Maraming magsasaka ang nagkaka problema sa twing umuulan o pag sumasapit ang tag ulan sa kabila ng marami itong masasabing benepisyo sa mga pananim lalo na yaong mga umaasa lamang sa patak ng ulan kaya nga maglalatag ng mga matalinong solusyon sa mga suliranin pang agrikultural ang Philippine Council for Agriculture Aquatic and natural Resources Research and Development ng Department of Science and Technology (PCAARRD DOST) upang maibsan ang nasabing mga hamon lalo ngayon panahon ng tag ulan at La Nina.
Sa temang “Matatag-Ulan: Smart Agri Solutions During La Nina and Rainy Seasons” ilalahad ng mga mananaliksik sa harapan ng mga mamamahayag sa pamamagitan ng kanilang Technology to People (T2P) media conference ang mga inobasyon buhat sa mga R&D partners ng council na tiyak na makatutulong ng mal;aki upang mabigyang solusyon ang mga kinakaharap na hamon ng mga stakeholders ng agrikultura sa twing dumarating ang tag ulan sa bansa.
Nagbigay ng kanyang pambungad na mensahe ang direktor ng Applied Communications Division ng PCAARRD na si Dir Marita Carlos na sinundan ng mga Forecasts about the current La Nina Phenomena and the rainy season na inihatid ni Ms Joanne Mae Adelino mula sa DOST PAGASA kasunod ay ang proyektong Tower Garden technology mula sa Central Luzon State university sa pangunguna ng kanilang Project Leader na si Dr Marmin M Cinence;
Ang Community-Level SARAI Enhanced Agricultural Monitoring System (CL-SEAMS) and dissemination of Crop Advisories at ang SARAI Pest Identification Technology (SPIDTECH) ni Prof Moises A Dorado SARAI University of the Philippines Los Banos, ipinakilala rin ang Hybrid Solar Powered Dehydrator Machine ni Dr Rinerio S Mucas ang project leader ng proyekto mula sa Iloilo Science and Technology University at ang nagbigay ng kanyang pangwakas na pananalita ay ang Executive Director ng PCAARRD na si Dr Reynaldo Ebora.
Tunay na ang panahon ng tag ulan at ang malimit na pagbuhos ng ulan amging malakas o mahina man ay may mga kaakibat na mga hamon at suliranin lalo sa sektor ng agrikultura ngunit ang makabagong agham at ang mga teknolohiya nito kasabay ng mga kabi-kabilang inobasyon buhat nga mga malikhaing dalubhasa ang siyang makapagbibigay ng natatanging solusyon para sa sapat na produksyon.