Maka Agham na Paraan ng Paghabi at katutubong tela Inirampa sa Intramuros

BUBUHAYIN ang tradisyunal na paraan ng paghahabi dahil sa mga teknolohiya at inobasyon dulot ng makabagong agham.

Ito humigit kumulang ang buod ng Pamana Agham na pinangunahan ng Department of Science and Technology- Philippine Textile Research Institute, Department of Science and Technology National Capital Region, Department of Tourism, Intramuros Administration at Department of the Interior and Local Government-Bureau of Jail Management and Penology na nagkakaisa sa adhikaing buhayin at palaganapin ang pagsusuot at paghabi ng mga katutubong tela ng bansa.

Ginanap ang aktibidad na May kasamang pagrampa ng mga modelong suot ang mga nilikha ng mga fashion designers at isang painting exhibition buhat sa mga pintor na mga Person Deprived of Liberty.

Ang okasyon ay bahagi ng Philippine Creative Industry Month kung saan ang paghahabi at mga sining biswal ay kabilang at isinusulong bilang isang kumikitang kabuhayan.

kabilang sa mga nagsidalo ay sina DOST Secretary Dr Renato U Solidum Jr., Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, Intramuros Administration Administrator Atty Joan Padilla, DOST NCR Director Engr Romelyn Tresvalles, DOST USec for Regional Operations Dr Sancho Maborang at PTRI Director Dr. Julius L Leano Jr.

Ang kasuotan o damit na hinabi ay sumasalamin sa pinagmulan at kultura ng isang partikular na grupo ng tao kanilang mga gawi at tradisyon kaya nga nakikita rin dito ang pagkakakilanlan ng mga ito kaya binibigay ngayon sa creative industry sector ang oportunidad na buhayin at pasiglahin ang industriyang ito sa pamamagitan ng mga inobasyon sa teknolohiyang bunga ng makabagong agham. Isa sa mga nag sponsor sa nasabing aktibidad ay ang The Body Shop.