Batanes zero Droga
“ We will make Batanes as a template for all provinces to emulate. Now that the province is free from illegal drug activities, the work does not end here. We need to continuously drug- demand reduction activities in the province, leaving no room for illegal drugs to prevail again,” ayon kay Director General Isidro S. Lapeña ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nito lamang Hunyo 2, 2017 sa seremonya ginanap sa HRTC Hall sa Provincial Capitol, Basco, Batanes.
Pinangunahan ang deklarasyon nina; Chief Superintendent Robert G. Quenery, Regional Director ng PNP Region 2 at Director General Isidro S. Lapeña ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ang Batanes ay pormal na dineklarang drug-free at ginawaran ng pagkilala ang Punong Lalawigan ng Batanes na si Marilou H. Cayco, at P/SSupt Agustin Tamangen, Provincial Director, Batanes Provincial Police Office.
“Our success in war against illegal drugs depends on cooperation, assistance and involvement of the community through the help of LGUs” sabi ni Quenery.
Dumaan sa masusing beripikasyon, balidasyon at pag apbruba alinsunod sa isinaad na pamantayan ng Dangerous Drugs Board (DDB) sa Section 8, DDB Regulation No. 3 series of 2017 na mas kilala “ Strengthening the Implementation of the Barangay Drug clearing program” na proseso na sinagawa ng oversight committee on Barangay Drug Clearing Operations na pinamumunuan ng Chairperson Regional Director Laurefel Gabales of PDEA Region Office II at mga miyembro nito sa oversight committee mula sa Philippine National Police (PNP) at ng Department of Interior and Local Government (DILG) na nagdeklarang drug-free ang lalawigan ng Batanes.
Ang Batanes ay may anim na bayan ito ay ang mga; Basco, Sabtang,Uyugan, Ivana, Itbayat at Mahatao at may 29 barangays. Na pawang lahat ay idineklarang ng mga Hepe ng Pilis at pinagtibay ng mga Punong Bayan, mga Kapitan ng Barangay at ng Municipal Anti- Drug Abuse Councils (MADACs) ng nakalipas na taon Disyembre 29, 2016. (MJ Olvina-Balaguer)
-30-
Bayan ng Glan, Sarangani at 31 Barangays wala ng droga
“ In Region 12, Glan is the first Municipality to follow all the procedure and have complied with all the documents set forth by the DDB regulation in the drug- clearing operation process,” ayon kay Director General Isidro S. Lapeña ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nito lamang Hunyo 3, 2017 sa JLC Building, Glan Municipal Hall , Poblacion, Glan, Sarangani.
Nakilala ang Bayan ng Glan sa mga beach resorts at mga masasarap na pagkain. Ang drug-free status ay lalong magpapalakas ng turismo sa lugar.
Nakamit ang Drug-Free status ng 31 Barangays matapos na ang mga miyembro ng Oversight Committee na kinabibilangang ng kinatawan mula sa; PDEA, DILG, PNP, DOH at LGUs ay nagsama- sama na nagpatunay na walang mga drug supply sa lugar at gayundin na walang mga drug transit na aktibidad tulad ng walang clandestine drug laboratory, clandestine drug warehouse, clandestine chemical warehouse, marijuana cultivation site, drug den or resort, drug pusher at drug user.
Naroon din sa okasyon sina: Punong Bayan Victor James Yap ng Glan, PDEA ROXII Regional Director Gil Cesario Castro, Deputy Regional Director for Operations PRO12 P/SSupt Leonardo Suan, Deputy Provincial Director for Administration Sarangani Police Provincial Office P/Supt Amante Suriaga, Chief of Police PCI Neil Sally Wadingan at DILG Sarangani Narciso Beciera.
Alinsunod sa Seksyon 11 ng DDB regulation kung may mga pagkakataon may bagong naiulat na gawain may kaugnayan sa illegal drug, ang status ng mga cleared na barangay ay automatikong mapapalitan ng drug affected barangay.
Kaugnay ng beripikasyon ng Oversight Committee, ang mga nasabing barangay ay binibigyan ng 30 araw na pagkilos at pag sila ay nabigong ang deklarasyon ay magiging “drug-affected” at mapapabilang sa barangay drug- clearing operations. (MJ Olvina-Balaguer)
-30-
“Saging” timbog sa South Cotabato
Napasakamay ng mga awtoridad ang isang “siga-siga” sa South Cotabato na nagbenta ng shabu sa isang operatiba ng PDEA kamakailan.
Kinilala ni Director Gil Cesario Castro nang PDEA RO12 ang suspek na si alias “Saging” o si Ranie Mariveles y Celestial, 50 taong gulang, tricycle dyiber at naninirahan sa Barangay Rizal, Banga ng nasabing Lalawigan at ang ulat ay nakarating sa tanggapan ni PDEA Director General Isidro S.Lapeña nitong Hunyo 2, 2017
Nabatid na dakong 5:40 ng Hapon ng isagawa ng mga elemento ng PDEA Regional Office 12 ang kunwaring pagbili ng droga sa suspek sa pamamagitan ng isang operatiba na nagpanggap na buyer.
Nasamsam ang 0.5 gramo na may halang 2,500 pesos. Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa paglabag sa RA 9165 Section 5 ( pagbebenta ng droga)///mj olvina-balaguer