DOT –I Academy Ink Deal Inilunsad

 

 

Napakaganda ng Pilipinas pero hindi makikita ito ng marami hanggang hindi isinusulong mismo ng gobyerno ang mga programang magpapamalas sa tao ng kagandahan n gating nag iisang bansa.
Ito ang pangunahing layunin sa pakikipagtulungan ng Department of Tourism at ng paaralang iAcademy sa kanilang ginawang kolaborasyon para sa turoismo kamakailan gamit ang makabagong teknolohiya ng augmented reality.
Mismong si Tourism Secretary Bernadeth Romulo Puyat pa ang lumagda ng sa isang Memorandum of Understanding kasama ang iAcademy head Raquel Wong na ginanap sa kanilang Nexus campus sa Makati.
Sa kanilang teknolohiyang inilunsad likha ng kanilang mga professor at mag aaral, sa tuwing itatapat at i-scan ng ating mga mobile phones ang kahit na anong logo ng Department of Tourism ay lalabas ang video o larawan ng mga tourism spots sa bansa at ang mga larawang ipinakita sa kanilang initial videos ay mga lugar na hindi pa masyadong kilala at ipo-promote pa lamang.
Nakatakdang isa publiko ang fully operational na app upang makatulong ng malaki sa kampanya ng gobyerno na I promote ang mga tourism spots kapwa sa local at dayuhang mga turista.///Michael n. balaguer, +639333816694, michaelbalaguer@yahoo.co.uk

iACADEMY and DOT for Tourism