Pinangunahan NG Department of Transportation ang Low Carbon Transport Forum 2020 Kung saan kasama Rin ang United Nations Development Program at MGA Local Government Unit NG Sta. Rosa, Iloilo and Baguio.
Layunin NG forum ang I modernize ang pampublikong Transportation para sa kapakanan NG MGA mananakay at para na Rin SA kalikasan. Maiiwasan ang MGA aksidente at trapik at luluwag ang MGA kalsada at saang MALIIT Kung maging makabago ang MGA sasakyang Gaya NG jeepney, bus at tricycle
. Kabilang sa MGA dumalo ay Sina Enp. Ermin V. Lucino ang City Planning Officer NG Sta Rosa City SA Laguna, Engr. Noel Hechanova ang City Government Department Head II CENRO NG Iloilo City at Mayor Benjamin Magalong NG Baguio City.///Michael Balaguer, 09333816694,michaelbalaguer@diaryongtagalog.net
-30-
PSA material for the upcoming 4th National CPAR
Congress.
Sa loob ng mahigit dalawang dekada, libo-libong magsasaka at
mangingisda na ang nakinabang sa implementasyon ng Communitybased Participatory Action Research program o CPAR, isa sa mga banner
programs ng Bureau of Agricultural Research o BAR.
Kasabay ng ika-dalawampu’t isang taon nito, idaraos ang ika-apat na
National Community-based Participatory Action Research Farmers and
Fisherfolk Congress o CPAR Congress sa darating na ika-dalawampu’t
walo hanggang dalawampu’t siyam ng Oktubre 2019, sa Bureau of Soils
and Water Management Convention Hall, Diliman, Quezon City.
Dala ang temang “Ibayong pakikilahok ng masa sa pananaliksik at
pagpapalaganap ng makabagong teknolohiya para paunlarin at
pasiglahin ang ekonomiya sa kanayunan,” magtitipon-tipon ang mga
magsasaka at mangingisda mula sa kanayunan upang ibahagi ang kanikanilang mga kwento ng tagumpay.
Ang mga magsasaka’t mangingisda mismo ang magbibigay ng patotoo sa
tulong na naibahagi sa kanila ng CPAR program.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring i-like ang opisyal na
Facebook page ng DA-BAR sa fb.com/DABAROfficial (f-b dot com slash
d-a bar official). ##
-30-
PSA regarding “Jovimin Balls”, a feed
supplement in a form of a mineral ball infused with natural ingredients
from indigenous sources that are made safe for consumption of goats at all
growth stages.
Isang mahalagang bahagi ang ginagampanan ng mga kambing sa sektor
ng agrikultura. Dahil sa malaking kontribusyon nito sa pagsasaka, unti-unti
nitong napukaw ang atensyon ng mga lokal at pribadong sektor upang
tangkilikin at higit na mapalago ang goat industry sa bansa.
Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority noong 2010, ang pagaalaga ng kambing ang pangunahing pangkabuhayan ng 1.34 milyong
Pilipino.
Isang inisyatiba ang sinimulan ng Dr. Jovita Datuin, chief ng Research
Division ng Department of Agriculture – Regional Field Office 1 (DARFO1) ukol sa pag-aaral ng kambing – ang Goat Check System. Kaugnay
ng proyektong ito ay ang tamang paraan ng feeding at housing
management, breeding management, at health management.
Kaakibat din ng Goat Check System ang pagdadagdag ng Urea Molasses
Mineral Block o UMMB. Ang UMMB ay kombinasyon ng urea, molasses,
rice bran, vitamin-mineral premix, at asin. Binibigay ito sa mga kambing
upang magkaroon ng sapat na mineral at vitamins, ngunit ang sobrang
paggamit nito ay maaaring magdulot ng urea toxicity. Dahil dito,
mabusising pinag-aralan ni Dr. Datuin noong 2015 ang paggawa ng isang
mineral ball bilang feed supplement para sa kambing.
Si Danilo Soria, isang farmer-cooperator mula sa San Ramon, Manaoag,
Pangasinan ang sumubok sa nasabing mineral ball matapos mamatay
ang kanyang 30 kambing dahil sa diarrhea (da-ya-ri-ya). Ginamitan nya ng
mineral balls ang kayang 12 natitirang kambing na paglao’y naging
maganda resulta dahil naging mabilis ang paglaki ng mga ito at naging
maganda ang kulay at pagtubo ng mga balahibo ng kanyang mga
kambing.
Dahil sa magandang resulta, pinarehistro ni Dr. Datuin ang kanyang
mineral balls at pinangalanan bilang “Jovimin”. Sinuportahan ito at
pinondohan ng Bureau of Agricultural Research o BAR; at kinilala ng
Bureau of Trademarks noong Setyembre 8, 2016.
Ibinida ang Jovimin balls sa national Organic Agriculture Congress o
NOAC noong ika-24 ng Nobyembre 2016 sa Laoag City, Ilocos Norte.
Dahil sa Jovimin balls, nabigyang solusyon ang pagpapanatili sa
kalusugan ng mga kambing nang hindi gumagamit ng mga sintetikong
kemikal.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Jovimin balls, maaaring
makipag-ugnayan kay Dr. Jovita M. Datuin sa numerong 0-9-0-8-3-9-9-8-
9-4-6 o mag email sa research_darfo1@yahoo.com.
At para naman sa iba pang mga research at technology, maaaring i-like
ang opisyal na Facebook page ng DA-BAR sa fb.com/DABAROfficial.
-30-
PSA about “adlay” — the staple food of
many indigenous people particularly in the highlands.
Isa ang adlay sa mga pangunahing pagkain ng mga katutubong Pilipino
sa maraming parte ng bansa. Binabayo ito matapos anihin upang
maihiwalay ang balat sa laman. Maaari itong lutuin at ihain gaya ng bigas.
Maaari din itong gawing sangkap sa sabaw at sopas dahil sa kaaya-ayang
lasa nito. Kadalasan itong ginagawang harina na ginagamit sa paggawa
ng mga tinapay, lugaw, at maging sa paggawa ng mga pasta. Ang mga
pininong butil nito ay maaaring gawing kape at tsaa o kaya naman ay
iimbak upang makagawa ng alak.
Masustansya ang adlay. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute,
ang 100 grams ng serving ng adlay ay may taglay na 73.9 grams na
carbohydrates, 12.8 grams na protina, at 1.08 grams na fat. Mayaman din
ito sa minerals tulad ng calcium, phosphorus, niacin, thiamine, riboflavin,
at iron.
Dahil sa madaming benepisyong nakukuha sa adlay, ang Bureau of
Agricultural Research ay nagsagawa ng isang research and development
o R&D program ukol dito.
Ang programa ay tumatalakay sa paggamit ng adlay bilang altenatibong
pagkain sa mga pagkaing nakasanayan ng mga Pinoy.
Layon din ng programang ito na magkaroon ng dagdag kita at
pangkabuhayan ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagtuklas ng
iba pang mga produktong maaaring magawa dito.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa adlay, maaaring makipagugnayan kay Ginang Digna Narvacan sa numerong 0-9-3-9-1-6-1-3-5-0-8
o kaya naman ay magpadala ng mensahe sa kanyang email na
dnarvacan@yahoo.com.
At para naman sa iba pang mga research at technology, maaaring i-like
ang opisyal na Facebook page ng DA-BAR sa fb.com/DABAROfficial.