FIBER GLASS BOAT DAPAT SA LUSOK CAVE
BAGO pormal na simulana ang pagbubukas ng Regional Science and Technology Week sa Cordillera Administrative Region na ginawa sa bayan ng Apayao, naimbitahan munang puntahan nang Kalihim ng Agham at Teknolohiya, Prof. Fortunato T dela Pena ang ipinagmamalaki ng Luna, Apayao na Lusok Cave.
Galing nang Tuguegarao airport ang Kalihim upang dumalo sa isang linggong aktibidad na ang pangunahing layunin ay ibaba sa mga rehiyon ang mga programa sa ahgam at teknolohiya ng gobyerno at upang lumawak na rin ang kaalaman ng mga kabataan sa pagkakaroon n gating bansa ng isang lagawaran na may mandato na paunlarin ang agham at teknolohiya pati mga inobasyon sa bansa.
Pinuntahan ng Kalihim ang Lusok Cave, isa sa dalawang tourism spot na ipinagmamalaki ng Apayao, hindi kaagad natutunton ang bunganga ng kuweba dahil sasakay pa ng Bangka papasok hanggang marating ang dulo at iikot pabalik.
Kapansin pansin ang kalumaan ng Bangka, isang single hull na gawa sa kahoy na sabi n gaming tour guide/ bangkero ay may kapasidad na 30 katao, malamang kung puro payat at magaan ay possible ito ngunit sa mga katamtamang sukat ay nag iimbita ito ng disgrasya at kalamidad.
Pito kaming sumakay sa unang Bangka at nakita nina Sec. dela Pena ang natatagong ganda ng lugar batay na rin sa suhestiyon ng ibang nakasakay para sa seguridad at kagaanan ng mga mamamasyal sa nasabing pook eco turismo, mungkahi nilang matulungan sana ng DOST ang pamunuan ng nasabing pasyalan particular ang bayan ng Luna na nakasasakop dito.
Ayon sa kalihim, makikipagtulungan siya sa Department of Tourism, at sa DOST CAR pati sa LGU upang mapakinabangan at mapaganda pa lalo ang nasabing pook pasyalan.///Michael balaguer, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net 09333816694