INAGURASYON NG NML ITDI MASS STANDARDS LABORATORY

 

 

PINASINAYAAN ng Industrial Technology Development Institute o ITDI ang kanilang Mass Standards bahagi ng kanilang National Metrology Laboratory nitong May 20, 2019 sa DOST Bicutan, Taguig.
Nagbigay ng pambungad na pananalita si Dr. Annabelle V. Briones and director ng ITDI ukol sa kahalagahan ng pinasinayaang laboratory pagkaraan ay nagkaloob naman ng mga mensahe sina Dr. Rowena Cristina L. Guevara na Undersecretary for Research and Development at Dr. Carol M. Yorobe na Undersecretary for Scientific and Technical Services ng DOST.
Pinangunahan ni DOST Secretary Fortunato T. de la Peῆa na nagsilbing keynote speaker ang ribbon cutting kasama sina Mr. Katsuhide Takimoto na Pangulo ng Shimadzu Philippines Manufacturing incorporated na nagrepresenta sa industriya kasama sina Dr. Diana L. Ignacio at Ms. Aurora V. Kimura.
Mahalagang papel ang ginagampanan ng tama at siguradong timbang sa ating lipunan, industriya at negosyo. Maaring ika angat, ikabagsak o ikalugi ng industriya ang labis o sobrang timbang at makikita ang payak na halimbawa nito sa ating mga pamilihang bayan.
Sa ginawang pagpapasinaya ng ITDI sa MSL mas higit ang posibilidad na makatulong sa malaking bahagi ng industriya ang kagawaran ng agham tuloy sa pag asenso ng bayan.///Michael Balaguer, +639333816694, konekted@diaryongtagalog.net

CLICK THE NEXT ARTICLE

Importance of weight and measure