inaasahan na ngayong Duterte Administration ay maiimplimenta na ang batas. Kabilang rin sa dumalo ay sina Dr. Junice Melgar, Director ng Family Health Office ng DOH mga representante buhat sa PHILHEALTH, LGU ng Laguna at Mr. Ben De Leon ng the Forum.///michael n balaguer

POPCOM DOH

Pagpapalakas ng turismo, patuloy na isinusulong sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS – Sa layuning ibandila ang angking ganda at kulay ng lalawigan ng Bulacan, patuloy na pinaiigting ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang paglikha ng mga programa na magtatampok sa mga natatanging lugar, tao at produkto ng lalawigan.

Sa kanyang State of the Province Address (SOPA) na isinagawa kahapon sa Bulwagang Sen. Benigno Aquino Jr. sa gusali ng Kapitolyo sa lungsod na ito, iniulat ni Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado ang mga gawaing naisakatuparan sa larangan ng pagpapalakas ng turismo sa probinsiya.

“Upang manatili at maikintal sa isipan ng mga Bulakenyo at mga turista ang makukulay na sining at hitik na kasaysayan ng lalawigan, nagsagawa ng mga film showing, exhibits, symposia, at lecture series conferences sa iba’t ibang paaralan sa lalawigan,” ani Alvarado.

Dagdag pa niya, sa pagtutulungan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office at Provincial Public Affairs Office, isinagawa ang isang media tour nang sa gayon ay mailathala sa diyaryo, radyo at telebisyon ang mga magaganda at makasaysayang lugar sa Bulacan. 

Nalulugod ding ibinalita ng gobernador ang pagkakaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng mga libro sa may 85 silid-aklatan sa lalawigan sa pakikipagtulungan ng National Library of the Philippines. Gayundin, iniulat niya ang matagumpay na pagsasanay ng mga librarian mula sa 21 bayan at tatlong lungsod at mga paaralan sa Bulacan.

Ayon pa sa gobernador, nakatulong din ng malaki ang pagkakaroon ng Provincial Arts and Culture Council na siyang mangunguna sa pagpapalakas ng turismo sa lalawigan.///bulacan PPAO

Bulacan, nananatiling payapa at handa sa tuluy-tuloy na progreso

LUNGSOD NG MALOLOS – Naging makabuluhan ang resulta ng pinaigting na kampanya ng Bulacan laban sa kriminalidad matapos ipahayag ni Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado ang patuloy na pagtaas ng crime solution and clearance efficiency ng lalawigan, na mahalagang salik sa pagkamit ng progresibong pag-unlad.

Iniulat ng gobernador ang pagbaba ng 16.65% sa crime rate ng lalawigan sa unang kwarter ng 2016 kung saan 6,465 na krimen lamang ang naitala kumpara sa 7,612 na krimen noong Enero hanggang Mayo ng 2015 kung saan may 1,147 insidente ang ibinaba.

Ibinahagi din ni Alvarado sa kanyang State of the Province Address (SOPA) na tumaas ng 17.57% ang crime solution efficiency ng lalawigan at 22.84% naman ang itinaas sa crime clearance efficiency mula sa huling kwarter ng 2014.

“Peace and order is one of the best foundations of a progressive development and Bulacan has remained generally peaceful prompted by heightened police efficiency and our intensified all-out campaign against criminality,” pahayag ng gobernador.  

Binanggit rin niya ang patuloy na pagsasaayos ng Bulacan Provincial Jail (BPJ) upang magkaroon ng matibay na pundasyon sa sistemang pangkatarungan na may patas at respeto sa karapatan ng mga detinido.

“Nagdagdag din tayo ng anim na mga two-way radio, service firearms at CCTV camera. Nilagyan natin ng perimeter fence ang buong kapaligiran ng piitan upang masiguro na walang makakapasok na ‘di-awtorisadong tao at mga ipinagbabawal na mga gamit,” anang gobernador.   

Iniulat rin niya na ang pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad ay nagresulta sa pagkakaaresto ng mga sindikato at kriminal na nambibiktima sa Bulacan, Metro Manila, at iba pang bahagi ng Gitnang Luzon.

Dagdag pa rito, ipinahayag ng gobernador ang kanyang buong pagsuporta sa administrasyon ni Presidente Rodrigo Duterte na nangako ng pinaigting na kampanya sa pagsugpo ng krimen sa bansa. 

“Makikisa tayo sa adbokasiya ng bagong administrasyon na paigtingin ang kampanya laban sa kriminalidad at paglaganap ng bawal na gamot. Tungo dito, mananatiling matibay ang ating paninindigan na isulong ang tunay na kapayapaan at tiyakin ang kaligtasan ng ating mga mamamayan sa pamamagitan ng dalisay na pagpapatupad ng batas na walang kinikilingan,” pahayag ni Alvarado.  ///bulacan PPAO