DOH MIMAROPA at PCG sa WASAR Training sa PPC; DOH 4B BNS Training sa Organic Veggie Cuisine Isinagawa at LIFEGUARDS SINANAY NG PCG,DOH MIMAROPA at PPCLGU

kaligtasan sa karagatan kinakailangan
DOH MIMAROPA at PCG sa WASAR Training sa PPC

Puerto Princess City, Palawan- Layong matiyak ang kaligtasan ng mga magsu swimming sa mga leisure resorts at baybaying dagat ng bansa, pinangunahang magkatuwang ng Department of Health MIMAROPA at Philippine Coast Guard any pagsasanay as Water Safety and Rescue o WASAR.

Pangungunahan in DOH R4B Regional Director Dr Eduardo C Janairo at ng PCG ang panimula ng aktibidad na magsasanay ng mga lifeguards at magtuturo as mga into ng mga tamang pamamaraan nang pagliligtas ng buhay imaging as mga
swimming pools at resorts hanggang as beach o open sea.

Katulad ng SOLAS o safety on land and sea na bahagi ng curricula na itinuturo as ating mga marino, halos di nagkakalayo ang prinsipyo pang kaligtasan na isinasagawa kaakibat ang ilang mga life saving protocols na alam ng mga rescuers.

matagal ng isinasagawa ang WASAR ng DOH MIMAROPA at PCG ngunit ngayon ang kanilang tuturuan at mga operator ng bangka.
Malaki ang papel na ginagampanan ng mga lifeguards at boat operators as kasiglahan ng turismo as bansang gaya natin na maritime nation.///Michael balaguer
-30-

Exif_JPEG_420

DOH MIMAROPA’S BNS TRAINING SA ORGANIC VEGGIE CUISINE

Dahil mas Healthy ang Organiko at Di-nilutong Gulay at Prutas
DOH 4B BNS TRAINING SA ORGANIC VEGGIE CUISINE ISINAGAWA

Calapan, Oriental Mindoro-DAHILAN sa katotohanang mas mabuti sa kalusugan ang pagkain ng gulay at prutas na naturally grown at hindi idinaan sa apoy isinagawa ng Department of Health Region 4B (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) kung saan isang trained na chef at dalubhasa sa organic at raw food cuisine ang inimbitahan upang I-train ang mga trainors na Barangay Nutrition Scholars.
Tatlumput anim na mga kababaihan ang sinanay upang matutong magluto at maghanda ng mga pagkain, magkahalong prutas at gulay na hindi ipinadaan sa apoy o niluto gayundin gumawa sila ng ibat ibang putahe na sa karaniwan ay ginagamitan ng karne.
Go organic o veggie ang pinagsamang putahe na naglalaman ng mga prutas at gulay na karaniwan ding inihahain sa ating mga lamesa pero may mga twist gaya ng maki na sa halip malagkit na bigas ang ginagamit ay giniling na singkamas.
Ang programa ay sa pangunguna ng DOH MIMAROPA Regional Director Eduardo C. Janairo na naniniwalang mahalaga ang papel ng tamang nutrisyon at pagkain ng gulay at prutas upang maiwasan ang karamdaman. Matatandaang siya rin ang nag spearhead ng indian based medical treatment na ayurveda kung saan ginamit nila ito para I rehab ang mga drug dependents sa MIMAROPA region.
Ang Ayurveda ay indian method of treatment at isang well known fact na ang vegetarianism at pagkain ng raw and organic ay bahagi ng eastern medicine method na ginagamit ng mga indian sa kabila ng may mga ilang sekta rin ng relihiyon gaya ng seventh day adventist na nagpa praktis ng vegetarianism o pagiging Vegan.///Michael Balaguer

-30-

LIFEGUARDS SINANAY NG PCG,DOH MIMAROPA at PPCLGU

Puerto Princesa City,  Palawan- Limang araw na sasanayin ng Philippine Coast Guard (PCG) Palawan District, Department of Health (DOH)  MIMAROPA  (R4B) sa pakikipagtulungan ng LGU nang lungsod na ito ang humigit kumulang 33 lifeguards ng ibat-ibang resorts sa Palawan.
Layunin ng TRAINING FOR WATER SEARCH AND RESCUE FOR LIFEGUARDS  na maging bihasa ang mga tagapagligtas ng buhay sa mga resorts at hotels pati mga bangkero at tsuper ng serbis van upang sakaling magkaroon ng aksidente sa tubig ay agad na maiiwasan ang casualty.
Bilang regular na aktibidad ng magkakatuwang ng PCG PD, DOH MIMAROPA at PPC LGU inaasahan na ang mga makakapasa sa pagsasanay ay magiging epektibo at magaling na lifeguard.
Kabilang sa mga magsilbing punong abala sa nasabing pagsasanay na kapwa ginanap sa PCG headquarters at Libis Bayview Hotel April 24 to 28 ay sina DOH MIMAROPA Regional Director Dr. Eduardo C. Janairo, PCG Palawan District Commander COMMO Joselito F. Dela Cruz PCG at PPC Mayor Luis M Marcaida III
“Okay po, good opportunity para sa amin” ayon kay Jeshaina Kimberly S Felipe, participant at ‘ try ko lang sakaling makapasa sa training” –  Carlo C Flores, mula sa Bacungan Sitio Nagtabon Beach Bgy Bacungan PPC. Walang bayad ang pagsasanay at ang hotel, sa mga trainee.///michael balaguer