—
Kahalagahan ng Goal settings ibinahagi sa G.A.M.E
Pasay City, PILIPINAS- Mahalaga ang magkaroon ng layunin sa lahat ng ginagawa natin sa buhay, pagbabahagi nga ng isang inspirational speaker sa kanyang talk kamakailan sa lungsod na ito sinabi niyang kung ang isang tao ay walang goals sa buhay ay gagamitin siya ng mga taong mayroong goals para tuparin ang kanila.
Ito humigit kumulang ang buod ng imbitasyon ng isang inspirational speaker at isa ring ventriloquist na si Ginoong Olan “OI” Ignacio sa ilang stakeholders at mamamahayag sa isang hotel sa lungsod na ito upang ibahagi ang itinuturo niyang “goal Setting”.
Ayon sa kanya, ang mga katangian ng mga taong nagtatagumpay sa buhay ay lahat ng mga ito ay pawang may mga kani-kanyang goals na kinakailangang isakatuparan.
Wika nito, ang Goals is a dream with a deadline. Sinabi niya na ang pagkakaiba ng goals ay it will make you excited habang ang deadline naman will make you run.
Ginawa niyang halimbawa ang mga sales people sa nasabing talakayan at binanggit na “sales begins when the client says no” meaning na hindi ganoon kadali ang magbenta. Kabilang sa mga nabanggit ni Ignacio ay ang aklat ng kilalang author na si robert Kiyosaki, ang “rich dad, poor dad” na kanyang inihalintulad sa buhay na dapat lalong magkaroon ng goal settings.
Ibinahagi niyang sa pagse set ng ating mga goal sa buhay ay kailangang ibahin natin at kontrolin natin ang ating kapaligiran gaya ng kanyang halimbawa, mula sa kanyang simpleng pinagmulan hanggang sa kasalukuyan niyang kalagayan.
Wika niya, may mga agham tungo sa pag unlad ngunit kailangan ang gabay ng Poong Maykapal kahit anong pananampalataya man nabibilang ang tao.
Upang lalong magkaroon ng mga matibay na inspirasyon para sa pagkakaroon ng mga goals o plano sa buhay kanyang ipinayong panoorin ang pelikulang “the founder” kuwento ng mga nagsimula nang international foodchain na McDonalds at ang buhay ni Col. Saunders ng KFC.
Kanyang itinuturo sa mga trainings ang proseso sa pagkakaroon ng goals at ilan dito ay ang pagkakaroon ng Drams, wish, Vision at Personal Mission habang ang nalalabing apat ay kanyang ituturo sa kanyang nalalapit na event sa SM Mega tradehall A and B.
Ang kanyang THE ART, SCIENCE OF GOAL SETTING AND GETTING, G.A.M.E. (Goal Attraction and Mind-mapping Exercises) ay gaganapin sa july 8 2017.///Michael N. Balaguer
———————————-
G.A.M.E. talk with “ Oi”
KAHANGA- HANGA ang ginawang Presentation sa isang hotel sa Pasay. Ang kilalang The Entertrainer na si Olan “Oi” Ignacio. Kaugnay sa nalalapit na G.A.M.E. o Goal, Attraction and Mind- Mapping Exercise ng life coach talk para sa darating na Hulyo 8, 2017 ganap na 1:00- 5:O0 ng Hapon sa 5 th Level B, Megatrade Hall A & B, SM Megamall.
“Goal makes us excited, but deadline put you run” ayon kay Ignacio. Ibang pamamaraan ng life coaching ang ginagawa ni “ Oi” na isa rin Ventriloquist ( o bentilokista na gumagamit ng puppet na nakalikha ng iba’t ibang boses pati ang mga tunog ng hayop ay kaya nito).
Ako muna, Bago bayan sa ingles empowering oneself, enriching others ang isa sa mga pinaniniwalaan ni Ignacio. Dapat lahat tao ay hindi sarado ang pinto sa mga forum tungkol sa buhay na matagumpay kahit may sap at na presyo pero hindo kayang matapanan ng mga insight na matutuman na ibabahagi ng Life@ Work Management Consultancy.///mj olvina-balaguer