MAYNILA, PILIPINAS-TUTUGUNAN ng mga dalubhasang siyentistang Filipino ngayong 41st Annual Scientific Meeting (ASM) ng National Academy of Science and Technology (NAST)ang tatlong Sustainable Development Goals (SDG).
Ang nasabing mga goals ay kinabibilangan ng: Goal 4 dekalidad na Edukasyon, sa bansa ngayon maituturing na marami pa ring mga kabataan ang walang access sa dekalidad na edukasyon. Sa mga bahagi ng bansa na ni walang kuryente o kalsada, maituturing na luho ang pagpasok sa paaralan ng mga kabataan sa halip ay tumutulong na lamang sila sa kanilang mga magulang sa pagtatanim o paghahayupan.
Tutugunan din ng mga dalubhasa ang Goal 12 o ang responsableng pagkonsumo at produksyon partikular na pagtutok sa Plastik. Isang mahalagang sangkap ng industriya ang plastic ngunit kailangan din ang tamang edukasyon sa pagtatapon at paglikha ng mga bagong material mula dito dahil maaring may mga material na nakalalason sa tao.
Sa ikatlong SDG, ang Goal 14 o mga buhay sa katubigan. Tinutugunan nito ang malaking suliranin ng katiyakan sa pagkain bahagi ng sustainable marine resources dahil ang bansa ay isang maritime nation at archipelagic o kapuluan at napaliligiran ng karagatan, ilog, lawa at dagat.
Mga bagong pamamaraan sa pagkalinga at pagpo protekta sa ating territorial waters gaya ng ginagawang panghihimasok ng China sa ating Exclusive Economic Zone (EEZ) na sinakop ng kanilang inimbentong “Nine Dash Line” na hindi pinaniniwalaan ng United Nations at ng United Nations Convention on the Laws of the Sea (UNCLOS) kung saan kinatigan ang bansa sa reklamo laban sa China.
Kabilang sa mga dumalo ngayong 41st NAST ASM ay sina DOST Sec. Fortunato T de la Pena, NAST President Dr. Rhodora V. Azanza.///Michael N. Balaguer, +639333816694, michaelbalaguer@yahoo.co.uk