DOH MIMAROPA gumamit ng Bloodsmear paraan para wakasan ang Malaria sa Palawan; DOH MIMAROPA pinangunahan ang Training ng mga Sumukong Adik na Ikinasa sa Romblon at PhilHealth Conducts Dengue Awareness Forum


 

Training ng mga Sumukong Adik Ikinasa sa Odiongan

Odiongan, Romblon-Sa pangunguna ng mga stakeholders gaya ng DOH MIMAROPA, PNP, LGU, DepED at iba pa ay ikinasa ang pagsasanay ng mga sumukong adik sa kapwa nila mga sumuko na ginanap sa lugar na ito.
Sinasabing nasa 140 na sumukong adik sa lalawigang ito ang binanggit ni SP01 Albert Fernandez sa panayam ng mga mamamahayag na kasama ng DOH MIMAROPA. Sa layuning mabawasan o tuluyang masugpo ang iligal na droga sa bahaging ito ng MIMAROPA region sa pamamagitan ng engagement sa mga durugista at tulak na sumuko kung saan sila rin ang gagamiting magtuturo sa mga dati nilang kasama upang pumaloob sa programa at dumaan sa pagsasanay.
Matatandaang ginanap na sa bayan na ito kamakailan ang kaparehong pagsasanay na multisektoral din na naglalayong magsanay ng mga magsasanay o “trainings of the trainers”.
Kabilang sa mga kaagapay ng DOH MIMAROPA ay ang National Center for Mental Health (NCMH) sa pangunguna ni Dr, Bernardino Vicente.
Tinanong ng mga mamamahayag sa DOH MIMAROPA kung bakit ang NCMH ang kanilang kaagapay sa nasabing aktibidad at ayon sa kanila, habang di pa alam ng mga stakeholders na iba kung ano ang kanilang gagawin at naghahanda pa, sila ang naatasang magsanay sa mga kaanak ng mga sumukong adik kung paano I overcome ang sitwasyon ng kanilang mga kaanak hanggang sa paggaling nito.///michael balaguer

Bloodsmear paraan para wakasan ang Malaria

Brooks Point, Palawan- Ayon sa ulat, ang pinakamalaking konsentrasyon ng babaeng lamok na nagdadala ng Malaria ay nasa lalawigang ito, tatlong bayan ang infested ng nasabing lamok kabilang ang bayan ng Rizal, Bataraza at ang bayan na ito.
Pinuntahan ng DOH MIMAROPA, Provincial Health Unit ng lalawigang ito ang tribung Palaw-An sa Barangay Imulnod, isang baranggay na matatagpuan sa bulubunduking bahagi ng bayan na kung babagtasin ay may walong kilometrong lakaran paakyat.
Umaabot ng 1000 kataong miyembro ng tribu ang binigyan ng libreng konsulta sa malaria sa pamamagitan ng Bloodsmear. Kapwa mga matatanda at mga bata na kabilang din sa mga itinuturing na vulnerable sector kung saan karamihan sa mga namamatay sa sakit na Malaria ay mga Bata.
Ayon kay Dr. Eduardo Janairo ng DOH MIMAROPA, nasa 17% ang itinaas ng bilang ng nagkaroon ng sakit na Malaria sa buong populasyon o mga infected sa bayan na ito.
Kabilang sa mga doctor na nakibahagi sa nasabing regular na aktibidad ay sina Dr. Faith F. Alberto ang Assistant Regional Director ng DOH MIMAROPA, Dr. Oscar L. Macam Jr., ang DOH 4B Regional Vector Born Disease Coordinator at Aileen B. Balderian ng Kilusan Ligtas Malaria Program Manager ng Palawan Provincial Health Office.
Bukod sa Libreng konsulta ay nagkaloob rin ng libreng grocery items para sa mga dumalong mga katutubo ang kagawaran ng kalusugan.
Napag alaman na nuong 10970’s kilala ang DOH Office sa bayan na ito bilang Malaria Eradication Unit Office. Namigay ng kumot, banig, kulambo na binabad sa insecticide ang mga doctor. Nagstart sa 300 hanggang 800 ang pamilyang dumalo sa nasabing aktibidad at kada buwan ay inaakyat ng Palawan Rural Health ang lugar at sabi ng mga doctor na naroon ay tila bumaba na ang bilang ng bahagya ang mga na infect.
Nangangagat ang babaeng lamok na carrier ng Malaria tuwing 8pm to 6pm at masasabing isang nocturnal insect habang ang Dengue ay 6am to 6pm nangangagat.///mary jane balaguer

———————————————————-

PhilHealth Conducts Dengue Awareness Forum

THE Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), in collaboration with Sanofi Pasteur recently conducted a dengue awareness forum for PhilHealth employees at the Head Office in Pasig City.

Dubbed “Kagat ng Lamok, Nakakatepok!,“ the forum, which aims to provide comprehensive information on dengue fever,  was attended by 30 employees from different departments in the Head Office.

In her presentationDr. Miel Penalosa, Medical Scientific Liaison of Sanofi Pasteur emphasized the importance of early diagnosis and management of the disease. She also underscored vaccination as a form of safe, effective and affordable means for dengue control specifically for ages 9-45.

Dengue is a viral infection transmitted by the bite of an infected female Aedes mosquito. There are four (4) distinct serotypes of the dengue virus, namely,  DEN 1, DEN 2, DEN 3 and DEN 4. Symptoms appear in 3–14 days after the infective bite. Dengue fever is a flu-like illness that affects infants, young children and adults.

There is no specific dengue therapeutics and prevention is currently limited to vector control measures. A dengue vaccine would therefore represent a major advance in the control of the disease.

The World Health Organization (WHO) recommended its other tools available for us and they have seen that vaccination actually helps and support in preventing the spread of dengue cases,” said Penalosa.

The forum concluded with positive feedbacks from the attendees. Sanofi Pasteur offered discounted price of dengue vaccine for PhilHealth employees. (PHILHEALTH)

Photo Captions:

slide1
 

 

 

 

 

 

Photo 1 – Penalosa  discusses the  development, diagnostic andclinical treatment of dengue.

slide2

 

 

 

 

 

 

 

Photo 2 – Dr. Lala Sabido of Accreditation Department asks whether a vial of dengue vaccine contains all protection against the symptomatic dengue disease caused by any of the four serotypes of the virus.