FIS AT 75 SA SM SKY DOME INOBASYON PARA SA MALAPIT NA HINAHARAP

FIS AT 75 SA SM SKY DOME INOBASYON PARA SA MALAPIT NA HINAHARAP

PANGANGAILANGAN ang ina ng lahat ng mga imbensyon, yan ay isang kasabihang subok na ng panahon kung kaya ito rin sigurado ang dahilan ng ating mga imbentor kung bakit nakakalikha sila ng kanilang mga imbensyon na tunay nga na mga solusyon sa problema ng bayan.

Sa ika 75 anibersaryo ng Filipino Inventor Society (FIS) ngayong kasagsagan ng National Inventors Week ginaganap ang kanilang selebrasyon sa SM City Sky Dome na matatagpuan sa SM North EDSA.
Ibat ibang mga imbensyon mula sa simpleng gamit sa pagluluto, pamamalantsa, antenna para sa malinaw na reception ng telebisyon, gamit upang maging malinis ang takbo ng sasakyan hanggang sa mga gamot na lunas sa mga karamdaman at gamit pampagandang mga sabon hanggang sa kumplikadong chain puzzle ang nilalaman ng mga booth ng bawat pinoy imbentor na nakibahagi.
Pinangunahan ng Technology applications and Promotion Institute (TAPI) ni Engr. Edgar Garcia dinaluhan ito mismo ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato de la Pena, Chairman ng FIS Dr. Benjamin Santos, Inventor George De Guzman at Inventor Jesus Alburo tunay na naging tagumpay ang pagbubukas sa una sa limang araw na okasyong itinatadhana ng batas.
Dumalo rin si dating Presidential Spokesperson Harry Roque na pinuri ang mga imbentor at sinabing sila ay tunay na mga bayani sapagkat sila ang masasabing lumilikha ng ating hinaharap, ang kanilang mga inobasyon partikular ang may kinalaman sa internet at information technology ang susi sa progresibong Pilipinas.
Tatakbo ang National Inventors Week 2018 mula Ika 15 ng Nobyembre hanggang 21.///Michael Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@yahoo.co.uk