Ang mga nasa PRAYORIDAD ng DOST ngayong 2021

ENERO 10, 2021- Ngayong 2021 palalakasin ng Department of Science and Technology (DOST) ang kanilang Research and Development (R&D) habang patuloy na susundin ang National Harmonized R&D Agenda bilang karagdagang katugunan sa paglutas sa mga suliraning may kaugnayan sa COVID-19.

Ang mga proyekto at programang may kaugnayan sa Disaster Risk Reduction (DRR) ay palalakasin rin bilang pagsuporta sa pagtatayo ng mga niche R&D centers sa mga rehiyon (NICERs) โ€“ magpo provide ng mga kinakailangang  pasilidad pang R&D at pondo pang matugunan ang mga kritikal na suliranin, kasalukyan at mga inaasahang idudulot ng mga kalamidad at extreme natural conditions. Ang NICER Programs ay tututok sa mga R&D na may kaugnayan sa industry & energy related, DRR, at biomedical devices development.

Para naman sa Human Resource Development sa bahagi ng Science and Technology, ang focus ay kung paano i- facilitate ang effective learning para sa mga scholars sa pamamagitan ng responsive policies sa hamon ng kapaligiran.

Kabilang sa prayoridad na R&D ay ang ibat ibang sektor kagaya ng mga sumusunod:

Para sa sektor ng ๐š๐ ๐ซ๐ข๐œ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž, ๐š๐ช๐ฎ๐š๐ญ๐ข๐œ ๐š๐ง๐ ๐ง๐š๐ญ๐ฎ๐ซ๐š๐ฅ ๐ซ๐ž๐ฌ๐จ๐ฎ๐ซ๐œ๐ž๐ฌ:
1. Pagpapalawig sa coconut hybridization program sa pakikipagtulngan ng Philippine Coconut Authority.
2. Karagdagang R&D projects bilang suporta sa Native Livestock Development Program.
3. R&D sa aquaculture species na may malaking potensyal para sa food security at export. Kabilang dito ang Giant Freshwater Shrimp or โ€œUlangโ€ at Saline Tilapia.
4. R&D na susuporta sa native fruits para sa niche R&D centers sa mga rehiyon (NICERs) na naitatag na. Kabilang rito ang citrus, queen pineapple at tamarind.
5. Pilot testing ng locally developed agricultural machines.

Para sa sektor ng ๐ข๐ง๐๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฒ, ๐ž๐ง๐ž๐ซ๐ ๐ฒ ๐š๐ง๐ ๐ž๐ฆ๐ž๐ซ๐ ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐ž๏ฟฝ๏ฟฝ๐ก๐ง๐จ๐ฅ๐จ๐ ๐ข๐ž๐ฌ:
6. Smart Food Value Chain.
7. MSMEs Low Carbon Transition.
8. Sustainable Mineral Resources Utilization.
9. Paggamit ng AI at Robotics Technologies para sa Infrastructure at Disaster Management Application.
10.Space Technology Applications sa Public Services.

Sa sektor ng ๐ก๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก:
11.Ang Anti-Dengue Drug Candidate (isang kapsulang binbuo ng tatlong halaman).
12.COVID-19 Programs.
13.Food Safety at Nutrition.
14.Biomedical Devices in lieu of Biomedical Services.
15.Virology Research & Studies.

Ang utilization o commercialization ng mga natapos ng R&D outputs ang top concern. Pagsuporta sa mga start-ups ang bibigyan ng pangunahing prayoridad kabilang rito ang technology business incubation, at maraming collaborative R&D projects sa pagitan ng industriya at akademya o RDIโ€™s ay bibigyang suporta.

Mag o operate ang isang bago at state-of-the-art facilities ng DOST upang mag mapagsilbihan maigi ang publiko โ€“ industriya, academya, pamahalaan at komunidad.
#dostPH #ScienceForThePeople. Detalye buhat sa facebook page ni DOST Secretary Fortunato T. de la Peแฟ†a.///Michael Balaguer, +639262261791, konekted@diaryongtagalog.net

-30-