DOTR bubuhayin ang PNR lines mula Maynila hanggang Clark; limang estasyon ng PNR sa norte minarkahan ng DOTR at tren mula Maynila hanggang Clark babawas ng 55 minutong travel time

 

 

DOTR BUBUHAYIN ANG PNR LINES MULA MAYNILA HANGGANG CLARK

Marilao, Bulacan-minarkahan ng Department of Transportation sa pangunguna mismo ni Secretary Arthur P. Tugade ang unang limang estasyon ng ibabalik na linya ng Philippine National Railways sa norte na nagsimula sa tapan ng isang kilalang Mall sa bayan na ito.

Kasama ng kalihim ang Punong Lalawigan ng Bulacan na si Governor Wilhelmino M. Sy-Alvarado, ang Punong bayan sa bayang ito na si Mayor Tito Santiago, mga kongresistang sina 4th District Representative Linabelle Ruth Villarica at mag amang kongresistang sina dating 2nd District Representative Pedro M. Pancho at anak na kasalukuyang 2nd District Representative Gavini Pancho kasama ang may ari ng MULTIVITE Feeds na si Mr. Ruben Mercado.

Pagkatapos nang pagmarka sa eksaktong lugar na dati’y kinatatayuan ng terminal ng PNR ay nagtungo ang DOTR sa susunod na istasyon sa Lungsod ng Meycauayan kung saan naroon ang Punong Lungsod na si Mayor Henry Villarica at ang president and Chief executive Officer ng Bases Conversion and Development Authority Vivencio B. Dizon. Ang terminal ng PNR ay nasa tapat ng St. Mary’s College sa kahabaan ng Mc Arthur Highway gaya ng sa bayan na ito.

Pagkaraan ng pagmamarka sa bayang ito at sa Meycauayan ay tumuloy ang DOTR sa Valenzuela kung saan naroon naman sina Mayor Rex Gatchalian at ang kanyang kapatid na kongresista sa unang distrito ng valenzuela na si wes Gatchalian at nagsalita rin sa nasabing pagma marka si Department of Budget and management Secretary Benjamin Diokno.

Ang istasyon ng PNR sa Valenzuela ay matatagpuan malapit sa NFA bahagi ng Malanday.

Kasunod na tinungo ng DOTR ay ang lungsod ng Caloocan sa bahagi ng sangandaan kung saan naroon si 2nd district Representative Edgar Erice at Caloocan Mayor Oscar Malapitan kung saan ang nagsalita naman at kasama rin nila ay si National Economic and Development Authority Secretary Ernesto M. Pernia.

Pagkaraan na mamarkahan ang apat na mga istasyon ng tren mula Bulacan ay dumating na sa lungsod ng maynila ang DITR kung saan naroon naman sina 2nd District Representative Carlo V. Lopez, ang Chairman ng Philippine National Railways na si Ret. Gen. Roberto T. Lastimoso, HE Kazuhide Ishikawa, Ambassador Designate  of Japan to the Republic of the Philippines.

Dahil malaking bahagi ang gagampanan ng tren sa pagsasaayos ng trapiko sa Kamaynilaan ay naroon rin ang Metro Manila Development Authority Chairman Gen. Danilo Lim, at ang Kalihim ng Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar.

Tunay na mahalaga ang pagbuhay muli ng linya ng tren sa bansa sa kabila ng umaandar naman ang linyang pa timog mula Tutuban hanggang Alabang, at mayroon namang mga MRT3, LRT1 and LRT2 mahalagang buhayin ang linya ng PNR sa hilaga at ngayon nga ay mula Tutuban hanggang malolos at mula malolos hanggang Clark ang gagawin sa programang “Build, Build Build” ng gobyerno kaagapay ang japan International Cooperation Agency o JICA.///Michael N. Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@yahoo.co.uk

-30-

LIMANG ISTASYON NG PNR SA NORTE MINARKAHAN NG DOTR

Meycauayan, Bulacan- Minarkahan ng Department of Transportation ang unang limang istasyon ng PNR na babagtas sa norte ikalawang pinuntahan ay ang istasyon sa lungsod na ito kung saan maituturing na bahagi na ng heritage conservation ng lungsod ang luma niyang istruktura.

Sariwa pa raw sa gunita ng kasalukuyang Mayor ng lungsod Henry Villarica ang pagsundo niya sa kanyang asawa na si 4th District Representative Linabelle Ruth Villarica nuon nang buhay pa ang linya ng tren na dumaraan sa kanilang lungsod. Wika niya, nagtatrabaho ang kanyang asawa sa Makati at sumasakay ito ng tren pauwi ng Meycauayan.

17 stations lahat ang dapat itayo mula Maynila hanggang Clark at sinasabing makapagbebenepisyo dito ang 350,000 pasahero sa unang taon ng operasyon.

 Bukod sa unang lima (Marilao, Meycauayan, Valenzuela, Caloocan at Maynila)  12 pang istasyon ang nakatakdang itayo o buhayin gaya ng Solis, Bocaue, Balagtas, Guiguinto, Malolos, Calumpit, Apalit, San Fernando, Angeles, Clark, Clark International Airport at ang proposed New Clark City sa Pampanga.

Sinasabing malaki ang maibabawas ng proyekto sa bulto ng trapik sa kamaynilaan lalo sa mga pasaherong galing ng Gitnang Luzon na nagtatrabaho sa Kamaynilaan at pabalik.

255 Billion ang halaga ng buong proyekto buhat sa Official Development Assistance ng Japan.

Sa buong linya ay bibiyahe ang 13 tren na may 8 bagon kada isa at may bilis na 120 Km per hour.///Michael N. Balaguer, 09333816694 michaelbalaguer@yahoo.co.uk

 -30-

TREN NA MANILA-CLARK BABAWASAN ANG TRAVEL TIME NG 55 MIN

CALOOCAN CITY, Pilipinas-sinasabing mahahati sa kalahati ang dati ay dalawang oras na byahe mula Clark hanggang maynila kapag nag operate na ang tren.

Layunin din nitong mabawasan ang mga sasakyang naglalabas masok sa Kamaynilaan at nagiging sanhi ng matinding trapiko sa mga malalaking lansangan pati ang EDSA.

Ayon kay DOTR Secretary Arthur Tugade inaasahan nilang sa buong termino ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte lahat ng mga proyektong pang imprastruktura ay matupad at maitala sa kasaysayang maging “golden age of Philippine Infrastructure” ang pamumuno o termino ng Pangulo.

Isa sa 61 infra projects ang tungkol sa TREN ng PNR north lines at target na makumpleto sa taong 2020. kabilang sa mga nakalinyang proyekto ng tren ay ang south lines, Manila-Los Banos- hanggang Bicol na aabot hanggang Mindanao, MRT 7, LRT 2 East Extension at LRT 1 Cavite Extension na kasalukuyang ginagawa.///Michael N. Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@yahoo.co.uk