Nakatakdang ganapin ngayon ang Ikalawang pagtuturo sa NUTRIMENT Workshop 2018 na pinangunahan ng Holistic Integrative Care Center
Nutriment Workshop 2018 (Class 2)
2018 National Invention Contest and Exhibits matagumpay na naidaos
Sa temang Science for the People, Innovation for collective prosperity matagumpay na naidaos ang 2018 National Invention Contest and Exhibits na pinangunahan ni Technology Application and Promotion Institute Dir. Engr. Edgar Garcia kasama ang buong DOST.
Mga dati at bagong mga imbentor at kanilang mga likha ang naka exhibit sa grounds ng Le Pavillion sa Pasay City. Sa pagbubukas ng NICE nagsalita si Intellecual Property Office Director General Atty. Josephine Santiago at kanyang ipinaliwanang ang kahalagahan ng Intellectual Property at ang pagpapa patent para sa kanilang mga imbensyon at inobasyon.
Sa bahagi ng DOST ay naroon si USec. Brenda Nazareth Manzano. Kabilang sa mga interesanteng likha ay ang TENDO na maaring magpabagsak sa bantog nang SUDOKU isang imbensyon ni Bobby Cabe na may panayam sa www.dzmjonline.net ito ay may layuning turuan ang mga bata ng matematika at hindi matakot sa number.
Nais ng imbentor na makalikha ng maraming kabataang math wizards habang ang isa pang exhibitor na si Jose Medrono, isang Homeopathic Doctor na nagsabing ang kanyang treatment ay maaring maging lunas sa napakaraming karamdaman ay kasama rin sa mga nakapanayam ng www.dzmjonline.net , ///michaelbalaguer@diaryongtagalog.net ///Michael Balaguer