Online Filipino Worker bagong kahulugan ng OFW ayon sa SURGE

May bago ng kahulugan ang mga letrang OFW na karaniwang alam natin na Overseas Filipino Worker o ang katawagan sa mga kababayan natin na nagtatrabaho sa ibayong dagat. Pagkaraan ng pandemya dulot ng COVID-19 marami ng nagbago sa paraan ng pagtatrabaho o sa sektor ng paggawa hindi lamang dito sa bansa kundi sa maraming bansa sa ibayong dagat.

Hindi na bago sa atin ang pagkakaroon ng mga ugnayan sa ibayong dagat sa pamamagitan ng internet, ang distant learning ay ang pag aaral sa mga paaralan sa ibang bansa o dito sa atin na malayo sa lugar ng tirahan o pinagtatrabahuhan gayun din ang freelance work kung saan may mga trabahong ginagamit ang internet ay sumasahod ng dolyar at hindi Philippine Peso.

Isa sa nagiging suliranin ng mga nangingibang bansa ay ang pagkakahiwalay sa pamilya at dahil isinusulong ng SURGE ang mga trainings online ay magiging buo na ang pamilya at magkakaroon na ng quality time ang mga magulang sa kanilang mga anak habang sila ay nagtatrabaho sa sarili nilang oras gayundin sa mga nais magnegosyo direkta na nilang

Kabilang sa mga dumalo sa naging pagbubukas ng sangay ng SURGE sa City of Malolos, Bulacan ay si Ms Grace Locsin, ang Chief Executive Officer (CEO) sa buong Pilipinas at dahil ang kanilang unang lokasyon sa buong luzon ay sa Bulacan partikular ang Malolos na unang naitatag ang unang republika sa buong Asia pati ang unang kongreso naroon din ang Chief Operating Officer ng Malolos SURGE na si Quintin Que Jr. ///Michael Balaguer, 09262261791, diaryongtagalog@gmail.com