PASAY CITY, PILIPINAS- HINDI dapat maging hadlang ang pandaigdigang pagbabago ng klima para sa binabalak na industriyalisasyon ng bansa ayon sa isang dalubhasang Filipino buhat sa NASA.
Ito ang humigit kumulang bahagi ng sagot sa itinanong ng www.diaryongtagalog.net sa bagong talagang Corresponding Member ng National Academy of Science and Technology (NAST) na si Dr. Josefino C. Comiso pagkaraan ng kanyang lektyur na may titulong “ Global Climate Change Signals as Observed from Space” na ginanap pagkaraan ng kanyang “investiture” bilang Elected Corresponding Member kamakalawa sa isang hotel sa lungsod na ito.
Si Dr. Comiso ay isang Senior Research Scientist sa Cryosheric Sciences Laboratory ng Goddart Space Flight Center ng National Aeronautics and Space Administration sa Estados Unidos ng Amerika.
Batay sa kanyang pagpapaliwanag buhat sa kanyang presentasyon lumalabas na ang pandaigdigang pagbabago ng klima ay dulot ng mga aktibidad ng tao mundo kaya sa tanong ng pahayagan kung totoo ito ay marapat bang kalimutan na ng mga bansang gaya ng Pilipinas na nasa 3rd world ang pangarap nitong industriyalisasyon.
wika ng siyentista, hindi kailangang maging dahilan ang pandaigdigang pagbabago ng klima upang iangat ang kabuhayan ng bansang gaya ng Pilipinas, una dahil hindi naman ang bansa kabilang sa sinasabing mga major players bagkus maliit na bahagi lamang ang kontribusyon ng bansa sa greenhouse effect na nag papainit sa mundo, mas maigi ummanong isaayos ang mga imprastruktura sa enerhiya at maghanap ng mga alternatibong pagkukunan at tumutok sa mga pagsasaliksik sa Solar, wind Geothermal Energies atbp di kaya ay paghandaan ang mga paraan pang adaptation at mitigation.
Kabilang sa mga taga Department of Science and technology na dumalo sa nasabing aktibidad ay sina Dr. Carol M. Yorobe, Undersecretary for Scientific and Technological Services ng DOST na binasa ang mensahe ni DOST Sec. Prof. Fortnato T. del Peña, Academician Fabian M. Dayrit, Acting NAST President at Academician Jaime C. Montoya, ang Chair ng Medical Sciences Division.///Michael n. Balaguer
RESIDENTE SA COASTAL AREAS LUMIPAT SA MATAAS NA LUGAR-NAST
PAGLIPAT sa mataas na lugar ang isa sa mga suhestiyon ng bagong halal na Corresponding Member ng National Academy of Science and Technology na taga NASA pagkaraan ng investiture nito kamakalawa sa isang hotel sa Pasay City.
Ayon kay Dr. Josefino C. Comiso, Senior Research Scientist sa Cryosheric Sciences Laboratory ng Goddart Space Flight Center ng National Aeronautics and Space Administration sa Estados Unidos ng Amerika pagkaraan ng kanyang lektyur na may titulong “ Global Climate Change Signals as Observed from Space” naitala ang bansa na may 10 pinakamalaking konsentrasyon ng mga tao na naninirahan sa mga baybaying dagat at sa sitwasyong ito upang maiwasan ang disgrasya at sakuna lalo ang pagkawala ng buhay sa mga panahon ng pagtaas ng tubig likha ng pandaigdigang pagbabago ng klima marapat na una ay lumipat sa mga matataas na lugar.
Ikalawa ay marapat na bisitahin ang mga plano upang isaayos ang pagso sona ng mga pook tirahan gaya ng residensyal, industriya, agro industriyal atbp upang sa mga panahon ng pagtaas ng tubig ay wala gaanong maging casualty ang pagbaha. Sa ibayong dagat wika niya gaya ng bansang Netherlands, pina igting nila ang paggawa ng mga dike at ang masusing pagpa plano ng mga gagawa pa lamang ng istruktura at imprastruktura sa mga lungsod ,bayan at rehiyon.///mary Jane Olvina-Balaguer