DOST-MIRDC at Pulilan LGU nagkaisa sa Pinawa; Pinag ibayong pananggalang laban sa baha inilunsad ng PAGASA DOST at Industriya ng Pag a Asin bubuhayin ng DOST MIMAROPA


DOST-MIRDC at Pulilan LGU nagkaisa sa Pinawa;
PULILAN, BULACAN- SCIENCE for the people o layuning ibaba sa mga rehiyon ang biyaya ng agham, teknolohiya at inobasyon. Ito ang dahilan sa likod ng isang produktibong teknolohiyang inilunsad ng Department of Science and Technology- Metals Industry Research and Development Center (DOST-MIRDC) katuwang ang Local Government Unit nang bayan na ito ukol sa pagpapatagal ng shelf life ng Pinawa (brown rice).
“Noong bata pa ako, ang mga kumakain lang ng pinawa ay mga simpleng tao pero ngayon ang mga kumakain na ng pinawa ay mga may kaya sa buhay” bahagi ng mensahe ni DOST Sec. Fortunato T. dele Peña sa paglulunsad ng “Continuous-type Super heated Steam Treatment System (SSTS) for Stabilized Brown Rice”, teknolohiyang naglalayong pahabain ang buhay ng pinawa o brown rice na bunga ng pagtutulungan ng MRIDC sa pangunguna ni Executive Director Engr. Robert O. Dizon at ni Pulilan Mayor Maritz Ochoa-Montejo.
Matatandaang isa rin sa mga isinusulong na teknolohiya nang dating kalihim ng DOST Sec. Mario G. Montejo ang pagpapahaba ng shelf life ng brown rice kung kaya masasabing isa itong katuparan sa proyektong kanyang nasimulan at siyang ipinagpatuloy ng kasalukuyang pamunuan nang kagawaran ng agham. Batay sa binanggit ni Sec. Dele Peña, mura ang halaga nuon ng brown rice ngunit ngayon ay mataas na ang presyo dahil sa maiksi ang shelf life.
Nabatid na kauna unahan sa bansa na tanging sa bayan lamang ng Pulilan may roon nitong Continuous-type Super heated Steam Treatment System (SSTS) for Stabilized Brown Rice. Ayon kay DOST Region 3 Executive Director Julius Ceasear Sicat, nais niyang maging sentro ng pagsasaka ang bayan ng Pulilan.
Kabilang sa mga nakibahagi ay sina Engr. Fred Liza ng MIRDC, Bulacan DOST Provincial Director Angie Parungao at Mr. Alex palomo ng FNRI.///Michael N. Balaguer

-30-
Industriya ng Pag a Asin bubuhayin ng DOST MIMAROPA

Calapan, Oriental Mindoro-NAUUBOS na ang mga asinan sa ating mga coastal areas at sa pagdaan ng panahon ay kinakain na rin ng urbanisasyon at nang patuloy na pagbabago ng klima.
Sa nakaraang pagbisita nang kalihim ng kagawaran ng agham at teknolohiya sa lalawigang ito kasama ang Department of science and Technology- Mindoro Marinduque romblon at palawan (MIMAROPA)o region 4B layunin nilang maging kaagapay ang agham at teknolohiya sa tradisyunal na pagpo proseso at pag gawa ng asin.
Nabatid na ang mga dating asinan sa mainland Luzon ay nahihirapan sa produksyon lalo kung umaasa lamang sila sa sikat ng araw. Sa paglapat ng teknolohiya buhat sa mga dayuhang imbestor na tutulong sa mga mag aasin ng Mindoro kaagapay ang DOST MIMAROPA sa pangunguna ng kanilang Executive Director Dr. Josephine Abilay kasama si DOST Sec. Fortunato T. dela Peña upang tiyaking ang teknolohiyang ilalapat ay makakatulong sa kabuhayan ng mga mamamayan ayon sa atas ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ibaba sa rehiyon ang programa ng gobyerno.
Bukod sa asin na isang mahalagang commodity na gamit na sangkap sa pagkain atbp may iba pang mga programa ang DOST sa mga rehiyon sa bahagi ng agrikultura, medisina, industriya
disaster risk reduction and management.///Michael N. Balaguer

-30-
Pinag ibayong pananggalang laban sa baha inilunsad ng PAGASA DOST

San Mateo, Rizal-SA layuning mabawasan ang casualties sa mga pagbaha likha ng mabilis na pagbabago ng klima inilunsad ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ng Department of Science and Technology (DOST-PAGASA) ang project launch ng Automation of Flood Early Warning System for Disaster Mitigation In Metro Manila.
Maraming lugar sa National Capital Region (Metro Manila) ang madalas bahain at may mga ilang lugar lalo ang Caloocan, Malabon, Navotas and valenzuela (CAMANAVA) at ilang bahagi ng lungsod ng Maynila, Quezon at Marikina ang nakararanas ng karaniwang pagtaas ng tubig kahit sa mahinang patak ng ulan lamang. Layunin ng proyekto sa pamamagitan ng tamang teknolohiya na maagapan ang ang biglaang pagtaas ng tubig at mabigyan na ng babala maaga pa lamang ang mga apektadong lugar nang sa gayon ay mabawasan kung di tuluyang maiwasan ang casualty sa mga insidente ng pagbaha.
Kabilang sa mga opisyales na dumalo sa nasabing paglulunsad ay si DOST Sec. Fortunato T. dela Peña at si DOST -PAGASA Administrator Dr. Vicente Malano kabalikat ang mga dayuang eksperto na nakipagtulungan sa kagawaran ng agham tungkol sa nasabing pag aaral.///Michael N. Balaguer