Panunumpa ng mga bagong career scientist ginanap

Sa ika 24 na Scientific Career System kaalinsabay sa pagdiriwang ng buwan ng Civil Service ginaganap ngayong ika 4 ng Setyembre ang oath taking ng mga newly conferred at upgraded na mga career scientist sa Luxent hotel, lungsod Quezon.

Sa pangunguna ng National Academy of Science and Technology, Department of Science and Technology, Civil Service Commission at Scientific Career System sa mga magiging career scientist.

Kabilang sa mga nakibahagi ay sina Luningning Samarita-Domingo na Director ng National Academy of Science and Technology at Secretary ng Scientific Career Council kasama rin si Civic Service Commission Chair Karlo Nograles.

Ang mga Bagong Conferred na mga Career Scientist ay sina Dr Marita S Pinili, Dr Ferdinand V Salazar at Ms fFdes Marciana Z Tambalo at mga newly Upgraded Career Scientist Dr Edwin P Alcantara, Dr Perangeli S Vital at Dr Norvie Manigbas.

Mensahe buhat kay Secretary Renato U Solidum Jr. ng DOST na binasa ni Director Samarita-Domingo ng NAST at SCS ang layunin ng mga na conferred at na upgrade na mga scientist ay hikayating patuloy na pagsikapang pag-ibayuhin ang kahusayan upang matulungan ang bayan na bigyang solusyon ang mga hamon na hinaharap ng kasalukuyang panahon.