“Looking Back, Looking Forward” ang tema ng Ika- 38th Annual Scientific Meeting ngayong taong 2016 ng National Academy of Science and Technology, advisory body na nasa ilalim ng Department of Science and Technology na nagbibigay ng rekomendasyon sa gobyerno partikular sa Pangulo ng Republika ng Pilipnas sa pamamagitan ng kalihim ng kagawaran ng agaham at ng economic planning secretary ukol sa mga usapin at solusyon sa mga suliraning kailangang tugunan sa pamamagitan ng agham.
Sa kasagsagan ng pagpupulong ay tinalakay ang suliranin sa kalusugang pangkalahatan isang mahalagang topic na nabigyang tugon nitong nakaraang administrasyon dahil nilakihan ang pondo ng Philippine Health Insurance Corporation upang lahat ay masakop ng seguro kung saan ang pondo ay manggagaling sa mga sin taxes o sa mga alak at sigarilyo pati sugal.
Dinaluhan ni DOST Secretary Fortunato T. Dela Pena at National Economic and Development Authority Secretary Ernesto Pernia ang okasyon kabilang ang bisita buhat sa Canada na si Dr. Muhamad Jamal Deen na sumagot sa tanong ng www.diaryongtagalog.net ukol sa kahalagahan ng mga makabagong teknolohiya o taong tinatawag na mga “cutting Edge” para sa medisina at agham ng kalusugan sa bansa na ipinagmamalaki ng mga kapit bansa at hindi umuubra sa atin.
Ayon kay Dr. Deen mas maiging gamitin ang mga teknolohiyang isa o dalawang taon nang nilikha dahil subok na umano ito kung ikukumpara sa mga bagong kagagawa pa lamang, wika niya ay mas epektibo ito sa bahagi ng agham ng medisina.///michael n balaguer
OYSI 11th Annual Meeting; 40th taon ng NAST at mga Dalubhasa Nagkita kita
Revisiting the Past, re envisioning the future, iyan ang tema ngayon ng ika labing isang Taong pagpupulong at kumperensya ng Outstanding Young Scientist Inc, isang araw bago ang inaabangang Annual Scientific Meeting ng National Academy of Science and Technology nitong ika 12 ng Hulyo 2016 sa Manila Hotel.
Binuksan ng pambungad na pananalita ng kanilang Pangulo na si Dr. Maribel L. Dionisio-0Sese kasunod ng talumpati ni acting NAST President ACD. Fabian M. Dayrit at ang mahalagang mensahe ng Kalihim ng DOST na si Sec. Fortunato T. Dela Pena.
Pagkapanumpa ng siyam na mga bagong miyembro ng prestihiyosong samahan ng mga natatanging aghamista sumunod agad ang plenary session kung saan unang nagbigay ng kanyang presentasyon si Acd. Eufemio T. Rasco ukol sa New Agriculture Nature Inspired, Science Based.
kasunod ang presentasyon ni Dr.Ameryllis T. Torres, Professor Emeritus ng UP Diliman ukol naman sa kababaihan sa STEM na may pamagat na sticky floors or weightless states. Personalaized Medicine for Filipinos, are we there yet, ang pamagat ng presenatsyon ni Dr. Eva Maria C. Cutiongco-Dela paz, ang Vice Chancellor ng UP Manila at ang Executive Director din ng National Institute of Health.
How to get your Rand D proposals Approved, a Quick Guide to researchers ang pamagat ng presentasyon ng Executive Director ng Philippine Council for Industry Energy and emerging Technology Research and Development na si Dr. Carlos Primo David habang panghuli ay ang presentasyon ng Thai National na si Orakanoke Phanraksa, ang Co Chair ng Global Young Academy and Intelectual Property Policy manager Technology Licensing Office ng Thailand.
Ang taunang pagpupulong ng mga natatanging nakababatang aghamista ay ginaganap upang hikayatin ng mga mag aaral na pasukin ang pag aaral ng mga aham at related na disiplina.///Ferdie Santos (Baliwag Bulacan Correspondent
Ginaganap ngayon ang 38th Annual Scientific Meeting ng National Academy of Science and Technology, ang pinakamataas na advisory body sa larangan ng agham at teknolohiya na siyang nagbibigay ng payo sa pamahalaan.
Muli na namang magpupulong ang mga dalubhasa sa ibat ibang disiplinang nasasakupan ng akademya upang lumikha ng mga makabuluhang suhestiyon sa samut saring suliranin ng bansa na maaring tugunan o solusyunan sa pamamagitan ng tulong nang agham at teknolohiya.
Ginaganap ang taunang pagpupulong ngayon sa Manila Hotel, 13-14 ng Hulyo taong 2016. Ang tema nila ngayon ay “looking back and looking forward” balik tanaw sa mga naiambag ng agham at teknolohiya sa pag unlad ng bayan.
Kabilang sa mga bisita ay si DOST Sec. Fortunato Dela Pena, Acting NAST President Acd. Fabian Dayrit, Dr. Mohamed Jamal Deen, Pangulo ng Academy of Science Royal Society of Canada, Sir Venkatraman Ramakrishnan na Pangulo ng Royal Society of London at anim na plenary sessions kung saan samut saring mahalagang topic ang tatalakayin kaakibat ng awarding ceremonies, technical sessions at magsisilbing guro ng palatuntunan si Acd. Jaime Montoya ng Health Sciences Division at Executive Director ng Philippine Council for Health Research and Development.///Ofelia Diño, Correspondent for San Rafael Bulacan