PWD team ng Bulacan, nag-uwi ng 32 medalya; Batang Pinoy Luzon Qualifying Leg, isasagawa sa Bulacan at NAST RTD sa Folic Acid

LUNGSOD NG MALOLOS – Pinili ng Philippine Sports Commission (PSC) na isagawa ang Philippine Youth Games o ang Batang Pinoy 2015 sa lalawigan ng Bulacan, kung saan libu-libong mga batang atleta ang maglalaban-laban sa iba’t ibang kategorya ng larong pampalakasan sa Luzon Qualifying Leg sa darating na Hulyo 17-22, 2015 sa lungsod na ito.

Ang mga batang may edad 15 taon gulang pababa ay hinihikayat na makibahagi sa paligsahan upang malinang ang kanilang mga kakayahang pampalakasan na isang mahalagang paraan upang maging kampeon at katawanin ang kanilang mga lalawigan o ang bansa sa mga darating na pambansa at internasyonal na kumpetisyon.

Ipinahayag naman ni Bulacan Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado ang kanyang pagsuporta sa kumpetisyon at hinikayat ang ilang mga lokal na yunit ng pamahalaan na maglaan ng panahon at pagsuporta sa paglinang ng kakayahang pampalakasan ng mga kabataan sa kanilang mga nasasakupan na kabilang din sa mga layunin ng Batang Pinoy.

“Dapat nating linangin at suportahan ang mga kabataang mayroon angking kakayahan sa larangan ng sports. Tulungan natin silang maging isang magandang ehemplo sa kapwa nila kabataan at habang sila ay bata pa ay mabatid na nila ang pagkakaroon ng disiplina, pagkakaisa, kahusayan at patas na paglalaro na kabilang sa mahalagang elemento sa pagbuo ng matatag na komunidad,” pahayag ni Alvarado.

Bilang paghahanda sa Batang Pinoy, binisita rin ng PSC Officers kasama ang Provincial Sports, Youth, Employment and Development Office ang mga billeting areas at playing venues na gagamitin ng mga batang kalahok.

Kabilang sa mga isports sa kumpetisyon ay ang basketball, volleyball, athletics, dance sports, gymnastics, tennis, swimming, triathlon, baseball, archery at ibang mga larong pampalakasan na magpapakita ng kahusayan ng mga kabataan.

Alinsunod sa Executive Order No. 44, ang Philippine Youth Games o Batang Pinoy ay ang palarong pambansa para sa mga bata upang malinang ang kanilang mga kakayahang pampalakasan sa pamamagitan ng patas at malinis na paligsahan./// Bulacan PPAO

LUNGSOD NG MALOLOS – Kaugnay ng pagdiriwang ng Persons With Disability Week, nag-uwi ang PWD team ng Bulacan ng 32 medalya sa katatapos lamang na 4th Stage ng Philippine Sports Commission Philspada Para National Games na ginanap sa RMSC Manila noong Hulyo 2 hanggang Hulyo 6, 2015.

Sa temang “Health and Wellness of PWD Opportunities toward an Inclusive Development”, nagpakitang gilas at nasungkit ng 12 Bulakenyo ang 15 medalyang ginto, siyam na pilak at walong tanso.

“Nasaksihan ko ang ating mga PWD delegate na masigasig na nakilahok sa mga laro, hindi alintana kung ano man ang kakulangan nila kaya naman halos lahat ng manlalaro ay nakakuha ng medalya and this is not just about bringing home medals, this is about empowering them and making them feel that they belong, and that the province supports them,” pahayag ni Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado.

Kabilang sa mga nagwagi sina Rustom Arnaldo ng Marilao at Caselynee Malyon ng Calumpit na kapwa nag-uwi ng gintong medalya para sa long jump. Ginto rin ang nakamit ng dalawa para sa 400m at 100m runs habang si Ricardo Dimongo naman ng Marilao ang nagkamit ng gintong medalya para sa 800m run. Nakakuha rin ng gintong medalya sina Queenie Joy Manio ng Calumpit at Angelo Gojo Cruz ng Marilao para sa larong Shot Put.

Para naman sa Javelin at Discus Throw (Intellectual Disability Category), medalyang ginto din ang naiuwi nina Queenie Joy Manio ng Calumpit at Jesebel Tordecilla ng Meycauayan, isang orthopedically handicapped, gayundin si Gerardo Regalado ng Calumpit  para sa kategoryang Amputee.

Bukod dito, nagpakita din ng husay sina  Dyesebel Lopez at Jocelyn Datiles mula sa Marilao, Francis Pechardo ng Calumpit, Adelaida Mendoza ng Hagonoy at Joselito Bernes ng Baliwag kung saan nakapag-uwi sila ng pilak at tansong medalya. Samantala, gaganapin naman ang pre-screening para sa mga pasyenteng may bingot sa Baliwag District Hospital sa darating na Hulyo 18, 2015. ///mula sa Bulacan PPAO

folic acid

 

 

Kakulangan sa Folc Acid at Vitamin B12 ang katiyakang di magkakaroon ng mga neural tube defect ang mga sangol na isinisilang ayon sa isang speaker buhat sa Philippine General Hospital na si Dr. Marisa B. Lukban, Child Neurologist ng Philippine General Hospital at Professor sa College of Medicine ng University of the Philippines Manila sa kanyang pagtalakay sa Burden of Neural Tube Defect at nagpakita siya ng mga larawan ng mga sangol na may NTD.

Inorganisa ng NAST ang nasabing RTD upang ipabatid ang kahalagahan ng Folic Acid sa mga kababaihang aktibo na sa pakikipagtalik dahil maari silang makapagdalang tao at maiwasan ang NTD sa kanilang mga isisilang.

Pagrebisa sa folic acid deficiency sa bansa, mga fortification efforts sa rehiyon at sa bansa. Nabanggit rin na kailangan na magkaroon ng lehislasyon para sa fortification, i-orient ang mga stakeholders para sa fortification para na rin sa public health at ang papel ng gobyerno, akademya, kabataan, mga ahensya at sector  na magsilbing susi sa pagsulong ng fortification, kung sa tinapay, noodles atbp.

Tinalakay naman ni Dr. Karen Coding ang Global Progress of Fortification Efforts at Regional Activities, siya ay Executive officer for Asia ng Food Fortification Initiative, ayon sa kanya, ang fortification ng Folic Acid kagaya sa Rice at Salt ay susi upang maiwasan ang maraming bata na isilang na may NTD dahil ito ay isang genetic defect na dapat inaagapan. Ang karugtong na istorya ay nasa AGHAM page.///Michael Balaguer