MGA PAGBABAGO SA INDUSTRIYA NG PAGBABALITA PAGKATAPOS NG COVID 19

PILIPINAS FEB 17 2021-MARAMING naging pagbabago sa pamumuhay ng mga tao nang manalasa ang corona virus nitong nakaraang dalawang taon, napakaraming aspeto ng buhay ang ang kanyang binago pati na rin ang industriya ng peryodismo at pamamahayag maging ito’y sa diaryo, radio, telebisyon at internet (kasama ang mga news websites at social networking sites).

Maituturing na nga ba itong “bagong normal”? gayung ipinababalita ng mga gobyerno sa daigdig na may mga binabakuhanahan na kontra covid 19 at hindi magtatagal ay magwawakas na ang nananalasang pandemya.

Kapansin pansin lalo ang mga pagbabago sa industriya ng pagbabalita dahil sa kabila ng makupad na imprastruktura ng internet sa Pilipinas at usad pagong na koneksyon, makikita ang tiyaga at sipag ng Pilipino na sinabayan na rin ng husay at talino sa pagsabay sa teknolohiya ng panahon.

Kung titingnan ang mabuting naidulot ng pandemya, masasabing kabilang rito ay ang pagkakabuklod ng pamilya at lipunan dahil halos dalawang taon na lagi silang magkakasama at hindi lumalabas ng bahay pero ayon sa komunidad ng agham ito ay isang “tagumpay” dahil ang disiplinang hindi alintana nuon ay bukambibig na ngayon “salamat sa agham”.

Nitong nakaraang VOICE of PRESS na pinangunahan ng Heavenly Culture World Peace Restoration of Light (HWPL) September 16, 2020 kung saan dinaluhan ito ng 16 na mga mamamahayag mla sa 6 na bansa, ang kanilang mga inilahad na mga isyu ay tungkol sa mga suliranin panlipunan gaya ng pagkawala ng mga trabaho, pagkalat ng mga maling balita at kaguluhan sa lipunan gawa ng krisis sa pampublikong kalusugan.

Sa darating na February 27, 2021, sabado isa na namang VOICE of PRESS ang gaganapin via zoom kung saan ang mga mamamahayag buhat sa 5 bansa ( Hongkong, Taiwan, Nepal, Indonesia at Pilipinas) sa asya ang makikibahagi, makikipagtalakayan sa temang “POST COVID 19 NEWS INDUSTRY TRANSFORMATION”

Kanilang aalamin kung ano ang mga hakbang na ginagawa ng indstriya upang mapagtagumpayan ang mga hamon at matanggap ang mga oportunidad habang nananatili pa rin ang integridad sa propesyon.

Pag uusapan rin kung anu-ano ang mga hamon na kinaharap ng mga mamamahayag sa kani kanilang mga bansa sa kasagsagan ng pandemya sa unang bahagi at sa ikalawang bahagi naman ay ang mga maibibigay na suhestiyon ukol sa mga mabuting practices sa pagharap at paglaban sa pandemya ng kani-kanilang mga gobyerno.

Sinimlan ng HWPL ang VOICE of PRESS nuong November 2016 kung saan unang dinaluhan ng 22 mamamahayag.///Michael Balaguer, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net , +639262261791