PHYSICIANS FOR PEACE PRODUCE PROSTHESIS TO BULAKENYOS
Nagsimula nang sukatan ang mga bulakenyo ng prostetic o artificial limb, ito ay para sa mga kababayan nating persons with disability tungkol sa kanilang mobility o hirap sa paggalaw gaya ng mga pilay, naputulan atbp., at napakarami ng nabiyayaan ng nasabing proyekto na nabuo sa pagtutulungan ng University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center Inc., (UERM-MMCI) Damayang Filipino Movement Inc., at ng Provincial Government of Bulacan.
Nasa 17 katao ang naging benepisyaryo sa kanilang unang araw at ang Rotary Club of Makati West ay nagkaloob pa ng love gift na 500 piso sa bawat isa.///michael balaguer, 09333816694, konekted@diaryongtagalog.net
PHYSICIANS FOR PEACE LILIKHA NG MGA PROSTHESIS PARA SA MGA BULAKENYOS
DR JOSEPHINE ROBREDO BONDOC ng Philippine General Hospital kasama ang mga delegadong duktor mula sa grupong Physicians for Peace ay nagtungo sa kapitolyo ng lalawigan ng Bulacan sa Malolos upang ipagkaloob ang kanilang serbisyo sa mga bulakenyong nangangailangan ng Prosthesis a at iba pang orthopedic services pati na mga serbisyong dental kasama ang mga duktor at mga health care workers mula sa Damayang Filipino Foundation ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando na ngayon ay pinamumunuan ng kanyang kapatid na si Tenie Bautista na siya ring pinuno ng PGB Constituent and Medical Division.
Kabilang ito sa mga programang tuloy tuloy na isinasagawa ng Bulacan Provincial government sa ilalim ng pamumuno ni Governor Daniel Fernando na nakatuon sa mga programang pang kalusugan dahil nais niyang maging ligtas at malusog ang kanyang mga kababayan, kung kaya sa pamamagitan ng kanyang
N.G.O, na Damayang Filipino Movement na ngayon nga ay pinamumunuan ng kanyang kapatid na si Ms. Tenie Bautista ito ay nakatutulong ng malaki upang maisakatuparan ang kanilang maraming mga adbokasiya lalo at higit sa bahagi ng healthcare.
Sa pagkakataong ito ay ang nakikitang madaling solusyon sa suliranin ng disabilidad sa paggalaw ay ang prosthetics na binigyang katuparan anamn ng mga duktor at dalubhasa sa medisina na nakipagtulungan sa kanila. Ang buong kwento ay bahagi ng panayam ng www.dzmjonline.net kay Dr. Josephine Robredo-Bondoc at Ms. Tenie Bautista at dito kapwa nila ipinaliwanang ang mga kaparaanan at mga tulong na kanilang ginagawa para sa mga bulakenyong may disabilidad sa pagkilos at paggalaw para kahit paano ay maging normal naman ang buhay ng mga ito at makasabay sa lipunan. ///michael balaguer, 09333816694,konekted@diaryongtagalog.net