Pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kanilang Regional Office sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (RO BARMM) ang komemorasyon sa Ika-5 taong anibersaryo ng kamatayan ng limang five Drug Enforcement Officers sa pamamagitan ng isang misa sa Immaculate Conception Cathedral, Cotabato City, na dinaluhan ng mga personnel buhat sa regional office.
Ang limang mga bayani ng PDEA na nasawi ay sina—Agent Vencio Ardepolla, Agent Laurice Joy Amar, Agent Diobel Pacinio, Agent Kenneth Capuno, at Agent Kristine Mar Torlao—sila ay napatay sa Kapai, Lanao del Sur, noong October 2018 pagkaraang dumalo sa isang anti-drug symposium para sa mga drug surrenderees mula sa municipality of Tagoloan, Lanao del Sur.
Matatandaang nuong October 2018, ginawaran ng Posthumous Award ng dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte awarded the Posthumous Award ang limang Drug Enforcement Officers sa pamamagitan ng Lapu-Lapu Rank of Kalasag Medal bilang pagkilala sa kanilang mga naging sakripisyo sa pagsugpo ng iligal na droga kung saan kinailangang nilang ibuwis ang kanilang mga buhay at ito ay ginanap sa 6th Infantry Division, KAMPILAN Division, Camp Siongco, Awang, DOS, Maguindanao.
Samantala nuong Mayo 2019, naman ang National Civil Service Commission ay nagkaloob rin ng parangal na Pamanang Linkod Bayani sa (5) nasawing PDEA agents bilang pagkilala sa mga public servant na namamatay habang tinutupad nila ang kanilang tungkulin.