Ipinaliwanag ng mga kawani ng Philippine Nuclear Research Institute ang mga mabuting dulot ng teknolohiyang nukleyar sa ginanap na Nuclear 101 awareness seminar para sa mga mamamahayag na nagkokober ng DOST upang kanilang maibahagi sa kanilang mga tagapanood, tagapakinig at mambabasa ang mga kabutihang dulot ng agham ng nukleyar sa medisina, industriya at agrikultura.
Sa dalawang araw na seminar para sa pamamahayag, unang nagpaliwanag si Dr. Carlo A. Arcilla, Director ng PNRI at sinabi niyang napakahalaga ang agham na nukleyar para sa ikasusulong ng bayan, ang enerhiyang nukleyar ay lubhang napakatipid at magdudulot ng malaking bentahe para sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa.
Kaya umano lumayas ang mga negosyo sa manufacturing sa bansa ay dahil sa taas ng halaga ng kuryente sa kabila ng napakalaking emission na inilalabas ng mga planta ng coal na pangunahing pinanggagalingan ng enerhiya ng bansa para itulak ang bayan sa pag unlad.
Ang kakambal na planta ng Bataan Nuclear Power Plant ay umaandar at patuloy na nagpapayaman sa mga bansang pinagtayuan nito. Ang KORE II na nasa Korea ay isa sa mga kakambal ng BNPP.
Sabi ni DOST Sec. Fortunate T. de la Pena nuong siya ay USec pa lang ng DOST, dahil sa isa rin siyang enhinyero kagaya ng mga miyembro ng Philippine Society of Mechanical Engineers, ang isyu ng BNPP ay hindi pag agham kundi isang isyung pulitikal.
Ayon kay Dr. Arcilla, malaking tulak sa pagsulong ng Build Build Build ng Duterte Administration ang pagbubukas ng BNPP at pagtatayo pa ng iba pang plantang nukleyar sa bansa.///Michael Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtgalog.net