Blockchain 2020 Kick Off Summit

BLOCKCHAIN SUMMIT SISIPA NGAYONG 2020 BAHAGI NG FIRe AT IoT

PINAGTATAKHAN ng mga tao ngayon ang mga kaganapan sa agham, teknolohiya at inobasyon at parang walang magawa ang pamahalaan na ipaunawa sa lupunan ang mga biyaya nito.
Nuon at ngayon, karaniwang pananaw ng maraming tao sa agham, teknolohiya at inobassyon ay isang napakahirap na disiplina na lagging naibabagsak ng mga mag aaral sa paaralan.
Sa kabila ng ganitong pananaw, ang kaatotohanan ngayon ay nagiging daan ang agham, teknolohiya at inobasyon upang makamtan ng mga karaniwang tao na kagaya natin ang luwag at gaan ng buhay na dati ay tinatamasa lamang ng mga mayayaman o nakaririwasa sa buhay.
Malayo na ang inabot ng kompyuting ngayon, mula sa isang malaking bodega ng elektroniks at mekanikal na mga component, ngayon ay maari na lamang tayong mag kompyut sa isang smart phone.
Ang agham ng binary coding system ay nagbigay buhay sa mga kompyuter na ngayon ay inobasyong dala ng internet, FIRe (Fourth Industrial Revolution) o ang “Internet of Things”.
Alam kaya ng marami na may Blockchain na nuong 2000? Maaring iba lang ang imahe nuon ngunit pareho lamang ng prinsipyo, ang decentralized ledger na nanganak ng mga online payments, e-commerce, online games, cyber-security atbp.
Sa nakaraang Blockchain 2020 Kick off Summit inaabangan ang napakalawak na posibilidad sa hinaharap ng teknolohiyang ito na lubos magpapa angat sa kabuhayan ng ating mga negosyante at ng karaniwang Filipino.///Michael balaguer, +639333816694, michaelbalaguer@yahoo.co.uk with www.dzmjonline.net

 

Click below for a clearer view

Press Release Blockchain 2020 Kick-Off Summit-converted