Jose Patalinjug III bagong RD ng DOST NCR; Industriya ng Sapatusan Bubuhayin ng DOST NCR at Mga Esterong Patay iri revive ng DOST NCR & DENR EMB

 

Jose Patalinjug III bagong RD ng DOST NCR

 Quezon City, Pilipinas- Hindi na bago sa Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) ang na appoint na Regional director kamakailan.

Nitong March 7, 2017itinalaga ni DOST Secretary Prof. Fortunato T. dela Peña ang dating Assistant Regional Director ni Dr. Teresita Fortuna ng DOST NCR na si Mr. Jose B. Patalinjug III.

Batay sa kanyang pangunang pananalita sa inorganisa nilang pulong balitaan sa lungsod na ito, sinabi niyang ang mga nakaraang accomplishments ng ahensya ay dahil sa mga pinaghirapan at pagpupunyagi ni Dr. Fortuna.

Bilang dating boss niya ay kanyang ipagpapatuloy ang mga nasimulan ng dating RD at kabilang sa mga nakalinyang bagong programa sa kanyang pamumuno ay ang pinaplanong pagbuhay sa industriya ng sapatusan sa Marikina, Therapeutic hand Loom program para sa mga may kapansanan at ang pakikipagtulungan sa mga imbentor na naging entreprenyur kabilang rin ang pakikipagtulungan sa Department of Trade and industry (DTI) at sa Environmental Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (EMB DENR) para buhaying ang mga patay na estero bilang nakikitang solusyon sa suliranin ng pagbaha sa Kalakhang Maynila.///Michael N. Balaguer

-30-

Industriya ng Sapatusan Bubuhayin ng DOST NCR

 Marikina City, Pilipinas-Tinanggihan na ng China ang pag mass producd ng sapatos kaya ito ay isang mabuting balita para sa industriya ng sapatusan dito sa bansa.

Ito ang bahagi ng pangunang pananalita ng bagong DOST NCR RD Jose Patalinjug III sa pulong balitaan nila sa lungsod Quezon.

Sa pakikipagtulungan ng Marikina City LGU, Marikina Shoe Industry Development Office, Philippine Footware Federation, DTI NCR, Footware Academy at ng Technical education and Skills Development Authority (TESDA).

Malaking industriya ang pagsasapatos at bahagi na ito ng kultura ng Marikina, isang kulturang unti unti nang naglalaho dahil ang mga small players ay nananatiling small players at ang mga malalaking players ay hindi na nagpa planong mag expand dahil sa laki ng halaga ng mga makinaryang ginagamit sa produksyon ng sapatos na karamihan ay aangkatin pa sa ibayong dagat.

Ayon kay RD Patalinjug III, kanilang isasama sa SETUP (Small Entreprise Technology Upgrading Program) ang shoe making ngunit sinabi niyang ito ay hindi nangngangahulugan na agad na mabubuhay ang industriya dahil kailangan ang pakikipagtulungan ng maraming sektor gaya ng akademya upang mabago ang mindset ng mga estudyante para mag shift sa pagiging entrepreneur. Dalawa sa kilalang Marikina made brand sa pamilihan ngayon ay Rusty Lopez at Gibi Shoes.///Michael N. Balaguer

-30-

Mga esterong Patay iri revive ng DOST NCR & DENR EMB

 Las Piñas, Pilipinas- Mag a adopt ng estero ang Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) at Environmental management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (DENR EMB).

Layunin nitong maging bahagi sa rehabilitasyon ng mga waterways sa Kamaynilaan upang mapigilan ang pagbaha kung may bagyo o malakas na ulan. Bukod dito ay upang makapag contribute rin sa turismo dahil pagagandahin ang mga baybayin ng mga estero at ilog.

Sa pakikipagtulungan naman ng Villar Foundation at ni Senator Cynthia Villar sa DOST para sa nasabing proyekto sa lungsod na ito ayon sa pulong balitaan isinagawa ng DOST NCR kamakailan ayon sa kanila, may programang pangkabuhayan sina Senator Villar para sa mga nakatira sa tabi ng mga target na estero sakaling I-evict ang mga ito sa proseso ng pag revive sa mga daluyan ng tubig.

Nagkakaroon ng on going na programa ang gobyerno ngayon tungkol sa pasig river rehabilitation at bahagyang naisasakatuparan ana ito sa katunayan ay bumibiyahe na a ng Pasig Ferry, isang pribadong kumpanya na may mga water taxi at water bus.///Michael N. Balaguer