Maynila- malaking Bagay ang ginagampanan ng ating mga imbentor upang iugit ang hinaharap ng bansa. Nakasalalay sa kanilang mga likha ang susnod na mga teknolohiya at kung paano mapapagaan ang mga trabaho at gawaing kinakailangan upang sumulong ang bansa.
Bunsod nito ay ipinakita ng kasalukuyang pamahalaan ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pamamagitan ng kanyang Kalihim ng Agham at Teknolohiya Prof Fortunato T. dela Peña ang suporta ng buong kagawaran sa mga imbentor na Pilipino sa pagdiriwang nito ng kanilang 73 taong pagkaka tatag.
Dinaluhan ni DOST USec Carol Yorobe ang nasabing aktibidad na ginanap sa Manila Hotel kung saan nag perform din ng isang awitin ang Pangulo nang nasabing hotel na si dating Senador at Laguna Governor Atty. Joey Lina kasama ang mga opisyales ng samahan na sina Dr. Benjamin Santos, National President at si Inventor Guillermo M. Chua na kanilang National Chairman of the Board.
Ang tanggapan ng samahan ay matatagpuan sa gusali ng Technology Applications and Promotion Institute (TAPI) sa DOST compound sa Bicutan na siya namang ahensyang pinangasiwaan ni Kalihim dela Peña bilang Director bago ito iangat bilang Undersecretary at ngayon nga ay Secretary.
Ilang bantog na imbentor din ang nakadaupampalad ng mga mamamahayag sa nasabing aktibidad gaya nina Engr. Roland Taleon, Ms. Fely Guy Ong, Mr. Ernesto Labuntog, Flor Ursua ng Kingflute Philippines at Jaime j. Mendoza Jr.
Kabilang sa mga isinusulong ng grupo ay ang karagdagang insentibo sa buwis, mga karapatan sa patent at pagaaral sa epektibong pagnenegosyo. Bukod sa kikilala ang samahan ng DOST sa kabila nang may iba pang paksyon ng mga imbentor nananalig ang mga miyembro at opisyales ng samahan na magiging matatag sila at patuloy na isusulong ang pag unlad ng bansa sa pamamagitan ng agham, teknolohiya at inobasyon.///michael balaguer
Makati–Nakibahagi naman sa isang masiglang pagpapakalat nang mahalagang impormasyong maka agham ang sangay ng kagawaran ng agham at teknolohiya sa National Capital Region.
Bumisita ang DOST NCR sa stidios ng DZRJ 810 Khz AM sa programang Yesterday today and Tomorrow ng nasirang Jun Obrero na ngayon ay hinahawakan ng Broadcaster na si Jane “MJ” Olvina-Balaguer upang sabay na magsulong ng panawagan para sa food safety at mag promote na rin ng isang entreprenyur na kanilang natulungan sa food business nito.
Ang mga produktong suka o vinegar condiments ng kumpanyang Kitchen Witchery ni Winfred Tan na isang taga Caloocan ang isinama ng DOST NCR sa DZRJ upang bukod sa mag promote ng kanyang samut saring produkto na kakikitaan ng pagiging maka Filipino ay isa ring maituturing na produktong maipagmamalaki ang lasa.
Bukod kay Ginoong Tan ay kabilang rin si Ms. Pinky Marcelo at ang DOST NCR sa pangunguna ng katatalaga pa lamang na Officer in charge nitong si Engr. Edgar Garcia na siya ring Director ng TAPI, matatandaang kare retiro lang ng Director ng DOST NCR na si Dr. Teresita Fortuna kamakailan kaya wala pang naitatalagang permanenteng Director ang ahensya. Kasama rin si Engr. Rogelio Prospero ang Head ng DOST NCR Safety team.///Michael Balaguer
Calatagan-Sa bahaging ito nang lalawigan ng Batangas ginanap ang 53 Fish Conservation Week ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, isang sangay na nangangalaga sa pangisdaan na bahagi ng kagawaran ng Agrikultura.
Mahalagang papel ang ginagampanan ng pangisdaan sa ating kasiguruhan sa pagkain at kung patuloy na nababalahura ang kalagayan ng ating mga pinag iisdaang lugar sa bansa o kaya ay kulang ang kagamitan ng ating mga mangingisda ay patuloy silang maihahanay sa mga mahihirap na populasyon ng Pilipinas sa kabila nang kabalintunaang sila ay kabilang sa mga nagpapakain sa atin.
Inaasahang darating sa nasabing aktibidad si Kalihim Emmanuel Piñol ng Kagawaran ng Agrikultura upang maghayag ng mga panukala at programa ng pamahalaan ngunit hindi siya nakadalo sapagkat kasama siya ng Pangulo sa China at sa halip ay si BFAR National Director Eduardo B. Gongona ang kumatawan sa kalihim at sumagot sa mga hinaing ng mga dumalong mangingisda at pamahalaang lokal ng katimugang katagalugan.
Namigay ng mga bangkang gawa sa fiber glass ang kagawaran pati ng mga mesa na gawa sa stainless sa mga mangingisda na nakibahagi sa nasabing aktibidad buhat sa mgalalawigan ng Quezon, Laguna, Rizat, Batan gas at Metro Manila sa pangunguna ng Paranaque.
Si Calatagan Mayor Oliver Palacio kasama ang representante ni Batangas Governor Herminando Mandanas ang nakibahagi sa nasabing mahalagang aktibidad pati ang aktres na si Andrea Del Rosario na Bise Alkalde ng nasabing munisipalidad.///Michael Balaguer