Metro Manila Subway Project Phase 1

Ginanap SA Valenzuela City, Bgy. Ugong ang Metro Manila Subway Project Phase 1 Partial Operability Section ” Mobilization, Checks, Awarding  and Deeds of Absolute Sale Signing Ceremony” na pinangunahan NG Department of Transportation. SA bahaging Ito magsisimula ang subway SA Quirino Highway at magtatapos SA NAIA terminal 3 na inaasahang makapade decongest SA kalagayan NG trapiko SA Kamaynilaan. Ang projekto ay SA pagtutulungan NG gobyerno at JICA. kabilang sa MGA dumalo ay MGA represents the NG lungsod Quezon at lungsod NG Valenzuela. Atty Tomthy John Batan, Undersecretary for railways NG DOTr. Kiyo Kawabuchi Senior Represdntative NG JICA at Monichiro Tsuchiya, Representative SFTE- JV at DOTr Sec. Arthur Tugade. Ang partial operation NG Subway ay ngayong 2022 at ang full operation ay 2025.///Michael balaguer, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net 09333816694  

-30-

PSA about “kapis chips”, a product of KALIWANAG
Rural Improvement Club (RIC), a cooperative in Samal, Bataan that engages
in the development of kapis-based products.

Ang “window-pane shell” o kapis (Placuna placenta) ay kilala sa
matingkad na kulay ng kabibe nito. Kadalasan itong ginagawang parol,
plorera, lamp shade, candle holder, window panes, chandeliers, at iba
pang dekorasyon. Isa itong uri ng bivalve mollusk gaya ng tahong, talaba,
kuhol, at tulya.
Ang Samal, Bataan ay isa sa mga munisipalidad na mayaman sa kapis.
Kaya naman ang paggawa ng mga produktong yari sa kapis shell ang
pangunahing pangkabuhayan ng mga mamamayan nito. Liban dito,
ginagamit din nila itong pangunahing sangkap sa mga pagkain gaya ng
adobo, afritada, shanghai, at maging kapis chips at kropek.
Sinimulan ng KALIWANAG Rural Improvement Club o RIC, isang
kooperatiba sa Samal, Bataan ang ideya sa paggawa ng kapis chips.
Suportado ito ng proyektong “Technology Program and Utilization of
Window Pane Oyster (Placuna placenta) Product” na pinondohan ng
Bureau of Agricultural Research.
Ayon kay Dr. Lilian D. Garcia, regional director ng Bureau of Fisheries and
Aquatic Resources Region 3, ang kapis chips ay mas masustansya kaysa
sa tahong dahil mas mayaman ito sa protina.
Sa kasalukuyan, mayroon nang original at sweet and spicy flavor ang
kapis chips na mabibili sa mga pasalubong centers, at municipal at
provincial tourism offices sa Samal, Bataan.
Para sa karagdagan impormasyon ukol sa kapis chips, maaaring
makipag-ugnayan kay Ginang Gladys T. Resubal ng Office of the
Provincial Agrculturist ng Balanga City, Bataan sa numerong 0-9-0-8-2-9-
8-9-8-1-4 o magpadala ng mensahe sa gladys_resubal@gmail.com.
At para naman sa iba pang mga research at technology, maaaring i-like
ang opisyal na Facebook page ng DA-BAR sa fb.com/DABAROfficial.

-30-

PSA re “Tikod Amo” – an oyster species which
can only be found in the coastal municipalities of Barobo, Lianga Bay in
Surigao del Sur.

Ang tikod amo ay isang uri ng talaba na matatagpuan sa mga baybayin ng
Barobo, Lianga Bay sa Surigao del Sur. Ang pangalan nito ay nagmula sa
“Kamayo”, lenggwahe ng mga naninirahan sa gitnang silangan ng
Mindanao. Tinawag itong tikod amo dahil sa mala “ankle of an ape” o
adductor muscle na itusra nito. Ang laman nito ay may iba’t ibang kulay.
Ito ay kalimitang makikitang nakadikit sa mga bato, corals, troso, kawayan
at maging sa mga lumang gulong sa dagat.
Ang pangongolekta ng tikod amo ay naging pangkabuhayan ng mga
mangingisda sa Surigao del Sur. Higit na mas mataas ang presyo nito
kumpara sa ordinaryong talaba na mabibili sa pamilihan. Mabibili ito sa
halagang Php400 kada kilo.
Dahil sa mataas na demand ng tikod amo, pati maging mga “baby oyster”
ay kinokolekta upang maibenta. Dulot nito, bahagyang nabawasan ang
populasyon nito at napinsala ang mga corals dahil sa pagkaubos ng mga
ito. Base sa mga datos, nabawasan ng 40 hanggang 60 porsyento ang
huli ng mga mangingisda taong 2006 hanggang 2008.
Upang tugonan ang problema, sinimulan ng Surigao del Sur State
University at ng Bureau of Agricultural Research o BAR ang “Preliminary
Study of Tikod Amo on its Potential as an Oyster Culture Species”.
Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang anatomiya at biyolohikal na
katangian ng tikod amo, malaman ang panahon ng panganganak o
pangingitlog nito, at maparami ang mga ito sa paggamit ang iba’t ibang
culture system.
Ginamitan ng polyculture ang tikod amo na kung saan ang mga ito ay
pinalaki ng may kasamang seaweeds at mga isda gaya ng bangus at
siganid sa loob ng isang fish pond.
Naging epektibo ang proyekto dahil tumaas ng 15,000 hanggang 20,000
metrong toneladang tikod amo ang napoproduce kada taon na nagbigay
daan upang maiangkat ang mga ito sa China at South Korea.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Tikod Amo, maaaring
makipag-ugnayan kay Ginang Gemma A. Asufre sa numerong 0-9-4-6-3-
3-3-0-2-2-9 o magpadala ng mensahe sa kanyang email na
gaasufre@gmail.com.
At para naman sa iba pang mga research at technology, i-like lamang ang
opisyal na Facebook page ng DA-BAR sa fb.com/DABAROfficial