British government suportado ang mga Siyentistang Pinoy

 

 

Tunay nga na napakagaling ng pinoy sa lahat ng larangan, bagay na hinahangaan sa atin ng mga dayuhan kaya nga kamakailan lang ay muling ginanap ang Newton Agham na isang pagtutulungan ng British Government at ng Department of Science and Technology.
Kasama ito sa nakaraang Leaders in Innovation Program Demo na ginanap nitong September 5 sa Asian Institute of Management kung saan ibat ibang inobasyon ang ipinamalas na may malaking maidudulot na pagbabago sa buhay at kabuhayan ng Pilipino.
Mga sagot sa suliraning ginagawan ng paraang lutasin ng mga dalubhasa ang makikitang nai presenta gaya ng nakapanayam ng www.dzmjonline.net na nagkaloob ng solusyon sa suliranin ng trapiko sa kamaynilaan.
Kabilang sa mga nakapanayam ay si DOST ASec for International Cooperation Dr. Leah J. Buendia na may malaking ambag sa nagaganap na pagtutulungan ng mga dayuhang pamahalaan at akademya at ng kagawaran ng agham.///Michael n. balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@yahoo.co.uk

 

 

 

 

 

 

Filipino-British Collaboration

Solving the Traffic Problem?